06/06/2026
MALIGAYANG KAARAWAN KUYA ABET ❤️✨
Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza at lahat ng kawani ay bumabati ng Maligayang Kaarawan sa ating masipag na kawani ng Lokal na Pamahalaan, Sir Norberto Miranda.
Maligayang Kaarawan, Kuya Abet ❤️✨
Nawa’y maging puno ng pagmamahal, kaligayahan at biyaya ang iyong espesyal na araw.
Sama-sama tayong maglingkod ng Tapat sa Diyos at sa Bayan tungo sa isang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.
06/06/2026
BAYANIHANG BULILIT 2026: ISANG MAHALAGANG HAKBANG PARA SA KOMUNIDAD AT KABATAAN NG BARANGAY SUBIC ILAYA 🇵🇭✨
Bukod sa pakikiisa sa paghahanda ng mga paaralan, personal ding dinaluhan ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ang naganap na blessing ng bagong Gusali at Day Care Center sa Barangay Subic Ilaya.
Ang tagumpay na proyektong ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan at masigasig na paggabay ng Pamahalaang Barangay ng Subic Ilaya sa pamumuno ni Kgg. Mario Almanzor. Kasabay ng okasyong ito, inilunsad din ang Bayanihang Bulilit na naglalayong tiyakin na ligtas, komportable, at angkop ang bagong pasilidad para sa pag-aaral at paglago ng mga maliliit na kabataang Agoncillian.
Naging katuwang din sa makabuluhang gawaing ito ang iba't ibang sektor ng ating lipunan kabilang ang mga kasapi ng MWCC, Religious Organizations, PNP-Agoncillo, mga kawani ng MSWDO at ng ating mga Child Representatives sa pangunguna ni Dan Gabriel Reyes.
Sa ating pagpapatibay ng edukasyon, napapagtibay din natin ang panata ng Lokal na Pamahalaan na Magandang Serbisyo Publiko. Ang paglinang natin sa magiging pangalawang tahanan ng mga musmos nating kababayan ay paglinang din natin sa kanilang magandang kinabukasan.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa makabuluhang gawaing ito.Para sa Bata, Para sa Mas Magandang Agoncillo.
06/06/2026
SAMA-SAMANG PAGKILOS PARA SA MATAGUMPAY NA BRIGADA ESKWELA 2026 🇵🇭✨
Muling ipinamalas ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ang diwa ng bayanihan sa pormal na paglulunsad at pakikiisa sa isinagawang Brigada Eskwela 2026. Ang mahalagang inisyatibong ito ay pinangunahan ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang masisipag na kawani ng ating Lokal na Pamahalaan.
Hindi matatawaran ang suportang ipinakita ng iba’t ibang ahensya ng Gobyerno, katuwang ang mga NGO's at CSO's na nananatiling kaagapay ng ating munisipyo sa pagtataguyod ng maayos na edukasyon para sa ating mga minamahal na kabataan.
Sa ilalim ng insiyatibo at pamumuno ni Mayor Cindy, bawat paaralan sa buong bayan ng Agoncillo ay mayroon nang nakatalagang empleyado mula sa Lokal na Pamahalaan. Sila ang magsisilbing katuwang ng mga g**o at magulang sa paglilinis, pagkukumpuni, at paghahanda ng mga pasilidad upang matiyak na ligtas at maayos ang kapaligiran para sa pagbabalik-eskwela ng ating mga kabataan.
Ang gawaing ito ay hindi lamang isang tradisyon, kundi isang matibay na panata ng ating Lokal na Pamahalaan. Naniniwala tayo na sa pamamagitan ng pagtutulungan, mas mapapaunlad natin ang kakayahan at kinabukasan ng bawat mag-aaral na Agoncillian.
04/06/2026
1st ANNIVERSARY NG DEDICATION NG PARISH OF OUR MOTHER OF PERPETUAL HELP (POMPH) IPINAGDIWANG
Nagdiwang ng isang concelebrated mass kanina sa POMPH, na pinangunahan ni Most Reverend Reynaldo Evangelista, Bishop ng Cavite Archdiocese, bilang pagdiriwang ng kapistahan ng pagkatatag ng simbahan.
Matatandaan na nasira ang unang simbahan matapos ang 2020 Taal Volcano eruption, kaya kinailangang bumuo ng bagong simbahan, sa ilalim ng iba-ibang kura paroko at natapos sa ilalim ng ating kasalukuyang Parish Priest na si Rev. Fr. Jay Encarnacion.
Sa homily ni Bishop Evangelista, binigyang diin niya ang kahalagahan ng physical church kung saan isinasagawa ang pinakamataas na form ng prayer - ang Banal na Misa. Ganundin, ang simbahan na binubuo ng mga mananampalataya, na hindi kayang basta basta mabuwag.
Ang Hermano and Hermana ay pamilya nina Engr. Ronuel at Bamba Lirio.
Nakiisa ang ating lokal na pamahalaan sa pagdiriwang na ito, sa pangunguna nina Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Former Mayor Atty. Daniel Reyes at pamilya.
04/06/2026
CONGRATULATIONS KABAYAN 🇵🇭✨
Isang taos-pusong pagbati kay Bb. Angel V. Hortal sa kanyang matagumpay na pagpasa bilang Certified Public Accountant, matapos ang isinagawang May 2026 Certified Public Accountants Licensure Examination.
Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa inyong dedikasyon, sipag, at kahusayan. Tunay kayong inspirasyon hindi lamang sa inyong mga kasamahan sa Brgy. San Jacinto kundi maging sa buong mamamayan ng Bayan ng Agoncillo.
Nawa’y magsilbi pa itong daan upang lalo pang maitaguyod ang mahusay, tapat, at makabuluhang serbisyo para sa ating bayan.
Pagbati rin ang nais ipaabot ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani sa inyong mga kamag-anak at kapamilya.
Congratulations, Kabayan!!
04/06/2026
MALIGAYANG KAARAWAN MS. CAMEI ❤️✨
Ang lokal na pamahalaan ng Magandang Agoncillo sa pangunguna ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza at lahat ng kawani ay bumabati ng Maligayang Kaarawan sa ating masipag na kawani ng Lokal na Pamahalaan, Ma'am Camei T. Pilac
Maligayang Kaarawan, Ma'am Camei❤️✨
Nawa’y maging puno ng pagmamahal, kaligayahan at biyaya ang iyong espesyal na araw.
Sama-sama tayong maglingkod ng Tapat sa Diyos at sa Bayan tungo sa isang Mas Magandang Agoncillo, Mas Magandang Serbisyo Publiko.
04/06/2026
BUWIS NG MAMAMAYAN, IBINABALIK SA BAYAN: MGA PROYEKTO PARA SA KAAYUSAN NG BAYAN, TAPAT NA ISINASAKATUPARAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN 🇵🇭✨
Kasabay ng pagmomonitor ng mga iba pang Proyekto ng Lokal na Pamahalaan, binisita rin ng ating Local Project Monitoring Committee (LPMC) ang ginagawang Pampublikong Aklatan sa ating V. Maligalig Building at ang ginawang pagkakabit ng mga Solar Lights sa paligid ng ating Lokal na Pamahalaan.
Sa pangunguna ng ating Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza kasama ang mga kasapi ng LPMC, masusing binisita ang nasabing proyekto at tiningnan kung maayos na nagawa ang mga kinakailangan upang ito ay magamit ng Lokal na Pamahalaan.
Layunin ng pagmomonitor na ito na maipakita sa mga kababayan natin na bawat proyekto sa ating bayan ay matapat na naisasakatuparan at naitataguyod ng Lokal na Pamahalaan.
04/06/2026
BUWIS NG MAMAMAYAN, IBINABALIK SA BAYAN: MGA PROYEKTO PARA SA KAAYUSAN NG BAYAN, TAPAT NA ISINASAKATUPARAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN 🇵🇭✨
Kasabay ng pagmomonitor ng mga iba pang Proyekto ng Lokal na Pamahalaan, binisita rin ng ating Local Project Monitoring Committee (LPMC) ang ginawang Concreting/Widening of Everlasting St., Coral na Munti FMR Agoncillo, Batangas.
Sa pangunguna ng ating Pambayang Administrador kasama ang mga kasapi ng LPMC, masusing binisita ang nasabing proyekto at tiningnan kung maayos na nagawa ang mga kinakailangan upang ito ay magamit ng Lokal na Pamahalaan.
Layunin ng pagmomonitor na ito na maipakita sa mga kababayan natin na bawat proyekto sa ating bayan ay matapat na naisasakatuparan at naitataguyod ng Lokal na Pamahalaan.
04/06/2026
BUWIS NG MAMAMAYAN, IBINABALIK SA BAYAN: MGA PROYEKTO PARA SA KAAYUSAN NG BAYAN, TAPAT NA ISINASAKATUPARAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN 🇵🇭✨
Kasabay ng pagmomonitor ng mga iba pang Proyekto ng Lokal na Pamahalaan, binisita rin ng ating Local Project Monitoring Committee (LPMC) ang ginawang Improvement of Eco Park (Waterproofing, Stainless Marker & Painting) sa Barangay San Jacinto, Agoncillo, Batangas.
Sa pangunguna ng ating Pambayang Administrador kasama ang mga kasapi ng LPMC, masusing binisita ang nasabing proyekto at tiningnan kung maayos na nagawa ang mga kinakailangan upang ito ay magamit ng Lokal na Pamahalaan.
Layunin ng pagmomonitor na ito na maipakita sa mga kababayan natin na bawat proyekto sa ating bayan ay matapat na naisasakatuparan at naitataguyod ng Lokal na Pamahalaan.