06/06/2026
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa isinagawang Public Hearing para sa "Anislag Tricycle Zoning and Traffic Management Ordinance of 2026" ngayong araw.
Ang inyong mga mungkahi, opinyon, at suporta ay napakahalaga sa pagbuo ng isang maayos, ligtas, at organisadong sistema ng transportasyon sa ating barangay. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng ating mga tricycle operators, stakeholders, vendors, Public Safety Officer (PSO) at mga residente, masisiguro nating ang ordinansang ito ay tunay na makatutugon sa pangangailangan ng komunidad.
Sama-sama nating isulong ang mas ligtas na kalsada, maayos na daloy ng trapiko, at disiplinadong operasyon ng mga tricycle para sa kapakanan ng bawat Anislagueños, hindi man agad-agad pero sisikapin natin.
Isang matagumpay na Public Hearing, bunga ng pagkakaisa at kooperasyon ng buong Barangay Anislag!
05/06/2026
Iringat po ang gabos…🙏🙏🙏🙏
04/06/2026
📢 PAANYAYA SA PAMPUBLIKONG PAGDINIG (PUBLIC HEARING)
Bilang paghahanda sa paparating na pagbubukas ng klasehan, Inaanyayahan ang lahat ng residente, tricycle operators, drivers, vendors at iba pang mga stakeholder ng Barangay Anislag na makiisa at magbigay ng kanilang mga opinyon, mungkahi, at komento sa gaganaping Public Hearing para sa:
"Anislag Tricycle Zoning and Traffic Management Ordinance of 2026"
🗓 Petsa: Hunyo 6, 2026
🕐 Oras: 1:00 ng hapon
📍 Lugar: Anislag Covered Court
Mahalaga ang inyong pakikilahok upang matiyak na ang ordinansang ito ay magiging makatarungan, epektibo, at makatutugon sa pangangailangan ng ating komunidad. Ang inyong boses ay mahalagang bahagi sa pagbuo ng mga patakarang magpapabuti sa kaayusan at kaligtasan ng trapiko sa ating barangay.
Makilahok. Magpahayag. Maging bahagi ng pagbabago.
01/05/2026
On-Going Comelec Satellite Registration at Anislag Covered Court.
Sa mga taga-Anislag asin kataning na barangay, pasyar na po kamo asin dae sayanon ang pagagatao na irinani satuya ang serbisyo kan Comelec sa satuyang Barangay
29/04/2026
📢 ANNOUNCEMENT | SATELLITE VOTER REGISTRATION 🗳️
Magandang araw, mga ka-barangay!
Inaanyayahan ang lahat na magparehistro para sa nalalapit na BSKE 2026.
Narito ang detalye ng Satellite Voter Registration:
📍 Lugar: Barangay Hall, Anislag
📅 Petsa: May 1, 2026 (Friday)
⏰ Oras: 8:00 AM
👥 Sino ang maaaring magparehistro?
✔️ Regular voters – 18 taong gulang pataas
✔️ SK voters – 15–30 taong gulang
✔️ First-time registrants, magdala ng birth certificate o valid ID
📌 Serbisyong maaaring gawin:
• New registration
• Transfer / change of records
• Correction of entries
• Reactivation / reinstatement
• Inclusion ng records
Hinihikayat ang lahat na hindi pa rehistrado na samantalahin ang pagkakataong ito. Ang pagboto ay karapatan—gamitin natin ito para sa kinabukasan ng ating komunidad.
📣 Makilahok. Magparehistro. Bumoto.
24/04/2026
Sa mga gusto maki-ogma, pasyar po kita saaga sa Anislag Covered Court (2:00 nin hapon) asin sunudon ang saindang mechanics
https://www.facebook.com/share/p/18dmhWQodH/?mibextid=wwXIfr