Si Heneral Antonio Luna (29 Oktubre 1866 - 7 Hunyo 1899) ay isang Pilipinong parmasiyotiko at isang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya rin ang nagtatag ng kauna-unahang akademyang militar sa Pilipinas.