cherlito sario 2.0

cherlito sario 2.0

Share

pilipinas kung mahal

22/03/2026

"Isang rider na nakatulog sa ibabaw ng kanyang motor habang naka-online pa sa app—pero ang hindi nakita ng lahat, ay ang dahilan kung bakit hindi niya kayang mag-log out, kahit halos hindi na niya kaya."

Hindi ko inaasahan na sa isang simpleng larawan na makikita ko sa Facebook ay babaligtad ang pananaw ko sa buhay.

Ako si Marco. Isang ordinaryong empleyado sa opisina, sanay sa aircon, sanay sa upuan, at sanay umuwi sa parehong oras araw-araw. Isa ako sa mga taong madalas magreklamo kapag traffic, kapag mainit, o kapag may kaunting aberya sa biyahe.

Hanggang sa makita ko ang larawang iyon.

Isang Angkas rider.

Nakatulog.

Nakayuko sa kanyang motor, parang isang batang napagod sa kakalaro, ngunit ang kaibahan… ang helmet niya ay nakasabit sa gilid, ang app sa kanyang cellphone ay bukas pa, at ang status… online.

“Fighting paps, still online even though asleep.”

Iyon ang caption.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kumurot sa dibdib ko.

Sa unang tingin, parang nakakatawa.

Pero habang mas tinititigan ko ang larawan… mas nagiging mabigat.

Hindi iyon simpleng pagod.

Iyon ay sukdulang pagkapagod.

Kinabukasan, habang papasok ako sa trabaho, hindi ko maiwasang mapansin ang bawat rider na nakakasabay ko sa kalsada.

Dati, isa lang sila sa mga dumadaan.

Ngayon… parang bawat isa sa kanila ay may kwento.

At doon ko siya nakita.

Parehong motor.

Parehong itsura ng helmet.

At parang siya rin ang nasa larawan.

Huminto siya sa gilid ng kalsada, hinubad ang helmet, at napaupo sa bangketa. Kita ko ang pawis na tumutulo sa kanyang noo kahit umaga pa lang.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero nilapitan ko siya.

“Boss, okay ka lang?” tanong ko....sagot niya upo okay lang pahinga lang ako saglit.


22/03/2026

REP. DE LIMA, NANAWAGAN SA TAUMBAYAN NA IPAGDASAL ANG KAPAYAPAAN SA MIDDLE EAST

Ibinahagi ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Leila de Lima ang kanyang paghingi ng dasal para sa kapayapaan sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa Middle East.

Ayon kay De Lima, inaalay niya ang kanyang panalangin sa mga apektado ng nasabing kaguluhan.

"Let us pray for peace for our families, our communities, and the world — especially for those affected by the conflict in the Middle East," ani De Lima.

"Dalangin natin na hindi na maghangad pa ng higit na kaguluhan at karahasan ang mga pinuno ng bawat bansa. Ang hangad nating magwagi ay ang pangmatagalang kapayapaan, paggalang sa karapatan, at kaginhawaan para sa lahat," dagdag pa niya.

22/03/2026

'Yung Natulog Ka Sa gabi DESISYON mo Yun, pero Yung nagising ka sa umaga DESISYON ng Dios yun.

Bro Eli. ✨️

22/03/2026

‘𝐒𝐔𝐒𝐔𝐍𝐎𝐃 𝐊𝐀𝐘𝐎 𝐎 𝐌𝐀𝐊𝐔𝐊𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐘𝐎?’ — 𝐋𝐔𝐈𝐒𝐓𝐑𝐎 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐍𝐓𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐊𝐎-𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐌𝐏𝐓 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐊𝐎 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐆 𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐈𝐁𝐈𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐊 𝐑𝐄𝐂𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐍𝐈 𝐕𝐏 𝐒𝐀𝐑𝐀?

Manila, Philippines— Maraming netizens online ang nagimbla matapos magbanta ang House Committee on Justice na ipapa-contempt — at posibleng ipapakulong — ang mga bangkong tatangging sumunod sa utos na ilabas ang bank records ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Mans Carpio.

Ayon kay Batangas Rep. Gerville Luistro, malinaw ang mensahe: walang ligtas sa kapangyarihan ng komite sa gitna ng impeachment proceedings. Kahit pa wala pang pormal na request sa mga bangko sa ngayon, babala na ito sa posibleng susunod na hakbang — lalo’t ang unang target ay ang mga rekord na hawak ng Anti-Money Laundering Council (AMLAC), base sa hiling ni Akbayan Rep. Chel Diokno.

“Well, yung failure to obey the lawful order of court of law, that’s include the power of the Justice Committee, to compel the productions of documents by way of subpoena, ang consequence nito they can be cited in contempt for failure to obey a lawful order of impeachment proceedings, ani ni Luistro.

Hindi pa malinaw kung sino eksakto sa loob ng mga bangko ang papanagutin — mga opisyal ba o buong institusyon — pero isa lang ang sigurado: may kapangyarihan ang Kongreso na magpakulong sa loob mismo ng kanilang pasilidad o sa mga kalapit na detention centers kung patuloy ang pagsuway.

Ang tensyon ay lalo pang sumisidhi matapos ideklarang “sufficient in ground” ang dalawang impeachment complaint laban kay VP Sara nitong Miyerkules. Dahil dito, tuloy na tuloy na ang hearing proper sa March 25, 2026 — kung saan inaasahang magkakainitan sa mga depensa at sisimulan ang agresibong pagkuha ng ebidensya, kabilang na ang sensitibong bank records at posibleng pag-custody sa mga witness.

Ngunit para sa ilang political observers, malinaw na fishing expedition ang ginagawa ng mga mambabatas, anila wala palang sapat na ebidensya ang mga reklamo laban sa bise kaya tila gagawin ang mga ganitong uri ng hakbang kasama ang pagkuha ng mga impormasyon tulad ng bank records upang mapatunayan kung may basehan nga ang mga alegasyon tulad ng unexplainable wealth diumano kay VP Sara at sa kanyang asawa.

22/03/2026

“BONGBONG MARCOS, MAY POSIBLENG MATINDING
KARAMDAMAN NA HINDI PA ISINASAPUBLIKO" ayon kay Atty. Sal Panelo

Maynila, Marso 22, 2026 – Humihintong may posibleng matinding karamdaman si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na hindi pa isinasapubliko, ayon sa pahayag ng dating Presidential Spokesperson Atty. Salvador “Sal” Panelo.

Ayon kay Panelo, may mga indikasyon umano na hindi inilalahad sa publiko ang kalusugan ng Pangulo, bagamat wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa Malacañang.

Sa kasalukuyan, tiniyak ng Malacañang na wala namang opisyal na ulat na nagkukumpirma ng malubhang karamdaman ni Pangulong Marcos. Pinayuhan ang publiko na maging maingat sa mga kumakalat na impormasyon at hintaying lumabas ang mga opisyal na pahayag.

Netizens at ilang media observers ay nag-react sa pahayag ni Panelo, na nagdulot ng malawakang diskusyon sa social media tungkol sa kalusugan ng Pangulo.

Patuloy ang pagbabantay ng mamamayan sa opisyal na impormasyon mula sa Malacañang hinggil sa kalusugan ni BBM.

Want your business to be the top-listed Government Service in Bocaue?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Bocaue Bulacan
Bocaue