26/05/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐. ๐งก๐ Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Eidโl Adha o Feast of Sacrifice ng ating mga kapatid na Muslim, nais ko pong ipabatid sa ating mga kababayan na idineklarang regular holiday sa buong bansa ang araw ng Miyerkules, Mayo 27, 2026, alinsunod sa Proclamation No. 1264.
Ang pagdiriwang na ito ay sumasalamin sa pananampalataya, sakripisyo, at pagkakaisa ng ating mga kapatid na Muslim. Nawaโy magsilbi rin itong paalala sa ating lahat ng kahalagahan ng paggalang sa ibaโt ibang kultura at pananampalataya na bumubuo sa ating nagkakaisang sambayanan.
Sa ngalan ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit, hinihikayat ko po ang bawat isa na gamitin ang araw na ito para sa pananalangin, pahinga, at mas makahulugang panahon kasama ang pamilya.
Maligayang pagdiriwang ng Eidโl Adha sa ating mga kapatid na Muslim. Nawaโy manaig ang kapayapaan, pagkakaisa, at biyaya sa bawat tahanan.
25/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฆ ๐ ๐๐๐๐๐๐ฆ ๐๐ง ๐ ๐๐ฆ ๐ ๐๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ ๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก! ๐งก๐โ๏ธ Matagumpay na isinagawa ng Local Youth Development Office (LYDO) ang โCalumFIT Summer Sports Clinic 2026" sa ating Calumpit Municipal Covered Court bilang bahagi ng paghahanda at pagpapaunlad sa kakayahan ng ating mga kabataang Calumpiteรฑo sa larangan ng sports.
Tampok sa isinagawang sports clinic ang pagsasanay sa Chess at Volleyball na nilahukan ng maraming kabataan mula sa ibaโt ibang barangay ng bayan. Sa pamamagitan ng programang ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na mas mapalawak ang kanilang kaalaman, disiplina, teamwork, at sportsmanship bilang paghahanda sa mga susunod pang kompetisyon at aktibidad.
Sa patuloy na suporta at adbokasiya ng ating Ina ng Bayan, Mayor Lem Faustino, nananatiling prayoridad ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit ang paghubog sa kakayahan at talento ng kabataan tungo sa mas aktibo, produktibo, at makabuluhang pakikilahok sa komunidad.
Patuloy ang Bayan ng Calumpit sa pagsusulong ng mga programang magbibigay inspirasyon at oportunidad para sa bawat kabataang Calumpiteรฑo.
21/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ร๐! ๐ต๐ญ๐ฅ
Sa katatapos lamang na Provincial Youth Forum 2026 ay ginawaran ang mga delegado ng Bayan ng Calumpit sa kategorya ng ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐ (๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐) at pasok sa ๐๐๐ 7 ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ sa buong lalawigan! ๐๐ป
Naipamalas ng ating mga delegado ang husay at talino tampok ang ating pinagmamalaking yaman ng Bayan, ang Meyto Shrine at ang Longganisang Bawang ng Calumpit.
Pagbati sa tanggapan ng LYDO Calumpt at Calumpit MHACTO sa masugid na pamumuno upang makamit ng Bayan ng Calumpit ang tagumpay na ito. Taos pusong pasasalamat sa buong suporta ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Lem Faustino at VM Doc Zar Candelaria!
TAAS NOO CALUMPITEรO, SULONG PA CALUMPIT! ๐๐งก
20/05/2026
Maligayang Kaarawan Pres. Cathy Pangan, ang kasalukuyang Presidente ng Pag-Asa Youth Association of the Philippines - Calumpit Chapter at masigasig na miyembro ng Municipal Youth Development Council ng Calumpit!
Sa iyong patuloy na paglilingkod at pagbibigay-inspirasyon sa kapwa kabataan, nawaโy lalo pang lumawak ang iyong impluwensya sa paghubog ng isang makabago, makatao, at makabayang henerasyon. Ikaw ay patunay na ang kabataan ay may kakayahang mamuno, kumilos, at magdulot ng positibong pagbabago sa ating komunidad.
Nawaโy samahan ka ng kalusugan, lakas, at mas marami pang pagkakataon upang makapaglingkod. Patuloy kang maging tanglaw at boses ng kabataang Calumpiteรฑo.
Muli, maligayang kaarawan! ๐ฅณ๐
20/05/2026
Pagbati, SK Sophia & SK Arjay! ๐ต๐ญโจ
20/05/2026
๐๐๐๐จ๐ ๐๐๐ง ๐ฆ๐จ๐ ๐ ๐๐ฅ ๐ฆ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐ฆ ๐๐๐๐ก๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ.๐งก Patuloy nating sinusuportahan ang mga programang magbibigay ng oportunidad upang mapaunlad ang kakayahan at talento ng mga kabataang Calumpiteรฑo.
Kasama ang Local Youth Development Office (LYDO), inaanyayahan natin ang mga Calumpiteรฑo na makiisa sa gaganaping CalumFIT Summer Sports Clinic 2026 sa darating na May 22โ23, 2026, alas-8 ng umaga sa Calumpit Municipal Covered Court.
Bukas ito para sa mga edad 10 hanggang 30 taong gulang, anuman ang kasarian, bastaโt residente ng Bayan ng Calumpit. Tampok sa sports clinic ang Volleyball para sa Men at Women Division, gayundin ang Chess.
Para sa registration, i-scan lamang ang QR Code na makikita sa larawan o i-click ang registration link na ito https://tinyurl.com/CalumFITSportsClinic.
Bilang inyong Ina ng Bayan, layunin nating palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa sports, mapaunlad ang kanilang talento, disiplina, teamwork, at sportsmanship habang nagkakaroon ng mas aktibo at malusog na pamumuhay.
19/05/2026
Pagbati ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ bilang bagong ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ณ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐๐ข๐ญ๐๐ ๐๐ญ ๐จ๐๐๐ข๐๐ข๐๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐ซ๐๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ซ๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ mula sa Bayan ng Calumpit! ๐ค๐ป๐๐ป๐ฅ
Ang tagumpay na ito ay patunay na ang kabataang Calumpiteรฑo ay patuloy na nagkakaisa, kumikilos, at nagsisilbi para sa mas makabuluhang pagbabago sa ating komunidad. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon sa mas marami pang kabataan upang makilahok, manguna, at maging bahagi ng paghubog ng mas progresibong kinabukasan.
Mabuhay ang ARMORRITES!
Mabuhay ang organisadong kabataang Calumpiteรฑo! ๐๐งก
14/05/2026
Sa isang munting pahina ng mga kwento at pangarapโฆ may isang bagong lampara ng pagbasa na sa atiโy magpapasaya ๐โจ
Kilalanin si Ate Aubrey Sabino, ang masigla at mabait na SK Federation President ng SK Federation of Calumpit, isa sa ating BASAmbassador ng Lakbay Salaysay!
Sa darating na May 16, 2026 sa Palimbang, Calumpit, maghanda na ang mga bata dahil may mga kwentong magpapangiti, magpapatawa, at magpapalipad ng ating imahinasyon!
Halinaโt makinig, magbasa, at mangarap kasama namin! ๐๐