14/06/2026
๐๐ฎ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐บ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป!
Anim na raan at apat (604) na aktibong kabataan ang nagkaisa at dumalo sa kauna-unahang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly na pinamunuan ni SK Chairperson ๐๐ฎ๐ฟ๐น ๐ฅ๐ผ๐๐ฒ๐ป ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ at buong Sangguniang Kabataan ng Barangay Sucol, na ginanap sa Sucol Covered Court nitong Hunyo 7, 2026. Dito'y opisyal na ibinahagi ng Sangguniang Kabataan ng Sucol ang mga Accomplishments,Financial Reports at pati na ang mga paparating na programa ng Sk para sa mga kabataan ng barangay. โBukod sa pag-uulat, namahagi rin ang SK ng Sucol ng mga "school supplies" para sa mga kabataang dumalo bilang suporta sa kanilang pag-aaral.
Binigyang diin din nina G. Kenneth John Capunitan at G. Kenneth Yuson mula sa Youth Development Section ng City Social Services Department (YDS-CSSD) ang kahalagahan ng pagkakaisa ng SK at KK, at gayundin ang mga inisyatibo ng pamahalaan para sa Out-of-School Youth (OSY). Samantala nag bigay din ng kanilang mensahe ang DILG sa pamamagitan ni Mr. Nolan Javier.
Ipakita ang lakas at boses ng kabataan! Makinig, makialam, at makilahok sa Katipunan ng Kabataan Assembly sa inyong barangay.
14/06/2026
๐๐ฎ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐บ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป!
Isang makabuluhang pagtitipon ang naganap sa Barangay Camaligan Covered Court nitong Mayo 30, 2026, para sa kauna-unahang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly ng Barangay Camaligan. Sa pamumuno ni SK Chairperson ๐๐ฎ๐บ๐ฒ๐ ๐ก๐ฎ๐๐ต๐ฎ๐ป๐ถ๐ฒ๐น ๐ก๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ป at ng buong Sanguniang Kabataan ng barangay Camaligan, nakinig at aktibong nakiisa ang limampu't walong (58) kabataang dumalo upang pakinggan ang mga plano at badyet na nakalaan para sa kanila. Kasabay nito'y namahagi din ang SK ng Camaligan ng Educational Assitance.
โNagbahagi naman ng mensahe si Ms. Maritoni Yvette Malabanan, kinatawan ng Youth Development Section (YDS) sa ilalim ng City Social Services Department (CSSD). โAniya, ang KK assembly ay isang opisyal at mapayapang plataporma para sa transparency at pagpapatibay ng ugnayan ng SK at komunidad. Nagsisilbi itong daan upang iulat ang mga plano, badyet, at polisiya ng SK, na nagbibigay-kapangyarihan sa mga kabataan na direktang makilahok sa mga desisyong nakakaapekto sa kanilang sektor. โHabang nakiisa rin at nagpahayag ng mensahe at suporta sina Mr. Nolan Javier mula sa DILG, at ang punong barangay na si Kapitan Victor E. De Castro.
Ang bukas ng ating komunidad ay nakadepende sa direksyong pipiliin natin ngayon. Simulan natin ang tamang hakbang: makinig, makialam, at makilahok sa Katipunan ng Kabataan Assemblies sa inyong mga barangay.
14/06/2026
๐๐ฎ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐บ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป!
Nailunsad na ng Barangay Bubuyan sa pamumuno ni SK Chairperson ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ฎ๐ป ๐๐ผ๐บ๐ฒ๐ kasama ang buong Sangguniang Kabataan ng barangay Bubuyan ang kanilang kauna-unahang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly ngayong taon na ginanap noong Mayo 24. 2026 sa barangay Bubuyan Covered Court. Naging matagumpay ang pagtitipon sa aktibong pakikilahok at pakikinig ng isang daan at pitumpu't dalwang (172) kabataan, kung saan inilatag ng Sangguniang Kabataan ng barangay Bubuyan ang kanilang mga plano at aktibidad pangkabataan kabilang dito ang Eduk-Asyon (Educational Assistance) at Project re- B.U.I.L.D (Eco-bricks and sustnainability seminar).Bilang pasasalamat sa pagdalo at pakiisa ng mga kabataan, nagkaroon din ng maikling raffle sa programa.
Ito'y dinaluhan ni Mr. Kenneth John Capunitan, Youth Development Assistant I at Mr. Kenneth Yuson, Community Development Assistant I, mula sa Youth Development Section (YDS) ng City Social Services Department (CSSD). โIpinahayag ni Mr. Capunitan kung gaano kalaki ang ambag ng bawat kabataan kapag nakikilahok sa KK assembly, at kung paano nagbubunga ng tunay na pag-unlad ang matibay na samahan ng SK at KK, habang ipinahayag naman ni Mr. Yuson ang mga programang pang kabataan ng opisina para sa mga out of school youth (OSY).
Nasa ating mga kamay ang tunay na kapangyarihang magbago! kaya't makinig, makialam, at makilahok sa Katipunan ng Kabataan Assembly sa inyong barangay.
14/06/2026
๐๐ฎ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐บ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป!
Matagumpay na naisagawa ng Barangay VII ang kanilang kauna-unahang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly noong Mayo 3, 2026, sa Barangay VII Covered Court!
โAng pagtitipon ay pinangunahan ni SK Chairperson ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ต๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฒ ๐ฆ๐ฒรฑ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ kasama ang buong Sangguniang Kabataan ng Barangay Siete. Dito ay inilatag ng konseho sa harap ng 98 aktibong kabataan ang mga plano at aktibidad pangkabataan para sa taong ito.
โDinaluhan din ang programa ni Ms. Maritoni Yvette Malabanan, Youth Development Assistant II mula sa Youth Development Section (YDS) ng City Social Services Department (CSSD). Binigyang-diin niya sa kanyang pahayag ang kahalagahan ng pakikilahok sa KK Assembly, pati na rin ang pagpapanatili ng matibay na ugnayan sa pagitan ng SK at KK upang maitaguyod ang pag-unlad ng sektor ng kabataan.
โNagpaabot din ng kanilang suporta at mensahe ng pakiisa sa pagtitipon sina Mr. Nolan Javier (kinatawan ng DILG), Mr. JM Marco (kinatawan mula sa Tanggapan ni BM Lajara), at ang Ama ng Barangay na si Kapitan Victor A. Opaco.
โ"Buhay ang pag-asa ng bayan sa ating mga kamay! Kaya naman tayo'y makinig, makialam, at makilahok sa mga Katipunan ng Kabataan Assembly sa inyong mga barangay!"
12/06/2026
๐๐ฎ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐บ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป !
โGinanap na nitong Abril 26, 2026, sa Lecheria Elementary School ang unang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly para sa taong ito. Ang pagtitipon ay pinamunuan ni SK Chairperson ๐๐ต๐ผ๐ป ๐๐ผ๐ถ๐ฑ ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ผ at ng buong konseho ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Lecheria. Nakinig at nakibahagi ang isang daan at dalawang (102) kabataan sa naturang asembliya. Inihayag ni SK Larino ang mga programa at aktibidad sa taong ito para sa mga kabataan. Gayundin, hinikayat ng SK Lecheria ang mga myembro ng Katipunan ng Kabataan na aktibong makilahok sa implementasyon ng mga nasabing programa.
Dumalo rin sa pagtitipon si Ms. Maritoni Yvette Malabanan, Youth Development Assistant II mula sa Youth Development Section (YDS) ng City Social Services Department (CSSD). Sa kanyang pahayag ay napakaimportante na maging parte ng okasyong ito at magkaroon ng mahusay na ugnayan ang SK at KK para sa ikauunlad ng kanilang sektor. Samantala, nagpaabot din ng kanilang mensahe ng paggabay at pagsuporta si Mr. Nolan Javier mula sa DILG.
Sa diwa ng pagkakaisa at paglilingkod, hinihikayat namin ang lahat ng kabataan na makibahagi sa gaganaping Katipunan ng Kabataan Assembly sa inyong barangay. Ipamalas natin ang ating pagiging pag-asa ng bayan sa pamamagitan ng pakikinig, pakikialam, at aktibong pakikilahok
12/06/2026
๐๐ฎ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐บ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป !
Pinangunahan ni SK Chairperson ๐๐ผ๐ฎ๐ป๐ป๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฒ ๐๐๐๐๐ฟ๐ถ๐ฎ at ng bumubuo ng Sangguniang Kabataan (SK) ng barangay Sirang Lupa ang kauna-unahang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly ngayong taong 2026! Ito ay ginanap nitong Abril 18, 2026 sa Sirang Lupa Elementary School na dinaluhan ng nasa isang daan at apatnapu't anim (164) na kabataan. Layunin ng KK assembly na magkaroon ng alam at involvement ang mga kabataan ukol sa mga plano at programang may kaugnayan sa kanilang sektor.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ang kinatawan ng Youth Development Section (YDS) sa ilalim ng City Social Services Department (CSSD) na si Ms. Maritoni Yvette Malabanan (Youth Development Assitant II). Ipinaliwanag nya sa mga myembro ng KK ang kahalagahan ng pag titipon na ito upang maging bukas na espasyo para iparating ng mga SK ang kanilang mga plano at pondo. Gayundin, ang KK assembly ay isang venue kung saan matutulungan ang SK at KK na magkaroon ng makabuluhan at mapayapang diskusyon at maayos na relasyon. Ibinahagi din ni Ms. Yvette ang ilan sa mga programang pang kabataan ng opisina para sa sektor ng kabataan. Nagbigay din ng mensahe at suporta ang kinatawan ng DILG na si Mr. Nolan Javier at ang ama ng barangay na si Kapitan Ronaldo Contreras sa mga SK at KK na nasa pagtitipon.
Ang Kabataan ay mananatiling pag-asa ng bayan. Kung kaya hinihikayat namin kayong makinig, makialam at makilahok sa mga Katipunan ng Kabataan Assemblies sa inyong mga barangay!
11/06/2026
๐ญ๐ฎ๐ด ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ ๐ผ๐ณ ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ, ๐ฟ๐ถ๐ฐ๐ต ๐ฐ๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ, ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฎ๐ป ๐๐ป๐๐ถ๐ฒ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ถ๐.
Today, we honor the sacrifices of our heroes and celebrate the freedom that unites us all. While we wave our flags every June 12 to honor our 1898 declaration of independence from Spain, July 4 used to be the Philippines' first official Independence Day. โHere is how the timeline went down
REFERENCES:
Philippine Information Agency (PIA)
Proclamation No. 28, s. 1962 (Lawphil)
EBSCO Research Starters
THE KAHIMYANG PROJECT
THE NATIONAL WWII MUSEUM
11/06/2026
๐๐ข๐ข๐ | ๐ฆ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐๐ฃ ๐ง๐ฅ๐๐๐ก๐๐ก๐ (๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐๐ต๐ถ๐ฝ ๐ถ๐ป ๐๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป: ๐๐ด๐ป๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐๐๐ถ๐ผ๐ป, ๐ฆ๐ต๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ)
In an initiative aimed at strengthening student governance and civic responsibility, student leaders assembled at the STI Calamba Function Hall on June 10, 2026, for the 2nd Leadership Training. We had the privilege of being invited to the event through our Youth Development Officer III Ms. Ma. Kristina G. Liangco who shared knowledge and valuable experiences regarding leadership. The topic discussed at STI Calamba was โPath to Effective Leadership,โ which focused on the core character traits of a leader, including professionalism, humility, discipline, respect, and accountability. The session emphasized that when these traits are practiced consistently, they form the foundation of leadership: INTEGRITY.
Ms. Liangco presented several situational examples to illustrate how these leadership qualities can be demonstrated in simple, everyday actions, making the discussion more relatable and practical for the participants. She also encouraged the academic and non- academic orgs to register at LYORP and recognized the STI SSC led by their President, Mr. Justine Bicare, as one of the newly registered youth organization in the city of Calamba.
The participants shared feedback showing a deeper understanding of the topic and expressed enthusiasm to carry out their duties and responsibilities. They also showed interest in continuously developing these leadership traits over time.
09/06/2026
54/54:
โ๐ธ In Frame: SK Brgy. Sampiruhan
โ
09/06/2026
53/54:
โ๐ธ In Frame: SK Brgy. Mapagong
โ