Jericho "Ikong" Geronimo

Jericho "Ikong" Geronimo

Share

Welcome to the official page of
Jericho "Ikong" Geronimo | #JeriCares

Public Service | Barangay 8, Caloocan City

04/05/2026

Maligayang araw ng Lunes, Barangay 8! 💙

04/05/2026

Happy Monday, Barangay 8! ☀️💙

Dahil GenZ tayo, hindi tayo magpapahuli sa uso! pero ang tanong, nakahabol na po ba ang lahat sa trending na Zalo-style stickers? Simple, creative, at siguradong good vibes ang hatid!

Patingin naman po ng inyong mga Zalo avatars o stickers! i-comment niyo lang sa ibaba para makita natin ang inyong creativity. Excited po ako na makita ang inyong unique at cute na mga entries!

Ipakita po ninyo ang inyong artistic side at simulan ang linggo nang may ngiti at good vibes! 🫰🏻💙

30/04/2026

Maligayang Araw ng Manggagawa! 🇵🇭✊🏻

Ngayong Labor Day, atin pong kinikilala at pinapahalagahan ang sipag, tiyaga at dedikasyon ng bawat manggagawang Pilipino. Kayo ang tunay na haligi ng ating komunidad at ng ating bansa.

Sa bawat pawis at sakripisyong iniaalay ninyo, patuloy ninyong binubuo ang mas maunlad na kinabukasan para sa inyong mga pamilya at sa susunod na henerasyon. 🫰🏻💙

Photos from Jericho "Ikong" Geronimo's post 30/04/2026

Raffle Cake for a Cause! 🎂

Isang taos-pusong pagbati po sa Samahan ng mga Nanay ng Julian Felipe (SNNJFI) sa matagumpay na pagsasagawa ng Raffle Cake for a Cause. Layunin ng proyektong ito ang makapagkaloob ng school supplies sa 100 Kabataan na tiyak na makatutulong sa kanilang pag-aaral.

Bagama’t hindi man po tayo nakadalo ng personal ay nagpaabot pa rin tayo ng kaunting tulong bilang dagdag-suporta at pakikiisa sa kanilang mabuting adhikain. Ang ganitong mga inisyatiba ay patunay ng malasakit, pagkakaisa at tunay na hangaring makatulong sa kapwa lalo na sa mga kabataan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagmamahal. Nawa’y mas marami pa kayong mapagpalang proyekto na magbibigay-inspirasyon at pag-asa sa ating mga kabarangay.

Muli, Congratulations po, Samahan ng mga Nanay ng Julian Felipe! 🫰🏻💙

Photos from Jericho "Ikong" Geronimo's post 26/04/2026

Happy Birthday, ate Marygil Alfon! 🎂

Hiling ko sa iyo ang mabuting kalusugan, lakas ng katawan at patuloy na pagdating ng mga biyaya. Nawa’y matupad ang lahat ng iyong mga pangarap lalo na para sa iyong pamilya.

Enjoy your special day at sana ay marami ka pang kaarawang ipagdiwang. 🫰🏻💙

Photos from Jericho "Ikong" Geronimo's post 25/04/2026

Iwas Sunog: Fire Extinguisher Distribution! 🧯

Pinangunahan po ni Kagawad Janet Alindada ang matagumpay na pamamahagi ng mga Fire Extinguisher sa iba’t ibang lugar lalo na sa mga eskinita at looban sa Barangay 8 bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kaligtasan ng bawat lugar sa oras ng sakuna.

Naging katuwang din natin sina Kag. Rose Sasota, Kag. Rocky Badiana, kasama ang mga dating lingkod-bayan na sina f/Kag. Tevs Alindada, f/Kag. Rodel Birol, f/Kag. Rey Bayani, Cris Mas at Dave Asong sa maayos na pamamahagi.

Layunin ng inisyatibo na ito na palakasin at maging handa ang bawat lugar sa pagtugon sa hindi inaasahang sakuna tulad ng sunog, upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa at maisulong ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan.

Nawa’y maging alerto po tayong lahat lalo na ngayong mainit ang panahon! 🫰🏻💙

Photos from Jericho "Ikong" Geronimo's post 15/04/2026

Public Consultation! 🎙️

Sa pangunguna po ni Congressman Egay Erice kasama ang kinatawan mula sa DPWH ay isinagawa ang Konsultasyon sa Barangay upang talakayin at mapakinggan ang saloobin ng ating mga kabarangay kaugnay sa nakatakdang pagsasaayos ng drainage system.

Ang naturang proyekto ay nakatakda sa kahabaan ng Julian Felipe at Buklod ng Nayon upang mapabuti at mapabilis ang daloy ng tubig, maiwasan ang mataas na tubig-baha at masiguro na ligtas at maayos ang isasagawang programa para sa kapakanan ng lahat.

Lubos po tayong nagpapasalamat kay Congressman Egay Erice at sa DPWH sa pagtugon sa hinaing ng ating mga residente tuwing darating ang panahon ng tag-ulan.🫰🏻💙

Photos from Egay Erice's post 07/04/2026
05/04/2026

Easter Sunday: Bagong Buhay at Pag-asa

Sa muli pong pagkabuhay ni Hesus, ipinagdiriwang natin ang tagumpay ng liwanag laban sa dilim. Ito ay isang paalala na may bagong simula para sa bawat isa.

Nawa’y maipagpatuloy po natin ang pagmamahal at pagtulong sa kapwa bilang bunga ng ating pananampalataya, sapagkat ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa pusong handang magmahal.

04/04/2026

Sabado de Gloria: Paghihintay na may Pag-asa

Ang Sabado de Gloria po ay panahon ng katahimikan at paghihintay. Isang pagkakataon upang magnilay at ihanda ang sarili sa panibagong liwanag.

Nawa’y gamitin po natin ang araw na ito upang mapalalim natin ang ating pananampalataya at ipagpatuloy ang paggawa ng mabuti kahit walang nakakakita.

03/04/2026

Ngayong Biyernes Santo, balikan po natin ang makabuluhang hakbang natin sa Alay Lakad patungo sa Quiapo Church kasama ang Mamamasan ng Julian Felipe Chapter.

Sa pagninilay natin sa Kanyang pagtitiis, nawa’y maipakita rin natin ang pagmamahal sa ating kapwa sa pamamagitan ng kabutihang-loob, malasakit at pagkakaisa.

Ang sandaling ito ay hindi lamang pag-alala sa nakaraan kundi panawagan din na maging mapagbigay, maunawain at handang magsakripisyo para sa iba kahit sa maliliit na paraan.

Want your business to be the top-listed Government Service in Caloocan City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Barangay 8
Caloocan City