25/05/2026
May 25, 2026 Another day, another session sa Manila City Hall 🇵🇭✨
Patuloy ang pagtutulungan at pagbibigay-serbisyo para sa bawat barangay ng Maynila kasama ang aming masipag na Liga ng mga Barangay ng Maynila President at Konsehala Erika Platon
Sa bawat pagpupulong at talakayan, mas pinapalakas natin ang boses ng mga barangay para sa mas maayos, mas progresibo, at mas makataong serbisyo para sa mga Manileño. ❤️🏛️
24/05/2026
📣 Magandang araw po sa inyong lahat.
Kami po ay taos pusong humihingi ng tulong para sa mahigit 2,000 pamilyang naapektuhan ng kamakailang sunog sa Parola, Binondo Manila.
Marami po sa kanila ang nawalan ng tahanan, damit, pagkain, at mga pangunahing pangangailangan. Sa ngayon, kahit kaunting tulong po ay napakalaking bagay para makatulong sa kanilang muling makabangon at makapagsimula.
Donasyon tulad ng pagkain, damit, gamot, tubig, hygiene kits, o anumang basic necessities. Maaari rin pong magbigay ng anumang halaga. Maliit man o malaki, malaking tulong at pagpapala na po iyon para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan.
Umaasa po kami sa inyong kabutihang puso at malasakit sa mga kababayan nating dumaraan sa napakahirap na pagsubok na ito.
Maraming maraming salamat po sa inyong tulong, dasal, at pagmamahal. Nawa po ay lalo pa kayong pagpalain ng Diyos.
21/05/2026
📌PAALALA PO - Pansamantalang isasara ang Emergency Room ng Ospital ng Maynila mula Mayo 24, 2026, Linggo, hanggang Hunyo 1, 2026, Lunes, para sa malawakang pagsasaayos nito.
JUST IN: Pansamantalang isasara ang Emergency Room ng Ospital ng Maynila mula Mayo 24, 2026, Linggo, hanggang Hunyo 1, 2026, Lunes, para sa malawakang pagsasaayos nito.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang mga pasyenteng mangangailangan ng agarang atensyong medikal sa panahong ito ay pansamantalang dadalhin sa anim na LGU-run hospitals ng lungsod.
Humihingi ng pang-unawa at pakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila habang isinasagawa ang pagsasaayos para sa mas ligtas at maaasahang serbisyong pangkalusugan.
—
E-jhay Clamor Talagtag
City Information Officer
21/05/2026
Hindi kailangang maging malaki ang isang handog para maramdaman ang tunay na malasakit. Ang mahalaga, ito ay nagmumula sa pusong handang tumulong at umunawa.🤍
Chairman Crisanto Malicsi ng Barangay 60 Zone 5
Chairman Eduardo B. Sia Ch Ewa Sia ng Barangay 239 District 2.
Sa bawat tulong na dumarating, mas napapalakas ang samahan at pag-asa ng ating komunidad.
Kasama ang ating Liga ng mga Barangay ng Maynila President at Konsehala Erika Platon, 💙 tuloy ang serbisyong may malasakit at pagkalinga sa bawat mamamayan.
19/05/2026
May 19, 2026, sa pakikipag-ugnayan kay Kapitana Teresita Yambao ng Brgy. 264 Dist. 2, tayo po ay nakapagbigay ng tulong at pag-asa sa 650 pamilyang nasunugan.
Maraming salamat kina Liga ng mga Barangay President at Konsehala Erika Platon, Konsehal Bolong Sy kasama sina Liga Director Ch Ewa Sia, Director Kaimaki Favorada, at Auditor Nell Dan Blas sa kanilang malasakit at pakikiisa.
Sa oras ng pagsubok, ang bayanihan at pagmamalasakit ang tunay na nagbibigay lakas sa ating mga kababayan. 🙏❤️
18/05/2026
📍Monday, May 18, 2026
Dumalo sa isang mahalagang attending session ang ating masipag na Liga ng mga Barangay President at Konsehala na si Erika Platon bilang patuloy na pakikiisa at paglilingkod para sa kapakanan ng ating komunidad.
Maraming salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at walang sawang pagseserbisyo sa mamamayan. 💙🇵🇭
18/05/2026
📣BDRRMP REQUIREMENTS📣
DISTRICT: 1, 2 and 3 ONLY
DEADLINE: May 21, 2026
❗️Barangay Seal
❗️EO Series of 2025
🛑Pakicheck and follow exact format sa mga photos
Update as of today May 19: Nakareceive po kami ng update na hindi na po kasama ang booklet sa ipapasa pero required po ang barangay seal sa EO.
THANK YOU!