12/06/2026
Ngayong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, isinagawa ang Groundbreaking Ceremony ng Harmony Hills 3 Booster Pumping Station sa Heritage Homes Integrated School - Annex.
Dinaluhan ito ng mga HOA Officers ng Harmony Hills 2, Harmony Hills 3, Patulo, at Deca Homes, kasama ang mga opisyal ng Prime Water at MARWADIS.
Pinangunahan ang programa nina Mayor Atty. Jem Sy, Vice Mayor Ariel Amador, Konsehal Meng Trinidad, iba pang mga konsehal ng bayan, at kawani ng barangay sa patnubay ni Kap Aya Saycon bilang patunay ng kanilang patuloy na pagtutulungan upang mabigyan ng mas maayos at mas malakas na daloy ng tubig ang mga residente ng HARDEPA.
Mula sa plano, ngayon ay realidad na. Sama-sama nating abangan ang katuparan ng proyektong ito para sa kapakanan ng ating komunidad.
12/06/2026
Ngayong ika-127 taon ng Kalayaan ng Pilipinas, ating alalahanin ang sakripisyo at kabayanihan ng ating mga ninuno na nagbigay daan sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Nawa’y manatiling buhay sa ating puso ang pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa habang sama-sama nating itinataguyod ang isang mas maunlad na kinabukasan para sa lahat.
Mula sa Pamahalaang Barangay ng Loma De Gato sa pangunguna ni Kap Aya Saycon, isang mapagpalang Araw ng Kalayaan sa bawat pamilyang Pilipino.
Mabuhay ang Pilipinas!
09/06/2026
KALINISAN DAY
Total Volume (Weight in KG.) : 260kgs
Total number of Participants
(Including BOs, SK, CSO Members, Private Sector, Individuals, Others): 17
Total number of Barangay Official Participated
(Elected and Appointed): 3
Total number of SK Participated: 0
Total number of CSOs Participated
(Non-Individual): 0
09/06/2026
Malugod na binabati ng Pamahalaang Barangay ng Loma De Gato si Elaiza Aganon sa kanyang pagtatapos ng Bachelor of Secondary Education Major in English, Minor in Mandarin sa Bulacan State University, at sa pagkamit ng karangalang Cum Laude.
Ang iyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral ay tunay na inspirasyon sa ating kabataan at sa buong komunidad.
Proud ang buong Barangay Loma De Gato sa iyo!
08/06/2026
Hunyo ay No Smoking Month!
Ngayong buwan ng Hunyo, ating ipinagdiriwang ang National No Smoking Month bilang paalala sa lahat ng masamang epekto ng paninigarilyo at paggamit ng v**e o e-cigarettes sa ating kalusugan.
Ang paninigarilyo ay isa sa mga pangunahing sanhi ng sakit sa puso, kanser, at iba pang malalang sakit sa baga. Hindi lamang ang naninigarilyo ang naaapektuhan, kundi pati ang kanilang pamilya at mga taong nalalanghap ng secondhand smoke.
Hinihikayat ng Pamahalaang Barangay ng Loma De Gato ang bawat isa na piliin ang mas malusog na pamumuhay at suportahan ang mga nagnanais na tumigil sa paninigarilyo.
Sa pangunguna ni Mayor Jem Sy at Kap Aya Saycon, sama-sama nating itaguyod ang isang smoke-free at healthy na Loma De Gato.
07/06/2026
Patuloy nang umiikot ang mga kawani ng Department of Health (DOH) at mga health worker sa iba't ibang lugar ng Barangay Loma De Gato para sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity ngayong buwan ng Hunyo.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng proteksyon laban sa tigdas at rubella ang mga batang edad 6 hanggang 59 buwan upang mapanatiling ligtas at malusog ang bawat chikiting sa ating komunidad.
Hinihikayat ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na makiisa at pabakunahan ang kanilang mga anak kapag dumating ang vaccination team sa inyong lugar.
Sa pangunguna ni Mayor Jem Sy at katuwang si Kap Aya Saycon, tuloy-tuloy ang pagsisikap na mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilyang Marilenyo.
06/06/2026
Sa pangunguna ni Mayor Jem Sy at katuwang si Kap Aya Saycon, matagumpay na naisagawa ang Anti-Illegal Drug Advocacy Seminar na tumalakay sa mga usaping may kinalaman sa Qualified Theft at Robbery.
Dinaluhan ito ng mga Homeowners Association Presidents at mga Barangay Tanod ng Loma De Gato upang higit pang mapalawak ang kanilang kaalaman sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa ating komunidad.
Pinangunahan naman ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ang seminar at nagbahagi ng mahahalagang impormasyon upang mapalakas ang kamalayan at pakikilahok ng bawat isa sa kampanya laban sa krimen at ilegal na droga.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa. Sa Loma De Gato, mas matatag ang komunidad kapag sama-sama sa kaalaman at pagkilos.
04/06/2026
Sa pangunguna ni Mayor Jem Sy at katuwang si Kap. Aya Saycon, matagumpay na naisagawa ang TB Mass Screening sa Barangay Loma De Gato bilang bahagi ng patuloy na kampanya laban sa Tuberculosis.
- 149 na kababayan ang nakapag-avail ng libreng X-ray
- 13 ang natukoy na may positibong X-ray findings
- 26 ang may sintomas na may kaugnayan sa TB
- 15 ang natukoy bilang presumptive TB patients
- 9 ang sumailalim sa Xpert testing
- 1 ang kasalukuyang hinihintay ang resulta
Ang programang ito ay isang mahalagang hakbang upang maagang matukoy at magamot ang mga posibleng kaso ng TB para sa kaligtasan ng bawat pamilya sa ating barangay.
Sa tamang impormasyon, maagang pagsusuri, at pagkakaisa ng komunidad, laban natin ang TB.
03/06/2026
Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Marilao sa pangunguna ni Mayor Atty. Jem Sy kasama si Kap Aya Saycon, matagumpay na naisagawa sa Barangay Loma De Gato ang LIGTAS-TIGDAS: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA), isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating mga chikiting laban sa tigdas at rubella.
Nakiisa rin sa programa si DOH Central Luzon Center for Health Development Regional Director Dr. Corazon Flores na personal na bumisita sa vaccination site bilang suporta sa kampanya para sa kalusugan ng mga bata.
Bukod sa libreng pagbabakuna, nagkaroon din ng mga masaya at makabuluhang aktibidad para sa mga magulang at tagapag-alaga upang higit nilang maunawaan ang kahalagahan ng bakuna sa pagprotekta sa buong komunidad.
Salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta. Sa Loma De Gato, tuloy-tuloy ang serbisyong may malasakit para sa bawat pamilya.
01/06/2026
Sa pagsisimula ng buwan ng Hunyo, matagumpay na naisagawa ang Flag Ceremony na dinaluhan ng ating mga magigiting, masisipag, at dedikadong kawani ng Barangay Loma de Gato. Ang pagtitipong ito ay sumasalamin sa ating pagkakaisa, disiplina, at patuloy na pagseserbisyo para sa ikabubuti ng ating komunidad.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nating pagbutihin ang ating mga tungkulin at sama-samang isulong ang pag-unlad ng ating barangay.
Mabuhay ang Barangay Loma de Gato! 🇵🇭