One Naicqueño

One Naicqueño

Share

One Naic Updates

15/06/2026

SOCIAL MEDIA PARA SA MGA UNDER 16 sa UK IPINAGBABAWAL NA

Inihayag ng Prime Minister ng British na si Keir Starmer noong Lunes na ang mga bata sa Britain na wala pang 16 taong gulang ay pagbabawalan sa paggamit ng social media sa isang hakbang upang protektahan ang mga bata mula sa mga banta sa online laban sa kanilang kaligtasan, gayundin upang pigilan ang pagkagumon sa social media.

Idinagdag ni Starmer na umaasa siya na ang pagbabawal ay magkakabisa sa susunod na taon, habang ang gobyerno ay gumagalaw na ipasa ang regulasyon sa pagtatapos ng 2026.

Ang mga platform tulad ng Facebook, X, Instagram, YouTube, TikTok, at Snapchat ay isasama sa pagbabawal, sinabi ng gobyerno ng United Kingdom.

via Philstar


15/06/2026

Naicqueño, nagkamit ng bronze medal sa ginanap na Under 16 Boys Standard Chess sa 2026 National Age Group Chess Championship.

Sa facebook post ni Mayor Rommel Magbitang, binati niya si Jaymiel Piel ng Bucana Sasahan, Naic, Cavite sa pagkamit nito ng bronze medal sa larangan ng Chess

Ginanap ang Chess Championship sa SM City Olongapo nitong June 3-7, 2026.

📸 Mayor Rommel Magbitang page


Photos from One Naicqueño's post 15/06/2026

TARA SA LASA AT LIKHA MARAGONDON FESTIVAL 🍔🌭🌮🌯🥙🥗🥪

Maraming masasarap sa foodtrip dito 🤤😋


Photos from One Naicqueño's post 15/06/2026

TINGNAN: Panauhing Pandangal sa ginanap na Flag Raising Ceremony ng Department of Labor and Employment si Kamanggagawa Party-list Representative Eli San Fernando ngayong araw. Ito ay bilang pagtugon sa paanyaya sa kanya ni Labor Secretary Francis Tolentino.

Present din sa pagtitipon si Cavite 8th District Congw. Aniela Tolentino

📷 DOLE


15/06/2026

Pangulong Bongbong Marcos nagpatawag ng Special Session ng Senado sa June 17, 2026 .


15/06/2026

PORT LABORER, PATAY SA HINALANG PAGKALUNOD MATAPOS ATAKIHIN NG EPILEPSIYA SA DAGAT

NAIC, Cavite — Isang 31-anyos na port laborer ang nasawi matapos umanong malunod habang naghihintay ng paparating na bangkang pangisda sa bahagi ng dagat sa Brgy. Munting Mapino, Naic, Cavite, madaling-araw ng Sabado, Hunyo 14.

Kinilala ang biktima na si alyas "Richard", residente ng Purok Uno, Brgy. Timalan Concepcion, Naic, Cavite.

Batay sa imbestigasyon ng Naic Municipal Police Station (MPS), dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente habang magkasamang nakaantabay sa mababaw na bahagi ng dagat ang biktima at ang kanyang kapatid, kapwa port laborer sa Munting Mapino Fish Port.

Naghihintay umano ang magkapatid ng mga dumarating na fishing vessel upang i-unload at dalhin sa lokal na pamilihan ng isda o "bulungan" ang kanilang mga huli.

Ayon sa ulat, naunang nagtungo ang kapatid ng biktima sa bulungan upang maghatid ng kargang isda habang naiwan ang biktima sa dagat upang maghintay ng susunod na bangka.

Kalaunan ay hindi na umano nakita ang biktima hanggang sa matagpuan itong walang malay sa tubig.

Sa pahayag ng ina at kapatid ng biktima, napag-alamang may dati itong kondisyon na epilepsiya.

Dahil dito, pinaniniwalaang inatake ito ng seizure habang nasa tubig, dahilan upang mawalan ng malay at tuluyang malunod.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Naic MPS at mga rescuer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Narekober ang biktima at isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital para sa agarang lunas.

Gayunman, idineklara itong dead on arrival ng attending physician na si Dra. Gomez dakong alas-1:41 ng madaling-araw.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng kaukulang beripikasyon at dokumentasyon ang mga awtoridad kaugnay ng insidente.

Samantala, nagpaalala ang mga awtoridad sa mga manggagawang may karamdaman na mag-ingat at tiyaking may kasama sa mga lugar na maaaring magdulot ng panganib, lalo na sa mga katubigan at lugar ng trabaho

via Cavite Press Corps

15/06/2026

Grabe naman itinaas ng bill ng Meralco 😔
Same consumption, 1k itinaas 😮‍💨

Photos from One Naicqueño's post 15/06/2026

Sinuspinde ng Supreme Court ng isang taon si Atty. Jesus Nicardo Falcis III dahil sa paggamit ng "vulgar words" sa kanyang social media post.

Ito ay dahil sa isang tweet noong 2018 kung saan dinepensahan ni Falcis ang kanyang kapatid mula sa akusasyon ng qualified theft na inihain ng aktres na si Kris Aquino.

Nauna nang napagdesisyunan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na lumabag si Falcis sa Code of Professional Responsibility
and Accountability (CPRA).

Sumang-ayon rito ang Korte Suprema at nagpatong ng mas mabigat na parusa na suspensyon.

Sa kanyang concurring opinion, idiniin ni Senior Associate Justice Marvic Leonen na walang pagsisisi si Falcis, at iginiit na paglalabas lang ng galit ang kanyang social media post.


Photos from One Naicqueño's post 15/06/2026

FIRST DAY HIGH ✨

Esnyr Ranollo gathered big stars and personalities for his YouTube comeback “First Day High,” released on Sunday.

In the 53-minute video, Vice Ganda, Donny Pangilinan, Belle Mariano, Enchong Dee, Mimiyuuuh, Pitik Queen, Anthony Constantino, Empoy Marquez, and more were spotted playing roles in the high-school themed show.

His Pinoy Big Brother (PBB) co-stars Klarisse de Guzman, Shuvee Etrata, Mika Salamanca, Will Ashley, and Brent Manalo were also present.

“Usapang FIRST DAY OF SCHOOL muna tayo!!! ‘Yung kakasimula pa lang ng eskwela pero ‘yung diwa mo nasa bakasyon pa. Balikan natin ang mga kaganapan sa unang araw ng pasukan. Relate ka ba?” the video description read. (YouTube/Esnyr)

15/06/2026

Paulan na naman sa Naic 🌧️⛈️☔

Want your business to be the top-listed Government Service in Naic?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Governors Drive
Naic
4110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm