18/06/2026
👑 Narito na ang Ating Father’s Day “Best Dad Joke” Challenge Winners! 🎉🤣
Maraming salamat sa lahat ng sumali at nagpakita ng kanilang pinaka-witty at nakakatawang dad jokes—talagang puno ng tawa at good vibes ang bawat entry! 💖
Abangan ang mga susunod pang activities at pagkakataon para manalo at makisali sa ating community events. ✨
📌 Maaaring i-claim ang inyong premyo bukas, ika-19 ng Hunyo, sa New Barangay Hall, 10:00 AM.
👉 I-follow ang page para sa mga susunod na pa-contest!
17/06/2026
Mas bukas na usapan, mas maayos na barangay.
Kahapon, Hunyo 16, matagumpay nating naisagawa ang People's Day, kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga residente na direktang makausap ang kanilang mga lingkod-bayan at maiparating ang kanilang mga concern.
👉 Follow our page for more updates!
17/06/2026
HINDI SILA NAG-IISA SA KANILANG PAGBANGON!
Sa tulong ng ating City Government, matagumpay na naihatid ang mga kinakailangang materyales at ayuda para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Lopez Jaena. Kasama rin sa mga nakiisa at nagpaabot ng tulong si Sen. B**g Go, bilang patunay ng patuloy na malasakit at suporta para sa ating mga kababayang nasa gitna ng pagsubok.
🙏 Patuloy po nating ipanalangin at suportahan ang mga pamilyang naapektuhan.
12/06/2026
👑 Dad Joke Battle starts now!
Sa darating na Father’s Day, kaninong dad joke kaya ang kayang magpatawa sa buong Barangay San Dionisio? 🤔
👉Paano sumali?
I-comment ang pinakanakakatawang dad joke na alam ninyo.
👉Paano mananalo?
Ang mga entry na may pinakamaraming reactions ang mangunguna sa hamon.
💰Premyo
Tatlong (3) mananalo ng ₱1,000 bawat isa.
👨 Mga tatay, ilabas na ang inyong best banat at i-tag ang pamilya at mga kaibigan para suportahan ang inyong entry! 💚🤣
09/06/2026
ISANG MATAGUMPAY NA PEOPLE'S DAY PARA SA ATING KOMUNIDAD!
Muling naging makabuluhan at produktibo ang ating isinagawang People's Day, kung saan nabigyan ng pagkakataon ang ating mga kabarangay na direktang maiparating ang kanilang mga concern, suhestyon, at iba pang usapin sa ating mga lingkod-bayan.
💚 Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi. Patuloy tayong magtulungan tungo sa mas maayos, mas progresibo, at mas inklusibong Barangay San Dionisio.
👉 Follow our page for more updates!