09/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ร๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Kasalukuyang nagaganap ang isang bunong braso tournament sa Paraรฑaque Sports Complex, sa Barangay San Antonio. Ipinagpatuloy ito sa kabila ng kawalan ng maayos na tulugan, at makakain ng mga taong nasunugan sa Lower Barangay.
Mariin namin itong kinokondena. Malinaw ito na pagpapakita kung ano ang prayoridad ng mga namumunong ito sa gitna ng krisis ng mga taga San Antonio. Insensitibo at mistulang kawalan ng pake ang pagpapaskil ng larawan ng kasiyahan, at katuwaan kahit na literal na nasa labas lang ng pinto ang mga nasunugan habang naiinitan.
๐๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ถ๐จ๐ข๐ฏ. Pero pinili niyong unahing bigyan ng espasyo ang bunong braso bago ang mga taong nawalan ng tirahan.
๐๐ข๐ญ๐ข ๐ด๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฌ๐ข๐ช๐ฏ. Pero sa mismong bidyo na pinaskil niyo, malinaw ang sako sakong bigas na nakatambak sa loob mismo ng gym na ipinagkakait niyo sa tao.
Walang halaga ang bunong braso tournament na yan kung ikukumpara sa halos ISANG LIBONG PAMILYA na nawalan ng tirahan at ari-arian. Ang gobyerno niyo ang NAGBABRASO sa tao para mag alsa at magalit sa inyo.
Ito ang panawagan namin: ๐๐ช๐ข๐๐ฃ๐๐ ๐ ๐๐ฎ๐ค ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฌ๐๐ ๐จ๐ ๐ฉ๐๐ค. Ilatag niyo ang plano niyo para sa mga nasunugan. Repasuhin niyo ang sistema ng ayuda. Unahin ang dignidad ng mga taong nawalan ng tirahan.
Sa panahon ng sakuna, hindi bunong braso ang sukatan ng lakas ng liderato. ๐ผ๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ก๐๐ ๐๐จ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐จ๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฎ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ช๐ฃ๐๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ค ๐ ๐๐ฎ๐จ๐ ๐ฅ๐๐ก๐๐๐๐จ, ๐ข๐๐ก๐๐จ๐๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐ฎ๐จ๐ ๐๐ข๐๐๐, ๐๐ฉ ๐๐๐๐ง๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ ๐๐ฎ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐๐๐ฃ๐๐ค ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฃ.
Habang may halos isang libong pamilyang natutulog sa init at abo, bawat oras na inuuna ninyo ang paligsahan ay dagdag na sampal sa mga nawalan na ng lahat. Hindi ito simpleng pagkukulang. Isa itong malinaw na pagtalikod sa tungkulin ninyo sa mamamayan ng San Antonio.
01/05/2026
ANG MGA MANGGAGAWA, BAYANI.
MATATAPANG AT LUMALABAN!
Mayo Uno, taong 1903, mahigit isang daang manggagawang Pilipino ang nagmartsa mula Plaza Moriones ng Tondo patungo sa Mendiola para magpatawag ng nakabubuhay na sahod at pagtigil sa pangongolonya ng US sa Pilipinas.
Sa mahigit isang daang taong pakikibaka ng mga manggagawa, nananaig pa rin ang mga hindi makatwirang kondisyon sa trabaho, at mababang pasahod ng mga malalaking negosyante mapa pribado man o gobyerno.
Kasabay ng pagkilala sa kabayanihan nating mga manggagawa, dapat gamitin ang araw na ito para kilalanin at paingayin ang mga isyung kinakaharap natin. Batid natin ito sa konteksto ng Lungsod ng Paraรฑaque. Salamat sa inyong serbisyo:
Sa ating mga MANGINGISDA sa La Huerta, na patuloy na iniipit ng hindi makatarungang reklamasyon, na naghaharing-uri lang naman ang makikinabang.
Sa ating mga G**O sa Paraรฑaque, na patuloy na pinagkakaitan ng makatarungang pasahod, kahit na nagkakandakuba na sa trabaho.
Sa ating mga NARS, DOKTOR, ng dalawang OSPAR, na sumasalo ng galit ng tao sa sirang sistema ng kalusugan. Sa pagpapatuloy kahit kulang ang kagamitan, at hindi sapat ang bayad.
Sa ating mga KOLEKTOR NG BASURA sa buong lungsod, sa pagsasakripisyo ng inyong katawan para panatilihing malinis ang ating bayan. Sa kabila ng kawalan ng seguridad sa kalusugan, at sa baryang sinasahod sa arawan.
Sa ating mga BPO AGENT mula Sto. Niรฑo hanggang BF Homes, na patuloy na binabarat ng mga dayuhang kumpanya at nakakaranas ng mga hindi makatarungang kondisyon sa trabaho.
Sa ating mga KAWANI NG GOBYERNO mula barangay hanggang lokal, na patuloy na nakakaranas ng kawalan ng seguridad sa trabaho. Barat ang pasweldo, tinatakot at tinuturing na alila ng mga nakaupo.
Gaano man kalaki o kaliit, lahat tayo ay nagbabayad ng buwis. Lahat tayo ay nagtatrabaho. Lahat tayo ay manggagawa!
Makisama sa protesta! Matapang na ilaban ang makatarungang pasahod, at karapatan para sa lahat ng uring manggagawa!
11/04/2026
MAGNAKAW PWEDE, MAG-PARK NG MOTOR BAWAL?
Mariing kinokondena ng Tapang Paraรฑaque ang hindi makatarungang pangungumpiska ng ari-arian ng mga mamamayan sa Greenhills, San Dionisio!
Sa panahon ng krisis, ng nagtataasang presyo ng langis at bilihin, inuna pang atupagin ng administrasyon ng mga Olivarez at kapitan ng San Dionisio na supilin ang mga nasa laylayan imbis na tugunan ang mas mabibigat na isyu sa lipunan!
Hindi ito iisang insidente lamang. Ang gobyerno ng Paraรฑaque, sa ilalim ng pamilya ng mga Olivarez ay paulit ulit na nagpapakita ng paulit ulit na panggigipit sa iba't ibang sulok ng Paraรฑaque. Mula sa pangungumpiska ng mga katiting na ari-arian, kabuhayan, hanggang sa pagbabanta ng demolisyon sa mga kabahayan!
Huwag din nating kalimutan ang pananahimik ng hari-hariang pamilya na ito sa isyu ng flood control, na BILYONES ang pondo sa lungsod ng Paraรฑaque. Walang batbat ang isang motorsiklo na kinukumpiska niyo sa halaga ng BILYONES na mistulang nawawala sa ilalim ng pamumuno ninyo!
Ang panawagan namin, itigil ninyo ang pang-iipit sa mga normal na tao. Bumaba kayo mula sa mga opisina at makipagdayalogo. Bigyan ng puwang ang mga tao para sumunod sa mga gusto ninyo. Pagiging makatao ang dapat manaig sa ganitong pagkakataon na hinahamon ang pagiging lider ninyo.
At kung may dapat kayong unahin, ito ay ang pagsupil niyo sa mga magnanakaw sa sarili niyong hanay. Tapatin ang tao sa pera ng bayan, at bumaba kayo sa pwesto kung patuloy niyong pagsisilbihan ang mga sarili ninyo!
09/04/2026
Ngayong ika-walumput apat na taong ginugunita natin ang Fall of Bataan, maging tanda sana sa atin ang pagpapakita ng giting ng ating mga bayani.
Nawaโy maging aral at pamana ang kanilang pakikibaka at pagmartsa na malayo pa man ang ating lalakbayin ngunit malayo na rin ang narating.
Kami sa Tapang Paraรฑaque ay sumasaludo at nagpapasalamat sa ating mga bayani sa kanilang inalay na sakripisyo para sa Inang Bayan.
26/03/2026
NAKIKIISA ANG TAPANG PARAรAQUE SA LABAN NATING MASA AT NG ATING MGA TSUPER
Patuloy na tumataas ang presyo ng langis. May mga gasolinahang pumapalo na sa 120+ pesos ang kada litro. Sa isang araw ng pasada, hindi na aabot ng 200 pesos ang maiuuwi ng isang jeepney driver.
Patuloy nating panawagan ang PAGTANGGAL NG VAT AT EXCISE TAX, kasabay ng PAGBASURA SA OIL DEREGULATION LAW!
Hindi dapat matapos sa ayuda ang solusyon ng lokal na pamahalaan! Ang hinahanap natin ay pangmatagalang solusyon na hindi nakapasan sa likod ng mga normal na mamamayan!
Makisama, makisangkot, matapang na lumaban!
20/03/2026
๐ก๐ฎ๐ธ๐ถ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎรฑ๐ฎ๐พ๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐๐ฝ๐ฒ๐ฟ ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐๐๐๐ข๐๐ - ๐ฃ๐๐ฆ๐ง๐ข๐ก ๐ป๐ฎ ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ญ๐ต, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ.
Direktang pinapasan ng ating mga tsuper ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis. Sa rutang SucatโBaclaran pa lang, aabot na sa โฑ100 kada litro ang krudo, halos โฑ3,500 ang gastos sa maghapon. Sa dulo ng mahabang pasada, maswerte pa ang may โฑ200 na naiuuwi.
Kinokondena natin ang pagka inutil ng gobyernong Marcos, at ng mga Olivarez! Ang patuloy na pagpapasa sa mamamayan ng bigat ng krisis ay nagpapalinaw lang kung sino ang pinoprotektahan at kung sino ang pinapabayaan. Hindi tayo papayag na ang pawis ng tsuper ay gawing tubo ng iilan. Hindi sagot ang paghingi ng pakiusap sa mga ganid na kumpanya gaya ng Petron. Kapos ang ayuda na pahirapang makuha, at hindi naman lahat ay nabibigyan.
Ang laban ng tsuper ay laban din nating mga komyuter. Kasabay ng pagtaas ng langis ang pagtaas ng presyo ng pagkain, kuryente, at pamasahe. Ito ang ating mga panawagan:
1. Tanggalin ang VAT at Excise Tax!
2. Irollback ang presyo ng langis. Ipasalo sa mayayamang kumpanya ang pagliit ng tubo!
3. Ibasura ang Oil Deregulation Law na nagtatanggal ng kapangyarihan ng gobyerno para makontrol ang presyo ng langis!
Singilin ang sistemang nagpapahirap sa nakararami! Panahon nang igiit ang tunay na sErbisyo Lang pO, hindi pakitang-tao!
08/03/2026
๐ ๐๐ง๐๐ฃ๐๐ก๐ ๐ง๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ง๐๐ง๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ ๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ก
Ngayong International Women's Day, pinagpupugayan natin ang patuloy na pakikibaka ng kababaihan para sa karapatan ng mga manggagawa, maralita, at buong sambayanan.
Huwag nating kalimutan na ang bawat pisong ninanakaw sa kaban ng bayan ay pondong dapat sanaโy napupunta sa serbisyong panlipunan, proteksyon laban sa karahasan, at suporta sa kababaihan.
Ang bawat kabastusan at pangmamaliit na ibinabato sa kababaihan ay lalong nagpapatibay sa kulturang nagtatakda sa atin bilang mababa sa lipunan.
At dito sa Paraรฑaque, malinaw din ang mukha ng problemang ito.
Ang walang katapusang pagpapalitan ng pwesto ng iisang pamilya sa kapangyarihan ay hindi serbisyo. Ito ay pagkakait sa mamamayan ng tunay na representasyon at pananagutan. Habang umiikot lamang ang kapangyarihan sa iilang apelyido, nananatiling napapabayaan ang pangangailangan ng kababaihan, manggagawa, at kabataan.
Hindi tayo mananahimik. Hindi tayo uurong. Matapang tayong titindig kasama ng kababaihan sa laban.
BABAE AY MATAPANG,
TAYO AY MATAPANG!
25/02/2026
๐๐๐๐ @ ๐๐ ๐ต๐ญ๐ต๐ญ๐ต๐ญ
Kami ay nakikiisa sa taunang pagkilos para magbigay pugay sa kolektibong pagpapatalsik ng masa sa Diktaturyang Marcos Sr.
Ang pagkilos na ito ay paalala na hindi nasa iisang tao, pulitiko, o partido ang kapangyarihan, kung hindi nasa sama-samang pagkilos ng kolektibong masa.
Sumama at mangalampag sa mga kurakot na opisyal mula lokal hanggang nasyonal. Bitbit natin ang panawagan ng hustisya, pagkontra sa korapsyon, at pagtindig laban sa mga pamilyang ginagawang negosyo ang buhay ng masa. Panagutin si Marcos Jr., Sara Duterte, at LAHAT ng sangkot na opisyal sa korapsyon!
MARCOS DUTERTE WALANG PINAG-IBA
PAREHONG KORAP, PAHIRAP SA MASA!