14/06/2026
This World Blood Donor Day, we honor the generosity of volunteer blood donors whose simple act of kindness gives hope and a second chance to those in need.
If you are healthy and eligible, consider donating blood. You may visit the nearest Philippine Red Cross chapter, government hospital, or local blood center to learn more about how you can help.
Together, we can make a difference—one donation at a time. 🧡
13/06/2026
Sa pagbisita natin sa General Santos City, nakilala rin natin ang pamilya ni Joey Puntual Deluvio, na nagbuwis ng sariling buhay habang sinusubukang iligtas ang kanyang kapwa sa kasagsagan ng lindol.
Sa gitna ng panganib, pinili ni Joey na tumulong. Ang kanyang kabayanihan at malasakit sa kapwa ay isang inspirasyon at paalala ng katatagan at bayanihan ng mga Pilipino sa panahon ng pagsubok.
Nakikiisa tayo sa kanyang pamilya at nagpapasalamat sa buhay at sakripisyong iniwan niya para sa iba. Patuloy natin siyang alalahanin at ipagdasal. 🙏
13/06/2026
Sa kabila ng pinsalang dulot ng lindol, kitang-kita sa General Santos City ang katatagan at bayanihan ng ating mga kababayan. 🧡
Kasama sina Senator Robinhood Padilla, Senator Loren Legarda, Undersecretary Janella Estrada na kumatawan kay Senator Jinggoy Estrada, at Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, binisita natin ang mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa Carcon Village Evacuation Center at Balite sa Barangay Lagao.
Sa gitna ng pagsubok, nakita natin ang lakas ng loob at pag-asa ng mga komunidad na patuloy na bumabangon. Patuloy nating suportahan at ipagdasal ang General Santos at ang buong Mindanao sa kanilang pagbangon. 🙏
12/06/2026
Today, we celebrate not just our nation's freedom, but the courage, resilience, and unity that define us as Filipinos. 🇵🇭🧡
May we continue to carry these values forward as we build a better future together.
Maligayang Araw ng Kalayaan!
11/06/2026
Nakikiisa tayo sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.
Kasama ang tanggapan ni Senator Mark Villar, naghatid tayo ng tulong para sa mga pamilyang pansamantalang nananatili sa evacuation center. Nawa’y makatulong ang munting ayuda na ito habang sila ay unti-unting bumabangon mula sa trahedyang ito.
Patuloy nating ipagdasal ang lahat ng naapektuhan, lalo na ang pamilya ng batang nasawi sa insidente.
10/06/2026
Maraming Pilipino ang patuloy na nakikipaglaban sa liver diseases tulad ng hepatitis, cirrhosis, at liver cancer. 🏥
Sa ilalim ng SB 2189 — Liver Center of the Philippines Act, isinusulong natin ang pagtatatag ng isang specialized national center para sa liver treatment, research, at transplant services upang mas mapalawak ang access sa dekalidad na healthcare. 🧡
Dahil sa mas accessible at specialized na gamutan, mas maraming buhay ang maaaring masagip.
🧡 Ikaw, sapat ba ang access sa specialized healthcare services sa inyong lugar?