SIGSO Mindoro

SIGSO Mindoro

Share

TransCo was mandated to act as the Off-Grid System Operator for any small grid/off-grid power system.

07/06/2026

⚡️Occidental Mindoro Supply and Demand Forecast

Batay sa kabuuang supply at demand ng kuryente sa buong Occidental Mindoro Grid, sufficient ang kasalukuyang power supply upang matugunan ang overall demand ng buong lalawigan.

Gayunpaman, nagkaroon ng hindi inaasahang insidente sa 25 MVA Transformer ng OMCPC SAMARICA, na nagresulta sa pagkasira nito. Dahil dito, hindi naideliver nang buo ang kanilang contracted capacity, na nakaapekto sa normal na daloy ng suplay ng kuryente sa grid.

Sa kasalukuyan, ang power supply ng OMCPC SAMARICA ay naibibigay lamang sa pamamagitan ng tatlong distribution feeder ng OMECO sa Pulang Lupa, kaya limitado ang naipapadalang kuryente sa iba pang bahagi ng system.

Sa kabilang banda, ang mga area ng Sablayan at MAPSA ay kasalukuyang naka-island mode. Gayunpaman, hindi sapat ang kanilang dependable capacity upang matugunan ang demand sa kanilang nasasakupan. Ito ay dahil ang ilan sa kanilang mga generating units ay sumasailalim sa corrective maintenance, na nagreresulta sa reduced generation output.

Patuloy naman ang TransCo sa pakikipag-ugnayan at pag-monitor sa concerned parties upang makakuha ng latest updates at mapabilis ang restoration at energization ng mga apektadong equipment. Ginagawa ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maibalik sa normal at masigurado ang stability at reliability ng power supply sa lalong madaling panahon.

Kami po ay humihingi ng inyong pang-unawa habang isinasagawa ang mga kinakailangang pagkukumpuni at maintenance activities.

Maraming salamat po.

07/06/2026
07/06/2026

⚡️Oriental Mindoro Supply and Demand Forecast

Photos from SIGSO Mindoro's post 06/06/2026

⚡️Oriental and Occidental Mindoro Supply and Demand Forecast

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address

Power Center, Agham Road, Corner Quezon Avenue, Diliman
Quezon City