25/01/2026
Yan ang pulis na may malasakit!! # #
PNP TUMULONG SA INANG INABUTAN NG PANGANGANAK SA TABI NG KALSADA SA TAGUIG
Mabilis na rumesponde ang Philippine National Police matapos isang babae ang inabutan ng panganganak sa tabi ng kalsada habang patungo sa ospital sa Taguig City.
Sa ilalim ng pamumuno ng PNP Acting Chief, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ipinakita ng PNP ang maagap at makataong serbisyo publiko sa insidenteng naganap bandang alas-11:15 ng gabi noong Enero 23, 2026, sa Baymart Plaza sa kahabaan ng Gen. Santos Avenue, kanto ng MLQ Street, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.
Agad na tumugon ang mga pulis ng Taguig City Police Station – Bagumbayan–Lower Bicutan (Sub-Station 12) na sina Patrolman Alashraf Khusin at Patrolman Royden Alcaraz matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa isang babaeng inabutan ng panganganak sa lugar. Kinilala ang babae na residente ng Banai Street, Brgy. Lower Bicutan. Ayon sa kanyang salaysay, siya ay patungo sa Taguig–Pateros District Hospital para manganak nang siya ay abutan ng panganganak pagdating sa Brgy. Lower Bicutan, dahilan upang hindi na siya makapagpatuloy ng biyahe.
Agad na nagbigay ng kinakailangang tulong ang mga pulis upang matiyak ang kaligtasan ng ina at ng kanyang isinilang na sanggol na babae. Matapos ang pangyayari, ligtas na dinala ang mag-ina sa isang Lying-In Clinic sa Brgy. Lower Bicutan para sa karagdagang medikal na atensyon at wastong pangangalaga.
Ang insidenteng ito ay sumasalamin sa PNP Focused Agenda—isang malinaw na direksyon ng pagbabago na layong gawing mas makatao at mas malapit sa komunidad ang police service—kung saan mahalaga ang Enhanced Managing Police Operations at Active Community Support, partikular sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang tulong sa mamamayan.
Ayon kay PNP Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., “This situation highlights the role of police officers in providing immediate assistance beyond law enforcement.” Dagdag pa niya, “Sa ganitong mga pagkakataon, tungkulin ng pulis na tumulong upang matiyak ang kaligtasan ng ina at ng kanyang bagong silang na sanggol.”
Sa hiwalay na pahayag, sinabi rin ng Acting Chief, “Police presence in communities means being ready to assist during emergencies.” Aniya, “Makakaasa ang publiko na ang pulis ay laging handang tumugon kapag kinakailangan.”
Habang patuloy na ginagampanan ng PNP ang tungkulin nitong maging katuwang ng komunidad sa mga sitwasyong may agarang pangangailangan, sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy nitong tinitiyak sa publiko ang bisyon ng PNP: “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

15/01/2026