08/06/2026
π¬π πππ ππππ πππ ππππππ πππ πππ ππππππππ ππππππ πππ ππππ, πππ ππππππππ ππππππ ππ π ππππππππ ππππππππ ππ ππππππ ππππππππππππππ πππ πππππ ππ πππππππππ πππππ ππππππππ. πΏππ ππππππ πππππππππ ππππππππππ πππ ππππππππππ ππ ππππππππππ, ππππππππππ, πππ ππππππππ πππππππππππ πππ πππ ππππππ ππππππ ππππ πππππ.
--- Silang Central School officially opened School Year 2026β2027 with its first flag ceremony held earlier today, June 8, 2026, marking a meaningful and united start for the entire school community. The ceremony was spearheaded by School Principal, Dr. Gina A. Lejos, and gathered thousands of learners in a strong display of discipline, unity, and school pride.
05/06/2026
A HAPPY, HAPPY BIRTHDAY, MA'AM EMZ!
03/06/2026
π’ PARENTS' GENERAL ORIENTATION & SOSA 2026
Mga minamahal na magulang at tagapag-alaga, inaanyayahan po namin kayong dumalo sa Parents' General Orientation at State of the School Address (SOSA) bukas, Hunyo 4, 2026, ganap na 1:00 ng hapon sa Silang Central School.
Ito ang pagkakataon upang malaman ang mahahalagang impormasyon, programa, polisiya, at mga inaasahang gawain para sa darating na Taong Panuruan 2026β2027. Ang inyong pakikilahok ay mahalaga upang mas mapagtibay ang ating pagtutulungan para sa tagumpay ng bawat Batang Sentralyan. Kita-kits po tayo!
01/06/2026
JUST IN:
SCS Kicks Off Brigada Eskwela 2026
Opisyal nang sinimulan ng Silang Central School ang unang araw ng Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng isang makulay at masiglang motorcade na umikot sa mga kalapit na barangay na sakop ng paaralan. Layunin ng aktibidad na hikayatin ang komunidad na makiisa sa taunang programa ng bayanihan para sa paghahanda ng paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Nakiisa sa motorcade at Kick-Off Program ang mga g**o at mag-aaral ng Silang Central School kasama ang mga kawani ng pamahalaan, mga magulang, at mga benepisyaryo ng 4Ps at TUPAD, na nagpakita ng kanilang suporta sa adbokasiya ng sama-samang pagtutulungan para sa edukasyon. Ang kanilang presensya ay patunay ng matibay na ugnayan ng paaralan at komunidad.
a pangunguna ng pamunuan ng paaralan, PSDS Dr. Alicia Pangilinan Francisco at punungg**o Dr. Gina Lejos, naging matagumpay ang pagsisimula ng Brigada Eskwela 2026. Inaasahan na sa mga susunod na araw ay mas marami pang stakeholders ang makikibahagi upang matiyak ang isang ligtas, malinis, at handang paaralan para sa pagbabalik ng mga Batang Sentralyan. π
30/05/2026
A HAPPY, HAPPY BIRTHDAY, MA'AM MAY!
29/05/2026
π’π TARA NA, SENTRALYAN! BRIGADA NA! ππ’
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa Kick-Off ng Oplan Balik Eskwela β Brigada Eskwela 2026 ng Silang Central School ngayong Hunyo 1, 2026. Sama-sama nating ihanda ang ating paaralan para sa ligtas, maayos, at masayang pagbubukas ng klase! π
Ang inyong pakikiisa, oras, at simpleng pagtulong ay malaking ambag para sa mas malinis at mas maayos na paaralan para sa ating mga mag-aaral. Magkaisa tayo para sa matagumpay na Brigada Eskwela 2026!
25/05/2026
π’ OPLAN BALIK ESKWELA 2026
Public Assistance Action Center Now Ready to Serve!
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026β2027, ipinakikilala ng Silang Central School ang aming Public Assistance Action Center (PAAC) na handang tumugon sa mga katanungan, concerns, at iba pang pangangailangan ng mga magulang, mag-aaral, at stakeholders kaugnay ng pagbabalik-eskwela.
Sa pangunguna ni Dr. Gina A. Lejos, layunin ng paaralan na masig**o ang maayos, ligtas, at organisadong pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng maagap at episyenteng serbisyo publiko.
π Ang PAAC ay magsisilbing help desk para sa:
βοΈ Enrollment concerns
βοΈ School policies and procedures
βοΈ Learner concerns and assistance
βοΈ Other school-related inquiries
Patuloy na nagkakaisa ang aming paaralan upang maihatid ang dekalidad at maagap na serbisyo para sa bawat Batang Sentralyan. π
25/05/2026
Paanyaya para sa Brigada Eskwela 2026!
Sa lahat ng magulang, g**o, mag-aaral, alumni, at kaibigan ng paaralan β inaanyayahan po namin kayong makiisa sa taunang Brigada Eskwela na may temang:
"BAYANIHAN SA PAARALAN, NAGKAKAISA PARA SA KAAYUSAN AT KAALAMAN"
π
Petsa ng Brigada Eskwela: Hunyo 1β5, 2026
π
Oplan Balik Eskwela: Hunyo 1β11, 2026
π Simula ng Taon ng Panuruan: Hunyo 8, 2026
Tayo ay magsama-sama upang ihanda ang ating paaralan para sa pagbabalik ng mga Batang Sentralyan! Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, masisig**o natin ang isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran na nakatutok sa pagbasa at pagkatuto.
Mga Gawain:
π§ Pag-aayos at paglilinis ng mga silid-aralan
π§½ Paglilinis ng kapaligiran
π± Pagtatanim at landscaping
π Paghahanda ng mga aklat at reading corners
π Paggawa ng mga learning materials
π οΈ Pagkukumpuni ng sirang kagamitan
Hinihikayat po ang lahat na magdala ng anumang kagamitan na maaaring gamitin tulad ng walis, basahan, pintura, pako, martilyo, o kahit mga lumang aklat para sa reading area ng mga mag-aaral.
Tandaan: Ang ating munting ambag ay malaking tulong sa pagbuo ng isang paaralang handang-handa para sa Bagong Panahon ng Pagkatuto!
Tara naβt makiisa sa Brigada Eskwela 2026! Kita-kits po tayo sa Silang Central School!
!
21/05/2026
RESULTS ARE OUT!!
Grades 1 to 6: Belarmino S. Y. 2026-2027
UPDATE/EDITED: Grade 2, added Grade 6 on the last pic.
21/05/2026
π ANNOUNCEMENT for incoming Kinder Belarmino...