09/06/2026
Patuloy ang pamamahagi ng libreng school bags at school supplies mula sa ating butihing Mayor Allan De Leon para sa mga estudyante ng Taytay.
Pinangunahan nina Kapitan Inye Pacleb, Konsi Cai Cortez, Konsi Mitch Bermundo, Ate Frician Butial Lucas, mga Kagawad, at Smile Kabataang Dolores na si Ate Eunice Vallestero, at Kuya Andrew Gallo ang distribusyon sa mga mag aaral sa Hapay na Mangga Elementary School, at Corazon C. Aquino Elementary School.
Maraming salamat po, Mayor, at sa 13th Sangguniang Bayan sa patuloy na mga programang sumusuporta sa edukasyon at tumutulong sa paghahanda ng mga estudyante para sa panibagong school year. 💙
Isang school bag, isang school supply, at isang hakbang para sa mas magandang kinabukasan. 😊
08/06/2026
Back-to-school mode: ON! 🎒📚✨
Nagsimula na po ang pamamahagi ng libreng school bags at school supplies mula sa ating butihing Mayor Allan De Leon.
Maraming salamat po, Mayor, sa programang tunay na nakakatulong sa mga kabataan at mga magulang.💙
Masaya rin po tayong tumulong sa pamamahagi sa Dolores Elementary School kasama sina Kapitan Inye Pacleb, Ate Frician Butial Lucas, mga Kagawad, Konsehala Mitch Bermundo, at ang Smile Kabataang Dolores na sina Ate-Angela Goyena, Kuya Brent Singcuenco, Ate Marga Florendo, at Ate Eunice Vallestero. Nakakatuwang makita ang ngiti ng mga estudyante habang naghahanda para sa panibagong school year. 😊
Sama-sama para sa edukasyon at para sa kinabukasan ng kabataan. Isang bag, isang school supply, at isang ngiti para sa mas magandang bukas! 💙
07/06/2026
Nakiisa ang Smile Kabataang Dolores na sina Ate-Angela Goyena, Ate Marga Florendo, at Kuya Brent Singcuenco sa pamamahagi ng libreng school supplies at school bags para sa ating mga kabataan. 🎒📚💙
Maraming salamat sa Pamahalaang Barangay Dolores Taytay, Rizal sa pangunguna ni Kapitan Inye Pacleb at sa 7th Sangguniang Kabataan of Barangay Dolores Taytay, Rizal sa patuloy na pagsasagawa ng mga programang tunay na nakakatulong sa mga estudyante at kanilang pamilya.
Maliit man o malaking tulong, malaking ngiti naman ang kapalit. 😊
Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay inspirasyon at oportunidad sa ating kabataan. ✨
06/06/2026
Maraming salamat po sa pag-imbita, Shidokai Karatedo Kyokai! 🥋💙
Nasaksihan ng Smile Kabataang Dolores na sina Ate-Angela Goyena, Ate Marga Florendo, at Kuya Brent Singcuenco kung paano magsanay ang mga atletang Taytayeño. Grabe ang disiplina, sipag, at dedikasyon nila sa bawat ensayo. 💪
Mas nakaka-inspire dahil ang mga kabataang ito ay hindi lamang lumalaban para sa kanilang mga sarili, kundi para rin sa karangalan ng Taytay. 🇵🇭✨
Saludo po kami sa inyong tiyaga at determinasyon. Padayon sa pag-abot ng inyong mga pangarap at patuloy na pagbigay ng karangalan sa ating bayan! 🙌
05/06/2026
𝗛𝗮𝘁𝗶𝗿𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲 ✨🙏
Isang karangalan po para sa akin na katawanin ang aking Lola, ang dating Hermana Mayor na si Nanay Onnie De Leon, sa pagpapasa ng tungkulin ng pagiging Hermano Mayor kasama si Tita Alice Matienzo bilang Segundo Hermano. 💙
Congratulations po kina Hermano KuyaTol Aljohn De Leon at Hermana Lily Dela Rosa sa pagtanggap ng mahalagang responsibilidad para sa Hatiran 2026. 🎉
Nawa’y maging matagumpay at makahulugan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkakaisa, pananampalataya, at pakikiisa ng buong komunidad. 🙌
Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nagdarasal para sa pagpapatuloy ng ating mga tradisyon. ✨💙