18/03/2025
Inaanyayahan po ang lahat na makilahok sa ating 1st Quarter General Assembly na gaganapin sa darating na ika-22 ng Marso, taong kasalukuyan, mula ala una ng hapon hanggang alas-tres ng hapon sa gymnasium ng Barangay Dadda.
Ito po ay isang mahalagang pagkakataon upang maging bahagi ng ating pagpupulong na may layuning palakasin ang pagkakaisa at pag-usapan ang mahahalagang usapin para sa mas magandang kinabukasan ng ating barangay. Hinihikayat po namin ang lahat na dumalo at makiisa sa pagtutulungan tungo sa progreso at kaunlaran ng ating pamayanan.
See you there!
