12/06/2026
🏀💚 BUKAS NA ANG GRAND OPENING NG SKH1SBL SEASON 3! 💚🏀
Handa na ba kayong simulan ang isa na namang exciting na season ng basketball? Tara na at makiisa sa ating Opening Ceremony at suportahan ang ating mga koponan!
🥤 Huwag kalimutang dumaan sa MILO Booth!
✨ Libreng MILO samples
💚 Mas maraming saya at enerhiya para sa lahat!
Inaanyayahan namin ang buong komunidad na makiisa at maging bahagi ng makulay na pagbubukas ng SKH1SBL Season 3.
📍 Palo Alto Covered Court | 2:30 PM
Sama-sama nating ipagdiwang ang sportsmanship, pagkakaisa, at pagmamahal sa basketball! 🏀🔥
27/05/2026
Back to SKool: School Supplies Distribution. | 05/27/2026
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa aming programa. Sa simpleng paraan, muli nating naipadama na ang edukasyon ay mas napapadali kapag may komunidad na handang tumulong at makiisa. ❤️
Nawa’y magsilbing inspirasyon at dagdag motibasyon ang munting tulong na ito sa ating mga estudyante para mas pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral ngayong pasukan.
Maraming salamat sa inyong tiwala, kooperasyon, at pasensya. Hanggang sa susunod pang mga programang para sa kabataan! 💙✏️📖
25/05/2026
🎒📚 BACK TO SKOOL 2026 📚🎒
Handog ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Habay 1 ang isang munting tulong para sa ating mga estudyante ngayong pasukan! 💖
Narito na ang official schedule ng ating School Supplies Distribution. Inaanyayahan namin ang lahat ng mga napiling benepisyaryo na makiisa at sundin ang mga paalala upang maging maayos at organisado ang pamamahagi.
📅 May 27, 2026
⏰ 9:00 AM – 12:00 PM
📍 Palo Alto Covered Court
21/05/2026
Narito na ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo para sa ating Back to SKool Project! 🎒✏️ Ang programang ito ay handog ng inyong Sangguniang Kabataan bilang suporta sa bawat kabataang naghahanda para sa panibagong taon ng pag-aaral. 💙
Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa programang ito. Nawa’y maging inspirasyon ang simpleng tulong na ito upang lalo kayong magsumikap sa inyong pag-aaral at maabot ang inyong mga pangarap. 🌟
📌 Pakicheck mabuti ang inyong pangalan sa listahan.
📌 Hintayin ang opisyal na anunsyo para sa schedule at venue ng distribution.
📌 Magdala ng valid ID o anumang proof of identity sa pag-claim.
Patuloy na magsisilbi ang SK para sa kapakanan, edukasyon, at kinabukasan ng kabataan. Sama-sama nating ipakita na ang kabataang handa ay kabataang may pag-asa para sa mas magandang bukas. 🫶📖
10/05/2026
📚🎒 𝐁𝐀𝐂𝐊 𝐓𝐎 𝐒𝐊𝐎𝐎𝐋 | School Supplies Distribution ✏️📖
Handa na ba ang lahat para sa panibagong school year? 💙💛
Ang Sangguniang Kabataan ng Brgy. Habay 1 ay muling maghahandog ng school supplies para sa ating mga kabataang mag-aaral! 🫶
📌 𝐄𝐋𝐈𝐆𝐈𝐁𝐈𝐋𝐈𝐓𝐘:
✔ JHS
✔ SHS
✔ College Students
📌 𝐇𝐎𝐖 𝐓𝐎 𝐉𝐎𝐈𝐍:
• Mag-message lamang sa aming page ng pangalan at year level ng estudyante
(𝗛𝗮𝗹𝗶𝗺𝗯𝗮𝘄𝗮: Juan Cruz – Grade 7)
• 1 account = minimum of 1 student / maximum of 3 students only
• Hintayin ang aming confirmation reply
⚠️ 𝐋𝐈𝐌𝐈𝐓𝐄𝐃 𝐒𝐋𝐎𝐓𝐒 𝐎𝐍𝐋𝐘!
Sama-sama nating suportahan ang edukasyon at tulungan ang ating mga kabataan na makapagsimula ng klase nang handa at inspirado. 📚✨
01/05/2026
Mga ka-barangay at kaibigan, tayo po ay nananawagan sa inyong mabubuting puso. 🙏
Ang mga biktima ng sunog sa Silangan Habay 1 ay nangangailangan ng agarang tulong upang makabangon muli mula sa trahedyang kanilang naranasan.
Sa mga nais pong tumulong, kami po ay tumatanggap ng:
• Used clothes (kahit pambata o pang-adult)
• Food packs o anumang pagkain
• Hygiene kits tulad ng sabon at shampoo
Hindi man natin kayang burahin ang nangyari, kaya po nating pagaanin ang kanilang pinagdadaanan sa pamamagitan ng sama-samang pagtulong.
I-message lamang po kami para sa detalye kung paano makakapag-donate. Maraming salamat po sa inyong kabutihan!
29/04/2026
Mas lalong lumalakas ang laban! 🏀💯
Talagang may humahabol pa sa Senior Division, handang ipakita ang kanilang husay, diskarte, at solid na teamwork sa court.
Asahan ang mas matitinding bakbakan at dikdikan na aksyon sa bawat game. Game on na talaga! 👊🔥
Suportahan ang bawat koponan sa SKH1SBL Season 3!
29/04/2026
May humahabol! 👀🏀
Opisyal nang sumasabak sa laban ang Team Unboxing PH bilang pahabol team sa Junior Division!
Huwag maliitin! dala nila ang matinding gigil, lakas, at determinasyon na makipagsabayan sa bawat koponan. Siguradong may pasabog ang grupong ito sa court! 💥👊