30/05/2026
DepEd Tayo - Tambubong Elementary School
DepEd Tayo - Tambubong Elementary School OFFICIAL FACEBOOK PAGE
30/05/2026
30/05/2026
BUKAS NA! TARA, MAKIBRIGADA NA!
BRIGADA ESKWELA KICK OFF 2026
June 1, 2026
Magkaisa para sa malinis, ligtas, at masayang paaralan.
Sa tulong ng bayanihan, ating linisin, ayusin, pagandahin, at sama-samang ihanda ang ating paaralan para sa bagong taon ng pag-aaral.
Tara na, Tambubong ES family. Sama-sama nating ipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa ating paaralan.
Maligayang Kaarawan, Ma'am Mayan!
Sa espesyal na araw na ito, buong puso kang binabati ng pamilya ng DepEd Tayo - Tambubong Elementary School ng isang maligaya at pinagpalang kaarawan.
Maraming salamat sa iyong walang sawang paglilingkod, dedikasyon, at pagmamalasakit bilang aming School Clerk. Sa likod ng maayos na mga dokumento, mabilis na pagproseso ng mga pangangailangan at iba pang importanteng gawain, naroon ang iyong sipag at malasakit na tunay na nakatutulong sa tagumpay ng ating paaralan.
Hindi man laging nakikita, ang iyong kontribusyon ay mahalagang bahagi ng ating organisasyon. Ang iyong kabutihan, pagiging maaasahan, at positibong pakikitungo ay nagbibigay-inspirasyon sa mga g**o, mag-aaral, at kapwa kawani.
Nawa'y patuloy kang pagkalooban ng mabuting kalusugan, kaligayahan, lakas, at maraming biyaya. Hiling namin na matupad ang lahat ng iyong mga pangarap at hangarin sa buhay.
Ang buong pamilya ng Tambubong ES ay nakikiisa sa pagdiriwang ng iyong kaarawan at taos-pusong nagpapasalamat sa iyong mahalagang serbisyo.
Muli, Maligayang Kaarawan, Ma'am Mayan!
29/05/2026
Dumalo si Ma'am Catherine C. Mula ng DepEd Tayo - Tambubong Elementary School sa βDivision Capacity Building for 21st Century Kindergarten Teaching: Enhancing Instruction Through Digital Tools and Curriculum-Aligned Guideβ na ginanap sa Balak Iba Este, Calumpit, Bulacan.
Ang nasabing pagsasanay ay naglalayong palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga g**o sa paggamit ng digital tools at mga makabagong estratehiya sa pagtuturo na nakaayon sa curriculum upang higit na mapabuti ang kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Kindergarten.
Patuloy na nakikiisa ang Tambubong ES sa mga programang nagsusulong ng makabago, makabuluhan, at dekalidad na edukasyon para sa bawat batang mag-aaral.
29/05/2026
Naghahanda na ang DepEd Tayo - Tambubong Elementary School para sa nalalapit na Brigada Eskwela na gaganapin mula June 1β5, 2026.
Sa pangunguna ng aming masipag na
ππͺπ£πͺπ£πππͺπ§π€ πππ, πππ‘ππ π. ππ§ππ£πππ¨ππ€, puspusan na ang paghahanda upang masig**o ang isang ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran para sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral.
Ang Brigada Eskwela ay hindi lamang isang programa ng paglilinis at pagkukumpuni ng paaralan, kundi isang makabuluhang pagpapakita ng bayanihan, pagkakaisa, at malasakit para sa edukasyon ng ating mga kabataan.
Inaanyayahan namin ang lahat ng magulang, alumni, barangay officials, stakeholders, at mga volunteers na makiisa at makibahagi sa Kick-Off Program ng Brigada Eskwela sa June 1, 2026.
Ang bawat oras, lakas, at suportang inyong maibibigay ay magiging mahalagang ambag sa paghahanda ng isang paaralang handang humubog ng mga mag-aaral tungo sa kanilang mga pangarap.
Sama-sama nating buhayin ang diwa ng bayanihan. Tara na, makiisa at makibahagi para sa Tambubong ES at para sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
29/05/2026
Maligayang Kaarawan, Ma'am Leynette Francisco Salavante! π
Sa espesyal na araw na ito, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pagbati sa isang kahanga-hangang g**o, lider, at ina.
Bilang ating Math-tinik na Mathematics Coordinator, patuloy mong pinatutunayan na ang sipag, talino, at dedikasyon ay susi sa tagumpay. Bilang masipag na Grade 6 Grade Leader, isa kang inspirasyon sa iyong mga kapwa g**o sa pamamagitan ng iyong mahusay na pamumuno at walang sawang paggabay. Bilang isang mahusay na g**o, marami kang buhay na nahuhubog at pangarap na natutulungang maabot. At higit sa lahat, bilang isang mapagmahal na ina, ipinapakita mo ang tunay na kahulugan ng pagmamahal, sakripisyo, at malasakit.
Nawa'y pagpalain ka pa ng Panginoon ng mabuting kalusugan, masaganang buhay, walang hanggang kaligayahan, at marami pang taon upang maipagpatuloy ang iyong makabuluhang paglilingkod sa edukasyon at sa iyong pamilya.
Maraming salamat sa iyong dedikasyon, kabutihan, at inspirasyong ibinabahagi sa lahat ng iyong nakakasama.
Maligayang kaarawan, Ma'am Leynette mula sa iyong DepEd Tayo - Tambubong Elementary School family!
28/05/2026
PAALALA PARA SA MGA MAGULANG
Para po sa mga nagtatanong tungkol sa mga kailangang school supplies gaya ng notebook at iba pa β naririnig at nauunawaan po namin kayo.
Alam naming nais ninyo na makapaghanda nang mas maaga para sa nalalapit na pasukan ng inyong mga anak.
Kaugnay nito, ang DepEd Tayo - Tambubong Elementary School ay sumusunod sa DepEd Order Blg. 65, s. 1990 na nagsasaad na hindi maaaring mag-require ng partikular o sapilitang school supplies, libro, workbook, at iba pang kagamitang pampaaralan.
Bilang suporta sa praktikal at matipid na paghahanda para sa pasukan, hinihikayat po ng ating paaralan ang:
- paggamit at pagre-recycle ng mga school supplies na maayos pa at maaari pang magamit
- simpleng paghahanda ayon sa kakayahan ng bawat pamilya
- at higit sa lahat, ang kahandaan ng mga bata na matuto at ang patuloy na suporta ng mga magulang
Tandaan, hindi po nasusukat sa dami o kamahalan ng gamit ang tagumpay sa pag-aaral. Mas mahalaga po ang sipag, gabay, at pagtutulungan ng tahanan at paaralan para sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
Ang mga SUGGESTED o mungkahing school supplies lamang ay tatalakayin sa gaganaping HRPTA Meeting bilang gabay sa mga magulang. Paalala po na ito ay mungkahi lamang at hindi sapilitan.
Gayunpaman, narito po ang mga subjects na mayroon ang bawat Grade sakaling nais ninyong bilhan ng gamit ang inyong mga anak:
Kindergarten
Play-based learning / integrated activities
Hindi kailangan ng maraming notebooks
Grade 1
5 Subjects
Language
Reading and Literacy
Mathematics
Makabansa
GMRC
Grades 2β3
Karaniwang 6β7 Subjects
English
Filipino
Mathematics
Makabansa
GMRC
Reading / Language components
Grades 4β6
Karaniwang 8β9 Subjects
English
Filipino
Mathematics
Science
Araling Panlipunan
EPP/TLE
MAPEH
GMRC/Values Education
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, suporta, at pakikiisa para sa matagumpay na pagbubukas ng klase. Sama-sama po tayo para sa kinabukasan ng ating mga bata!
28/05/2026
ARAL SUMMER MATH AND READING MONITORING
Patuloy na isinasagawa ng ating masigasig na ππͺπ£πͺπ£πππͺπ§π€ πππ, πππ‘ππ π. ππ§ππ£πππ¨ππ€ ang Aral Summer Math and Reading Monitoring upang masubaybayan ang pag-unlad ng mga mag-aaral sa larangan ng pagbasa at matematika.
Layunin ng programang ito na mapalakas pa ang pundasyon ng kaalaman ng mga bata sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paggabay, pagsasanay, at suporta mula sa ating mga g**o at katuwang sa edukasyon.
Ang bawat oras na inilalaan para sa pagkatuto ay isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nagsisikap at gumagabay para sa kapakanan at pag-unlad ng ating mga mag-aaral.
Note:
Parental consent secured before posting pupilsβ photos online, in compliance with RA 10173 (Data Privacy Act).
28/05/2026
Kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa paggunita ng mga Araw ng Pambamsang Watawat at ika-128 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.
Sa pagwagayway ng ating watawat, buhay na ginugunita ang diwa ng katapangan, pagkakaisa at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan.
Nawaβy manatiling nagliliyab sa puso ng bawat mamamayan ang pagiging makabayan at pagpapahalaga sa kalayaan na siyang pundasyon ng isang matatag at maunlad na bansa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Bocaue
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
