15/06/2026
DUGONG ALAY, DUGTONG BUHAY🩸🩸🩸
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa Blood Donation Project ng Pamahalaang Bayan ng Bocaue sa darating na June 17, 2026, mula 8:00 AM hanggang 2:00 PM sa Mayor Joni Villanueva-Tugna Sports Complex.
Ang inyong simpleng pag-donate ng dugo ay maaaring makapagligtas ng buhay. Sama-sama nating ipakita ang malasakit sa kapwa. Mag-donate, magligtas ng buhay!
08/06/2026
‼️DOH: MAGING HANDA SA PAPARATING NA EL NIÑO‼️
Detalye sa comment section.
22/05/2026
‼️ALAMIN ANG TAMANG IMPORMASYON TUNGKOL SA EBOLA‼️
Detalye sa comment sa section.
10/05/2026
‼️DOH: ALAMIN ANG TAMANG IMPORMASYON TUNGKOL SA HANTAVIRUSES‼️
Detalye sa comment section.
08/05/2026
Serbisyong pangkalusugan para sa mga Bocaueño, mas pinalapit na!
Ikinagagalak naming ipaalam na ang Bocaue Municipal Health Office ay may mga bagong doktor na maglilingkod sa ating komunidad na sina Doc Neil Jose at Doc Edgin Ortaleza. Sila ay handang magbigay ng dekalidad, maaasahan, at malasakit na serbisyong medikal para sa bawat mamamayan.
Upang magsilbing gabay, narito po ang kanilang schedule ng check-up para sa buwan ng Mayo 2026. Huwag kalimutang magdala ng kinakailangang dokumento, at sundin ang mga patakaran ng health office para sa maayos at ligtas na serbisyo.
Para sa anumang katanungan, maaring makipag-ugnayan sa Bocaue Municipal Health Office.
Kalusugan ay kayamanan, sama-sama nating pangalagaan!
07/05/2026
Ngayong ika-7 ng Mayo, ipinagdiriwang natin ang National Health Workers Day.
Saludo kami sa inyong kabayanihan!�Hindi matatawaran ang inyong dedikasyon para sa kalusugan ng bayan!
To all our doctors, nurses, midwives, barangay health workers, and frontliners—YOU are our modern-day heroes!
Thank you for your service, your heart, and your tireless efforts. Mabuhay kayo, mga manggagawang pangkalusugan ng Pilipinas!
Tara, ipakita ang suporta sa ating mga health workers. Share your message of thanks today!