DepEd Tayo - Bunlo Elementary School - 104765

DepEd Tayo - Bunlo Elementary School - 104765

Share

This page will be used for Official DepEd Tayo - Bunlo Elementary School - 104765 Announcements

Photos from DepEd Tayo - Bunlo Elementary School - 104765's post 24/06/2026

DepEd Tayo - Bunlo Elementary School - 104765 sincerely expresses its heartfelt gratitude for the generous donation of school supplies for our Kindergarten pupils from the Sangguniang Kabataan of Barangay Bunlo and for the tarpaulin donation from Konsehal JR Villanueva.

Maraming salamat po sa inyong malasakit at patuloy na suporta sa mga mag-aaral ng Bunlo ES! ✨

Photos from DepEd Tayo - Bunlo Elementary School - 104765's post 24/06/2026

Bilang bahagi ng Project B.A.T.A., nagsagawa ang Philippine National Police (PNP) Bocaue sa pangunguna ni PLTCOL Gilbert C. Diaz, Chief of Police, ng lecture at awareness campaign para sa mga mag-aaral ng Grade 5 at Grade 6 ng Bunlo Elementary School ngayong Hunyo 24, 2026.

Tinalakay sa programa ang mga batas na nagtataguyod ng karapatan at proteksiyon ng mga bata laban sa bullying, pang-aabuso, diskriminasyon, at trafficking. Nagbigay rin si Pastor Jayson Magadan ng mensahe tungkol sa mabuting asal, pagpapahalaga sa kapwa, at kahalagahan ng pananampalataya at panalangin sa pang-araw-araw na buhay.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, mas napalalim ang kamalayan ng mga mag-aaral sa kanilang mga karapatan at responsibilidad upang makatulong sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, at masayang kapaligiran sa paaralan.

Maraming salamat sa PNP Bocaue at sa lahat ng katuwang nito sa patuloy na pagsuporta sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.






23/06/2026

MAHALAGANG PAALALA: ALAMIN ANG MGA DAPAT GAWIN KUNG MAY SCHOOL VIOLENCE (LOCKDOWN)

Walang puwang ang karahasan sa ating mga paaralan. Ngunit sa oras na hindi inaasahang banta sa seguridad ng lahat o school violence, mahalagang handa, kalmado, at alerto ang bawat g**o at mag-aaral upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Narito ang 9 na Hakbang sa Pag-Lockdown na dapat nating tandaan at isapuso:

1️⃣ Maging Alerto - Kung may nakitang away, barilan o anumang banta, agad na ipaalam sa pinakamalapit na g**o.
2️⃣ Pakinggan ang Anunsyo - Sundin agad ang anunsyo ng g**o o school personnel. Huwag magtanong. Huwag magpaloko.
3️⃣ Pumasok at Mag-Lockdown - Pumasok o manatili sa loob ng silid-aralan. Isara, at i-lock ang pinto. Harangan kung maari gamit ang mesa o upuan.
4️⃣ Manatiling Tahimik at Huwag Makialam - Manatiling tahimik. Huwag sumigaw, tumakbo, at huwag lumabas. Huwag makialam sa nangyayari sa labas.
5️⃣ Manatiling Nakatago at Lumayo sa Bintana - Lumayo sa pinto, bintana at labas ng silid. Yumuko o magtago sa ligtas na lugar.
6️⃣ Wag Gamitin ang Cellphone Maliban kung Kailangan - Huwag mag-video o mag-post. Manatiling tahimik at huwag makipag-ugnayan maliban kung inutusan ng g**o o pulis.
7️⃣ Maghintay ng Utos - Manatiling kalmado at hintayin ang karagdagang anunsyo ng g**o o mga awtoridad.
8️⃣ Ligtas na Paglabas - Kapag sinabing ligtas na, lumabas nang maayos, nakapila, at sumunod sa g**o.
9️⃣ Mag-ulat at Mag-ingat para sa Lahat - Ipaalam sa g**o ang nakita o nalaman. Tandaan, ang kaligtasan ng lahat ay responsibilidad nating lahat!

Magkasama tayo. Maging matalino. Manatiling ligtas.

Ibahagi ang impormasyong ito sa ating mga kasamahang g**o, magulang, at mga mag-aaral. Ang kahandaan ay susi sa ligtas na paaralan!

Photos from DepEd Tayo - Bunlo Elementary School - 104765's post 22/06/2026

𝐀𝐧𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐰𝐞𝐞𝐤 𝐨𝐟 𝐥𝐞𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠, 𝐬𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞, 𝐚𝐧𝐝 𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐛𝐞𝐠𝐢𝐧𝐬 𝐚𝐭 DepEd Tayo - Bunlo Elementary School - 104765 𝐥𝐞𝐭 𝐮𝐬 𝐜𝐨𝐧𝐭𝐢𝐧𝐮𝐞 𝐭𝐨 𝐮𝐩𝐡𝐨𝐥𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐯𝐚𝐥𝐮𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝐩𝐚𝐭𝐫𝐢𝐨𝐭𝐢𝐬𝐦 𝐚𝐧𝐝 𝐝𝐢𝐬𝐜𝐢𝐩𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐚𝐬 𝐰𝐞 𝐬𝐭𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐟𝐨𝐫 𝐞𝐱𝐜𝐞𝐥𝐥𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐢𝐧 𝐚𝐥𝐥 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐰𝐞 𝐝𝐨.

#𝐅𝐥𝐚𝐠𝐑𝐚𝐢𝐬𝐢𝐧𝐠𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲
#𝐁𝐮𝐧𝐥𝐨𝐄𝐒
#𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝𝐓𝐚𝐲𝐨
#𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠𝐃𝐞𝐩𝐄𝐝
#𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬

19/06/2026

To our Esteemed Public Schools District Supervisor and Male School Heads of Bocaue District,

As we approach Father’s Day, the entire DepEd Bulacan family—and specifically the community of Bocaue District—extends our warmest and most sincere appreciation to the incredible male leaders steering our schools.

The role of a school head mirrors that of a father: it requires visionary leadership, immense patience, protective care, and a commitment to nurturing those under your wings. Whether you are leading our classrooms, managing school operations, or mentoring our teaching and non-teaching personnel, your guidance shapes the future of Bocaue’s learners.

Thank you for your tireless dedication, for standing as pillars of integrity, and for managing our schools with a father’s heart.

18/06/2026

🌸 Maligayang Kaarawan, Teacher Lhoraine!

Photos from DepEd Tayo - Bunlo Elementary School - 104765's post 18/06/2026

Nakiisa ang Bunlo Elementary School sa isinagawang Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bilang bahagi ng paghahanda at pagpapalakas ng kamalayan ng mga mag-aaral at kawani sa tamang pagtugon sa oras ng lindol.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Sir Jimmy C. Domingo, School DRRM Coordinator, at ni Ma’am Ethel SD. Dela Cruz, School Health Coordinator, sa suporta at pangunguna ng ating School Head na si Sir Vincent C. Villamora.

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, patuloy na pinatitibay ng paaralan ang kultura ng kahandaan at kaligtasan para sa buong komunidad ng Bunlo Elementary School.

16/06/2026

Panoorin ang mensahe ni Mayor Jonjon Villanueva para sa mga mag-aaral, g**o, at mga magulang ngayong balik-eskwela.

Sa pagsisimula ng panibagong school year, sama-sama nating suportahan ang edukasyon at hikayatin ang bawat kabataan na mangarap, magsikap, at huwag sumuko sa pag-aaral.





Photos from DepEd Tayo - Bunlo Elementary School - 104765's post 15/06/2026

Pinangunahan ni Dr. Jonar C. David, Bocaue Public Schools District Supervisor, ang monitoring ng Oplan Balik Eskwela upang masig**o ang maayos, ligtas, at handang pagbubukas ng klase para sa ating mga mag-aaral.

Kasama sa gawaing ito ang suporta at pakikipagtulungan ng ating School Head na si Sir Vincent C. Villamora, gayundin ng mga g**o at kawani ng paaralan.

Sama-sama para sa dekalidad na edukasyon at matagumpay na Balik Eskwela!




12/06/2026

Maligayang pagdating, Teacher Jerushia!

Want your business to be the top-listed Government Service in Bocaue?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Address


Luntian Street
Bocaue
3018

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm