01/06/2026
𝐑𝐄𝐀𝐋 𝐄𝐒: 𝘽𝙧𝙞𝙜𝙖𝙙𝙖 𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙨𝙖! 🩷
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Real Children's Association, Public & Government Service, Calamba.
01/06/2026
𝐑𝐄𝐀𝐋 𝐄𝐒: 𝘽𝙧𝙞𝙜𝙖𝙙𝙖 𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙨𝙖! 🩷
01/06/2026
𝑫𝒂𝒚 𝟏: 𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔
𝗥𝗘𝗔𝗟 𝗘𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟
Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela ng Real Elementary School, buong puso kaming nakiisa sa isinagawang parada bilang hudyat ng sama-samang paghahanda para sa nalalapit na pasukan.
Matapos ang parada, naging bahagi rin kami ng mga gawaing inihanda ng paaralan para sa mga mag-aaral. Kami ay naatasang magsagawa ng storytelling activity upang magbigay ng kasiyahan at inspirasyon sa mga bata.
➡Bukod dito, namahagi rin kami ng munting regalo at pagkain bilang simpleng paraan ng pagpapakita ng pagmamahal, suporta, at malasakit sa kanilang pag-aaral.✨
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, ipinakita namin ang kahalagahan ng pagtutulungan at pakikiisa sa paghubog ng isang mas maayos at mas masayang kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.❤
12/05/2026
𝗦𝗜𝗧𝗜𝗢 𝗠𝗔𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗘𝗘𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝟮𝟬𝟮𝟲💚
Noong ika-24 ng Abril, matagumpay na nagtungo ang 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗥𝗲𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗱𝗿𝗲𝗻’𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 sa Sitio Magalang upang maghatid ng tulong, saya, at pagmamahal sa ating mga kabarangay na naninirahan doon.
-Bukod sa feeding program, namahagi rin kami ng mga damit na maaaring magamit ng ating mga kabarangay, lalo na sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog. Sa simpleng paraan na ito, nais naming maiparamdam na hindi sila nag-iisa at may handang tumulong at umalalay sa kanila. 👕✨
Naging matagumpay ang proyektong ito dahil sa walang sawang suporta at pakikiisa ng ating 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆, lalo na sa ating ginagalang na Punong Barangay na si 𝗞𝗮𝗽. 𝗝𝗥 𝗠𝗼𝗿𝗮𝗹𝗲𝘀, pati na rin sa 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 sa pangunguna ni 𝗦𝗞 𝗙𝘂𝗷𝗶𝗸𝗼 𝗖𝗮𝗿𝗿𝗲𝗼𝗻. 🌟
Ang bawat ngiti at pasasalamat mula sa ating mga kabarangay ay nagsisilbing inspirasyon upang mas pag-ibayuhin pa namin ang aming paglilingkod para sa komunidad. 💚
Maraming salamat po sa inyong suporta at pagtitiwala. Makakaasa po kayo na mas marami pang proyekto at programang makakatulong sa ating barangay ang aming ihahatid sa mga susunod na panahon! ✨
18/03/2026
1ST QUARTER BCPC MEETING I 2026
29/01/2026
𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻, 𝗞𝗮𝗽 𝗝𝗥 𝗠𝗼𝗿𝗮𝗹𝗲𝘀! 🎂🎉
Sa espesyal na araw na ito, nais po naming ipaabot ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat. Maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay, malasakit, at inspirasyong ibinibigay ninyo sa bawat isa sa amin. Ang inyong pamumuno ay hindi lang nagbibigay-direksyon, kundi nagbibigay-lakas ng loob at pag-asa sa buong samahan.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, tagumpay sa lahat ng inyong ginagawa, at kapayapaan ng isip at puso. Hiling namin na ang darating na mga taon ay mapuno ng mas marami pang tagumpay, masasayang alaala, at biyaya sa inyong pamilya at mga mahal sa buhay.
Muli, maligayang kaarawan po, Kap! Narito lang po ang BCA REAL, buong pusong sumusuporta at nagpapasalamat sa inyo. Mabuhay po kayo! ✨
— BCA REAL
08/01/2026
4TH QUARTER BCPC MEETING-Barangay Real
Barangay Real Children's Association
Sangguniang Barangay Ng Real
22/12/2025
Maraming Salamat po!💚🩷
“𝗣𝗮𝘀𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗛𝗶𝗺𝗶𝗴 𝗮𝘁 𝗚𝗮𝗹𝗮𝘄: 𝗕𝗖𝗔 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗮𝗿𝗼𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗵𝗼𝘄𝗰𝗮𝘀𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟱”🎶❄️☃️
and 𝐂𝐇𝐑𝐈𝐒𝐓𝐌𝐀𝐒 𝐓𝐇𝐄𝐌𝐄𝐃 𝐂𝐎𝐒𝐓𝐔𝐌𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐒𝐓 👗🌲❄️
18/12/2025
𝐂𝐇𝐑𝐈𝐒𝐓𝐌𝐀𝐒 𝐓𝐇𝐄𝐌𝐄𝐃 𝐂𝐎𝐒𝐓𝐔𝐌𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐒𝐓 👗🌲❄️
𝐃𝐞𝐜𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟎,𝟐𝟎𝟐𝟓
𝟐:𝟎𝟎𝐩𝐦
𝐊𝐢𝐭𝐚-𝐤𝐢𝐭𝐬 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐚𝐥!
14/12/2025
“𝗣𝗮𝘀𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗛𝗶𝗺𝗶𝗴 𝗮𝘁 𝗚𝗮𝗹𝗮𝘄: 𝗕𝗖𝗔 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗖𝗮𝗿𝗼𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗵𝗼𝘄𝗰𝗮𝘀𝗲 𝟮𝟬𝟮𝟱”🎶❄️☃️
1ST PLACE - 2,000 PESOS
2ND PLACE- 1,500 PESOS
3RD PLACE- 1,000 PESOS
** With CONSOLATION PRIZES
𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐎𝐖:
𝐂𝐎𝐍𝐓𝐀𝐂𝐓 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐒 𝐟𝐨𝐫 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧:
*Ruby Radan (FB) or any BCA officer
*Ghie Torres FB
-6-15 years old
-Residente ng Barangay Real.
-Ang bawat grupo ay may minimum of 4 members at maximum of 8 members
-Ang bawat grupo na-nagregister ay dapat magkaroon ng entry ng kanilang christmas themed caroling para sa kanilang live performance na gaganapin sa December 20 sa ating Covered Court
**𝙇𝙖𝙝𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙍𝙚𝙨𝙞𝙙𝙚𝙣𝙩𝙚 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙍𝙚𝙖𝙡 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙖𝙖𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙪𝙢𝙪𝙣𝙩𝙖**✨
𝗗𝗘𝗖𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟮𝟬,𝟮𝟬𝟮𝟱
𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗥𝗲𝗮𝗹 𝗖𝗼𝘃𝗲𝗿𝗲𝗱𝗰𝗼𝘂𝗿𝘁
𝟮:𝟬𝟬 𝗽𝗺
𝗞𝗜𝗧𝗔-𝗞𝗜𝗧𝗦 𝗠𝗚𝗔
𝗞𝗮-𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆💚🥇