24/05/2026
๐๐๐ฃ๐ฃ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐ฌ, ๐๐ข๐ก๐ฆ๐ ๐๐๐๐ข๐จ! ๐๐
Isang Maligayang Kaarawan sa ating Chairperson ng Committee on Education ng Sangguniang Barangay ng Batino, Kagawad Angelou Oรฑa.
Maraming salamat sa inyong patuloy na dedikasyon, malasakit, at suporta lalo na sa mga programang pang edukasyon para sa ating mga kabataan at komunidad.
Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, tagumpay, at mas marami pang taon ng masayang paglilingkod para sa ating mga kabarangay.
Mula sa inyong pamilya sa Sangguniang Barangay ng Batino, maligayang kaarawan, Konsi Gelou! ๐ ๐๐
21/05/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต๐ ๐ฌ๐ผ๐๐ป๐ด ๐ข๐ป๐ฒ๐ ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ป ๐ง๐ฒ๐ฒ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐ด๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ฒ๐ป๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฉ๐ปโ๐ซ๐ก
Matagumpay na isinagawa nitong Miyerkules, Mayo 20, sa opisina ng Lupong Tagapamayapa ang programang โHealthy Young Onesโ Orientation on Teenage Pregnancy Prevention na dinaluhan ng mga kabataang Batineรฑo upang mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa puberty, adolescence, responsible decision making, at pag iwas sa maagang pagbubuntis.
Layunin ng programa na mabigyan ng tamang impormasyon hindi lamang ang mga kabataang kababaihan kundi maging ang mga kalalakihan tungkol sa mga myths at facts kaugnay ng adolescence at teenage pregnancy upang mas maging handa sila sa kanilang pag transition mula childhood patungo sa puberty at adolescence.
Sa kaniyang opening remarks, binigyang diin ni Kap Joel Dimapilis ang kahalagahan ng pagbibigay ng sapat na edukasyon sa murang edad tungkol sa mga sensitibo ngunit napakahalagang paksa tulad ng teenage pregnancy prevention. Ayon sa kanya, mahalagang maunawaan ng mga kabataan ang mga posibleng epekto at responsibilidad upang mas makagawa sila ng tama at responsableng desisyon habang sila ay lumalaki.
Nagsilbing resource speakers sina Ms. Nina Mariz N. Barachina, RN, MAN na siyang Nurse II - AHDP and FTP Coordinator, Ms. Germaine V. Malijan, RN na COS Nurse 1 - Assistant AHDP Coordinator, Dianne R. Ignacio, RM, at Vivian T. Makaraeg, RN na nagbigay ng mahahalagang lecture at diskusyon para sa mga dumalong kabataan.
Naging mas masaya at interactive rin ang programa sa pamamagitan ng educational games, question and answer activities, at ibaโt ibang participation activities na mas lalong nagpalalim ng pagkatuto ng mga kabataan. Bilang bahagi rin ng programa, nakatanggap ang mga participants ng hygiene at health kits bilang suporta sa kanilang kalusugan at personal hygiene.
Labis ding ikinatuwa ng mga dumalo ang libreng lunch mula sa McDonaldโs na handog ng Sangguniang Kabataan ng Batino .
Ang Sangguniang Kabataan ng Batino sa pangunguna ni SK Chairman Johnlorenze Oruga at Sangguniang Barangay sa pamumuno ng ating Punong Barangay Joel Dimapilis katuwang si Health Committee Chairperson Kagawad Leony Pamote ay nagpapasalamat rin kina Nurse Cyreen, BNS Marilou Samalea, mga Barangay Health Workers, volunteers, at lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang makabuluhang programang ito para sa kabataan.
๐ฆ ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค. ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐, ๐๐ช๐ก๐ช๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค! โจ
21/05/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฌ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ง ๐ฃ๐๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ข ๐๐๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ ๐ ๐จ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐ฆ ๐ฆ๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐ฃ๐ข๐ฅ๐ง๐ฆ ๐๐๐ฆ๐ง ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ฉ๐ป๐ง๐ป
Nagmistulang sentro ng saya, laro, at pagkakaisa ang Batino Covered Court matapos matagumpay na idaos dito ang BCA Sports Fest 2026 kung saan aktibong nakilahok at muling nagpamalas ng husay ang mga opisyal ng Barangay Childrenโs Association - Batino.
Kasama ng ating mga kabataan ang ibaโt ibang barangay mula sa kanilang cluster kabilang ang Prinza, Uwisan, Paciano Rizal, Bucal, Parian, San Cristobal, Mayapa, Lawa, at Mapagong sa isang buong araw ng Larong Pinoy at recreational activities na pinangunahan ni Sir Aaron Esquinas sa ilalim ng City Social Services Department ng City Government ng Calamba.
Isa isang sinubukan ng ating mga BCA officers ang ibaโt ibang tradisyunal na laro tulad ng sack race, batuhang bola, tiko, luksong lubid, kadang kadang sa bao, traditional wheel rolling, at patintero. Sa bawat laban ay kapansin pansin ang ipinakitang sigla, disiplina, teamwork, at sportsmanship ng ating mga kabataan habang buong pusong kinakatawan ang Barangay Batino.
Bagamat hindi man nasungkit ang ilan sa mga titulo, panalo naman sa puso at karanasan ang ating mga kabataang Batineรฑo na buong tapang at kumpiyansang ipinakita ang kanilang talento at magandang samahan. Higit sa kompetisyon, naging pagkakataon din ang aktibidad upang mas mapalakas ang pagkakaibigan, respeto, at pakikipagkapwa sa pagitan ng mga kabataan mula sa ibaโt ibang barangay.
Naging matagumpay rin ang paghohost ng Barangay Batino sa nasabing aktibidad kung saan ipinakita ng ating komunidad ang pagiging maayos, welcoming, at hospitable sa mga panauhing dumalo sa programa.
Patuloy namang nakaagapay at gumagabay sa ating mga kabataan ang kanilang BCA Mentor na si Kagawad Elsa Gatdula katuwang ang buong suporta ni Kap Joel Dimapilis at ng buong Sangguniang Barangay sa mga programang nagbibigay pagkakataon sa kabataan na malinang ang kanilang talento, tiwala sa sarili, at pakikipagkapwa.
๐ฆ ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค. ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐, ๐๐ช๐ก๐ช๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค! โจ
20/05/2026
Calambeรฑos, are you ready?
Kaisa ang Pamahalaang Lungsod ng Calamba, buong pusong naghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng panibagong pasukan!
Abangan ang mga espesyal na sorpresa at inisyatiba na inihahanda namin para sa ating mga mag-aaral at kabataan ngayong taon.
19/05/2026
๐ฃ๐๐๐ก๐ฌ๐๐ฌ๐ | ๐๐๐๐๐ง๐๐ฌ ๐ฌ๐ข๐จ๐ก๐ ๐ข๐ก๐๐ฆ ๐ฆ๐๐ ๐๐ก๐๐ฅ
Inaanyayahan po ang lahat ng kabataan edad ๐ญ๐ฌ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ญ๐ต ๐๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐ด๐๐น๐ฎ๐ป๐ด na makiisa sa programang pinamagatang โHealthy Young Onesโ isang orientation ukol sa ๐ฉ๐๐๐ฃ๐๐๐ ๐ฅ๐ง๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฎ ๐ฅ๐ง๐๐ซ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ค๐ฃ.
Layunin po ng programang ito na mapalawak ang kaalaman ng ating mga kabataan hindi lamang ng mga kababaihan kundi pati na rin ng mga kalalakihan tungkol sa kahalagahan ng tamang impormasyon, responsableng pagdedesisyon, at pag iwas sa maagang pagbubuntis.
Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy hindi lamang sa ating lugar kundi maging sa buong bansa, mahalagang mabigyan ng sapat na kaalaman at gabay ang ating kabataan lalo na sa yugto ng puberty hanggang young adulthood.
Ang programang ito ay handog ng Sangguniang Barangay ng Batino - Calamba City sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kap Joel Dimapilis katuwang ang Sangguniang Kabataan ng Batino sa pangunguna ni SK Chairman Johnlorenze Oruga.
Magsisilbing resource speakers sina:
โข Nina Mariz N. Barachina, RN, MAN
โข Germaine V. Malijan, RN
โข Dianne R. Ignacio, RM
Magkakaroon po ng lecture discussion, question and answer portion, at munting token giving mula sa ating Sangguniang Kabataan.
๐ Kita kits po tayo bukas!
โฐ 8:00 AM hanggang 12:00 NN
Sama sama po tayong matuto para sa mas ligtas, mas maalam, at mas responsableng kinabukasan ng ating kabataan.
๐ฆ ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค. ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐, ๐๐ช๐ก๐ช๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค! โจ
18/05/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐ญ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ง๐ฅ๐๐๐๐๐ข ๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ ๐จ๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐ข ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ข ๐ซก๐
Sinimulan ng Sangguniang Barangay ng Batino ang panibagong linggo sa pamamagitan ng flag raising ceremony na dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay at mga kawani ng barangay.
Matapos ang seremonya ay agad namang nagsagawa ng regular session kung saan tinalakay ang mga committee reports, updates sa mga programa at proyekto ng barangay, gayundin ang mga paghahanda para sa nalalapit na Flores de Mayo Grand Alay.
Pangungunahan nina Kap Joel Dimapilis, Kagawad Elsa Gatdula, Kagawad Leony Pamote, at Barangay Treasurer Henaro Motel, habang magsisilbing bagong Hermana naman ngayong taon si Kagawad Angelou Oรฑa.
Patuloy pong nagsisikap at nagtatrabaho ang ating mga opisyal at kawani upang masiguro ang maayos na paghahatid ng serbisyo para sa bawat Batineรฑo. Mabilis man ang paglipas ng panahon at marami pang kailangang gawin, nananatiling tuloy tuloy ang pagkilos at pagtutulungan para sa ikauunlad ng ating barangay.
๐ฆ ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค. ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐, ๐๐ช๐ก๐ช๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค! โจ
16/05/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐ญ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ข ๐ค๐ป
Nitong nakaraang Biyernes, ika-15 ng Mayo, ay matagumpay na naisagawa ang libreng tuli handog ng Sangguniang Barangay ng Batino sa pangunguna ni Kap Joel Dimapilis kung saan halos 30 kabataan ang nabigyan ng pagkakataong makalahok sa nasabing programa.
Personal ding nagbigay suporta at pakikiisa ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay bilang pagpapakita ng kanilang malasakit at paggabay sa ating mga kabataang unti-unting tumatahak sa yugto ng pagbibinata.
Nagpaabot din ng buong suporta si Konsehal Pio "Papa P" Dimapilis bilang pakikiisa sa programang naglalayong makatulong sa ating mga kabarangay.
Hindi rin pinabayaan ang ating mga kabataan bago at matapos ang operasyon dahil naghanda rin ng libreng snacks at gamot para sa lahat ng mga batang nakiisa sa programa upang makatulong sa kanilang pagpapalakas at mabawasan ang kaba at pag aalala na kanilang nararamdaman.
Katuwang din ng programa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Batino sa pangunguna ni SK Chairman Johnlorenze Oruga na nagbigay rin ng buong suporta para sa tagumpay ng aktibidad.
Ang libreng tuli ay pinangunahan ni Dra. Gieliane Baylon kasama ang mga health workers at volunteers na nagsikap upang maging maayos, ligtas, at matagumpay ang buong programa. Nakiisa rin si Nurse Cyreen na nagbigay saya at pag aalaga sa ating mga kabataan upang maging magaan at komportable ang kanilang karanasan.
Patuloy po ang paghahatid ng mga programang may malasakit para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Batineรฑo.
๐ฆ ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค. ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐, ๐๐ช๐ก๐ช๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค! โจ
14/05/2026
Yung mga nagpalista po sa ating Libreng Tuli, maaari na po kayong pumunta sa ating Barangay 8am-12nn.
13/05/2026
๐๐๐ง๐๐ก๐ข ๐๐๐ ๐ก๐๐๐๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐จ๐๐จ๐๐๐ฆ ๐ก๐ ๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐๐๐ง๐๐ฉ๐๐ง๐ฌ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐ป๐
Nitong nakaraang Lunes ay nakilahok ang mga opisyal ng Barangay Childrenโs Association ng Barangay Batino sa ginanap na opening ceremony ng Recreational Activity 2026 na may temang โ๐๐๐ ๐๐จ, ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐จ๐: ๐ฝ๐พ๐ผ, ๐ฝ๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ค๐ฎ ๐จ๐ ๐พ๐๐ก๐๐ข๐ฝ๐ผ๐๐๐๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ.โ
Ang nasabing programa ay proyekto ng City Government of Calamba sa pamamagitan ng City Social Services Department katuwang ang City Council for the Protection of Children.
Bilang bahagi ng programa, nakiisa ang ating mga masisipag at mahuhusay na BCA officers sa parada mula Jose Rizal Coliseum patungo sa venue ng opening ceremony kung saan isa isang ipinakilala ang mga kinatawan ng bawat barangay.
Kasama rin ng ating mga kabataan ang kanilang mentor na si Peace and Order Committee Chairperson Kagawad Elsa Gatdula, na patuloy na gumagabay at sumusuporta sa ating mga youth programs, sa pangunguna ni Kap Joel Dimapilis katuwang ang buong Sangguniang Barangay ng Batino.
Ang Recreational Activity 2026 ay inaasahang magtatagal hanggang katapusan ng buwan ng Mayo at magsisilbing oportunidad upang maipakita ng ating mga kabataan ang kanilang talento, disiplina, pakikipagkaisa, at sportsmanship.
Abangan din po ang iba pang schedule ng mga aktibidad na iaanunsyo ng lungsod, kabilang ang ilan sa mga sports events na gaganapin mismo sa Batino Covered Court kasama ang iba pang barangay sa ating cluster.
๐ฆ ๐๐๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค. ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐, ๐๐ช๐ก๐ช๐ฎ-๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐จ๐๐ฃ๐จ๐ค! โจ