28/03/2026
MILITAR SA PAMANTASAN, PALAYASIN!
HANDS OFF UCC!
DEFEND ACAD FREEDOM!
Sa ika-12 na training day ng University of Caloocan City ROTC Unit noong ika-Marso 24, dumalo at nagbigay ng lecture ang NTF-ELCAC tungkol sa Executive Order 70: Call to Action na isang whole-of-nation approach para di umano’y alisin ang mga “communist insurgents” sa unibersidad. Kasama sa whole-of-nation approach ay ang paniniktik sa mga aktibista, at maging sa mga mag-aaral na bumoboses lamang laban sa mga kamalian sa loob ng pamantasan, at ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon ng NTF-ELCAC at ng NICA-NCR tungkol sa mga legal at progresibong mga organisasyong pangkabataan at ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
Hindi na bago sa loob ng UCC ang pagkontrol ng administrasyon sa kalayaan ng mag-aaral sa pagpapahayag at pag-oorganisa. Malala ang pagsakal sa mga karapatang pang-estudyante sa loob ng pamantasan, personal man o sa online. At sa pagpasok ng NTF-ELCAC sa loob ng UCC, mas malala ang magiging represyon sa mga mag-aaral na bumuboses lamang sa mga kamalian at problema ng unibersidad.
Kaysa i-prioritize ng administrasyon ang paniniktik at pananakot sa mga mag-aaral sa tulong ng NTF-ELCAC, mas dapat na bigyang pansin ang mga kagyat na pangangailangan kagaya ng maayos at kumpletong pasilidad, espasyo para sa malayang pagpapahayag, pag-alis ng mga enrolment fees. Hindi dapat natatakot ang mga UCCians na magpahayag at makialam sa mga isyung panlipunan.
Tinatawagan ng LFS-UCC ang mga UCCians na tumindig laban sa presensya ng militar at ng NTF-ELCAC sa loob ng pamantasan, at ang konseho ng mga mag-aaral at mga kaguruan na ipagtanggol ang espasyo at kalayaan ng mga mag-aaral para sa makabuluhan at malayang pag-aaral, dayalogo at pakikibaka. Itaguyod ang mga karapatan ng mga mag-aaral at isulong ang kalayaan sa pagpapahayag at academic freedom.
MILITAR SA PAMANTASAN, PALAYASIN!
DEFEND ACAD FREEDOM!
JOIN LFS-UCC!
https://forms.gle/i4wvUxrA9fdUvFpVA
22/03/2026
"Everything is Normal" ika nga ni BBM sa gitna ng krisis sa langis dala ng imperyalismong US kasapakat ang Zionistang Israel laban sa Iran, target ng imperyalismong US ang derektang kontrol sa natural gas at minerals ng Iran na hindi kaylanman isusuko ng Iran. Nag udyok ang pang-bubully ng US at nag pakawala ng missile sa Iran kung saan higit kumulang 80 bata ang nasawi, habang 1000 mamamayan sa Middle East ang sumasalo sa gerang agresyon, humantong ang palitan ng missile hanggang sa karatig na alyansa ng US na merong base militar.
Habang tagibang ang pahayag ni Ferdinand Marcos Jr. Na nag-aadjust palang ang bansa sa harap ng pag-sirit ng presyo ng langis at ito ay "Normal" sa kabila ng labis na ang pag taas ng presyo ng mga bilihin, kaakibat rin ang pag taas ng pangunahing pagkain at transportasyon. Nag bibingi-bingihan ang rehimeng Marcos Jr. sa hiling ng sektor ng transportasyon na kagyat aksyonan ang pagtanggal ng EVAT kung saan 12% na pinapataw ng dayuhang kartel ng mga monopolyo kapitalista na lalong nag papahirap sa harap ng krisis panglipunan.
Walang balak ibasura ang Oil Deregulation Law na pangunahing dalihan ng walang rendang pagtaas ng presyo ng langis anumang oras gustuhin ng mga kartel sa banda. Ang Excise Tax na pangakong suspensyon ni Marcos Jr. sa produktong petrolyo ay hindi sapat, lalo na hindi ramdam ng mamamayan ang pinatutunguhan ng mga buwis, hindi sapat ang serbisyong panlipunan, kinukurakot ng mga burukrata kapitalista na lalong pahirap at nagsasamantala.
Palpak ang panukalang 'magtipid sa kunsomo ng enerhiya at petrolyo' sa four day work-week sa mga manggagawa, na ang iba ay kumakaharap sa 'no work no pay' at iba pang iskema ng neoliberal na pulisiya sa paggawa. Napipilitang sundin na lamang ito ng mga Manggagawa. Samantalang nagpapakasasa ang rehimeng Marcos Jr. sa mga grandyosong paglustay sa kaban ng bayan.
Ito ang lalong magtutulak sa Masang Anakpawis na magkaisa, iturol ang kainutilan sa papet at pahirap na si BBM. Makatuwiran ang sama-samang pagkilos ng Mamamayan para irehistro ang kagyat na pangangailangan at kahingian sa estado. Bubuhos pa ang protestang bayan dala ng sumisidhing kahirapan sa ilalim ng rehimeng US-Marcos Jr.
# # #