27/10/2023
Handang handa na po kami na kayo ay paglingkuran at pagserbisyuhan mga mahal naming residente ng ating Barangay. Andito po ang Team Cocoy para sa inyo. Serbisyo publiko aming iaalay sa inyo ng buong puso. Basta Team Cocoy, Responsable at Maaasahan π₯°π₯°π₯°
26/10/2023
Ang atin pong mga kagawad na bumubuo ng Team Cocoy na handa kayong paglingkuran ng buong puso. Atin po silang suportahan sa darating na halalan sa Oktubre 30, 2023.. Maraming salamat po! βΊοΈβΊοΈβΊοΈ
21/10/2023
Plataporma na aking tutuparin at ng bumubuo ng Team COCOY. Ito ay aming maisasakatuparan sa inyo pong pagtulong at suporta sa darating na halalan sa Oktubre 30, 2023. Asahan po ninyo na ang bawat isa sa amin ay handa kayong paglingkuran ng buong puso at walang pag aalinlangan. ππ
19/10/2023
Dito sigurado tayo! Ang maglilingkod sa inyo ng buong puso. Matuwid at matino ang pagkatao. Kay Rico COCOY Martinez ang buong Barangay ang tunay na panalo. Sa darating na halalan isulat po natin sa ating balota bilang ating Punong Barangay..
18/10/2023
Sa pagsisimula ng araw ng pangangampanya, siguradong ang lahat ng mga kalahok sa darating na eleksyon ay may mga ipapangako po sa inyo na maganda sa inyong pandinig. Tayo po ay maging matalino at mapagmatyag. Kilatisin natin ang bawat kandidato. Ang inyong boto ay mahalaga. Ito ay hindi ipinagbibili. Ito ay isa sa magiging sukatan ng inyong pagkatao sa darating na halalan. Huwag magpaloko. Huwag maging kasangkapan ng mga kandidato na ang tunay na hangarin ay pansarili lamang. Ipagkatiwala natin ang ating mga boto sa mga kandidato na nasa puso ang tunay na paglilingkod. Ang boto mo ang magiging daan sa maayos at maunlad na Barangay. Magtulungan po tayo. Kayo ang may tunay na kapangyarihan kung gusto natin ng isang maayos at maunlad na Barangay. Iluklok natin sa pwesto ang mga karapat dapat. Inyo pong pakatandaan na sa darating na eleksyon na ANG AKING BOTO ANG SUMASALAMIN SA AKING PAGKATAO! Mula po sa TEAM COCOY, hangad po namin ang maayos at patas na labanan sa darating na eleksyon. πππ