14/06/2026
ππΌπππ π½πππππΏπΌπ πΎπππ. ππΎπΌ ππΌππΌππππΌπ! π§‘
Sa likod ng inyong mahabang panahon ng paglilingkod ay ang inspirasyon, malasakit at Tao ang Una na patuloy na nagbibigay pag-asa sa mga mamamayan ng Caloocan.
Nawaβy pagpalain po kayo ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at marami pang taon ng makabuluhang serbisyo para sa ating lungsod.
ππΌπππ π½πππππΏπΌπ, πΎπππ. ππΎπΌ!ππ
Patuloy po kayong maging gabay at inspirasyon sa bawat Batang Kankaloo! π§‘
12/06/2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, nakibahagi si Coun. Bea Cruz Hedreyda, SK Federation President, sa ginanap na seremonya sa Bonifacio Monument nitong Hunyo 12, 2026.
Kasama ang ibaβt ibang sektor ng komunidad, ating ipakita ang pagpapahalaga sa sakripisyo at kabayanihan ng ating mga ninuno na nagbigay-daan sa kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Mabuhay ang kabataang Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas! π΅π
11/06/2026
ππ€π-πππ ππππ ππ ππππππππ π΅π
Ngayong ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, ating alalahanin at parangalan ang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Nawaβy magsilbi itong paalala na ang tunay na diwa ng kalayaan ay hindi lamang nasa kasaysayan, kundi nasa bawat mamamayang handang maglingkod, magkaisa, at mahalin ang ating bansa.
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! π΅πβ¨
06/06/2026
πππππ-πππππππ πππππ
Sa pangunguna ng ating SK Chairwoman, Hon. Bea Cruz Hedreyda, matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 35 ang pamamahagi ng libreng school supplies para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang College noong June 5, 2026 sa Maypajo Elementary School.
Kabuuang 1,500 na estudyante ang naging benepisyaryo ng programang ito bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng SK 35 sa edukasyon at kinabukasan ng kabataang Trenta'y Singko.
Nawaβy magsilbing tulong at inspirasyon ang munting handog na ito upang mas maging handa at masigasig ang ating mga mag-aaral sa panibagong taon ng pag-aaral.
Edukasyon ang susi sa tagumpay, at ang SK Barangay 35 ay patuloy na kaagapay ng kabataan sa kanilang pag-abot ng kanilang mga pangarap. πβ¨
Patas-pataas tayo mga Kabataan!π©·
05/06/2026
ππππππππππππ:
β
βPara po sa mga naka register na at may stub para sa ating libreng school supplies na hindi naka kuha sakanilang nakatakdang schedule ngayong araw, maaari nyo pong makuha ang inyong school supplies sa sabado hanggang linggo lamang, sa bahay ng ating SK Chairwoman Bea Cruz Hedreyda sa ganap na 3:00 PM
β
ββΌοΈPAALALA:
β
βAng mga benepisyaryo na hindi makakakuha hanggang linggo ay hindi na pwedeng kumuha pa.
β
βMaraming salamat po at kita-kits tayo! π©·
β
β
03/06/2026
ππππππππππππ:
Narito na po ang schedule ng pamamahagi ng Libreng School Supplies 2026 handog ng Sangguniang Kabataan Barangay 35.
π
June 05, 2026 (Friday)
π Maypajo Elementary School
Inaanyayahan po ang lahat ng mga benepisyaryo na sumunod sa nakatakdang schedule ng pagkuha ng school supplies upang maging maayos, mabilis, at organisado ang proseso ng distribusyon.
π Para sa mga nais pang magparegister, ang mga natitirang available slots ay para lamang sa:
β’ Grade 1 & Grade 2
β’ Grade 7 β Grade 10
β’ College Students
Magtungo lamang po sa SK Office, 2:00 - 7:00 PM para sa inyong registration habang may natitirang slots pa.
Maraming salamat po at kita-kits tayo! π©·
03/06/2026
πππππ-πππππππ ππππ π
Sa pangunguna ng ating SK Chairwoman, Hon. Bea Cruz Hedreyda, matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 35 ang pamamahagi ng school supplies sa mga mag-aaral ng Kinder, Grade 1, at Grade 2 ng Maypajo Elementary School ngayong araw, June 3, 2026. Kabuuang 250 na estudyante ang naging benepisyaryo ng programang ito bilang bahagi ng ating patuloy na suporta sa edukasyon ng kabataan.
Ang inisyatibong ito ay naglalayong makatulong sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa panibagong taon ng pag-aaral at magsilbing inspirasyon upang lalo silang magsikap sa kanilang pag-aaral.
π’ PAALALA: Abangan ang mga susunod na anunsyo ukol sa distribusyon ng school supplies para sa mga elementary, junior high school, senior high school, at college students na residente ng Barangay 35.
Patuloy na nagsusumikap ang SK Barangay 35 na makapaghatid ng mas malawak at makabuluhang serbisyong pang-edukasyon para sa ating kabataan.
Patas-pataas tayo mga Kabataan!π©·
02/06/2026
ππππππππππππ:
Narito na po ang schedule ng pamamahagi ng stubs para sa libreng school supplies 2026 handog ng Sangguniang Kabataan 35.
π
June 03, 2026 (Wednesday)
πSK 35 Office, Barangay 35 Hall, Second Floor
πMagdala lamang po ng Valid ID ng guardian or ng Studyante
Inaanyayahan po ang lahat na sumunod sa nakatakdang schedule ng pagkuha ng stub upang maging maayos at mabilis ang proseso ng distribusyon.
Maraming Salamat and kita-kits po tayo bukas!π©·
01/06/2026
Hindi kailangang magpaliwanag para tanggapin. Hindi kailangang magbago para mahalin. Sa mundong puno ng ibaβt ibang kulay, bawat isa ay may karapatang maging totoo sa sarili.
Ngayong Pride Month, ipinagdiriwang natin ang tapang ng bawat taong piniling mabuhay nang may dignidad, pagmamahal, at pagmamalaki. β€οΈ
Bahagi kami. Bahagi ka. Bahagi tayo ng isang komunidad na naniniwalang ang pagmamahal ay para sa lahat. Happy Pride Month! πβ¨
29/05/2026
ππππππππππππ:
Ang ating bagong registration schedule para sa libreng school supplies ay:
π 2:00 PM β 6:00 PM lamang sa SK Office, Barangay 35 Hall
βΌοΈ PAALALA:
STRICTLY 1 BENEFICIARY PER FAMILY upang mas marami tayong kabataang matulungan at mabigyan ng school supplies.
Maraming salamat po!