๐ด๐๐๐๐ | Tunghayan at tutukan ang opisyal na paglulunsad ng Malinis at Masaganang Katubigan (MMK 2.0) dito lamang sa BFAR Philippines.
Sa pakikipagtulungan ng DA-BFAR at ng local government unit ng Lobo ay muli nating masasaksihan ang panibagong yugto sa programang kumikilala sa mga natatanging komunidad na puspusang inaalagaan at pinoprotektahan ang kanilang katubigan.
Tumutok. Makinig. At maging bahagi ng MMK 2.0!
2.0
BFAR - National Capital Region
The Official page of the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources - National Capital Region
27/05/2026
๐๐ถ๐๐ต๐ฒ๐ฟ๐ณ๐ผ๐น๐ธ ๐ช๐ฒ๐น๐น๐ป๐ฒ๐๐ ๐๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎรฑ๐ฎ๐พ๐๐ฒ, ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฅ-๐ก๐๐ฅ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ
Mayo 25, 2026 - Bilang bahagi ng pangdiriwang ng Buwan ng Magsasaka at Mangingisda, sa ilalim ng Mangingisdang Direktor Program, matagupay na naisagawa ng BFAR-NCR ang Fisherfolk Wellness Program para sa mga rehistradong manginigsda sa Paranaque, kasabay ito ng inisyatiba ng City Agriculture, Fisheries, and Aquatic Resources Office na โLinggo ng Mangingisdaโ sa Paraรฑaque Fishermanโs Wharf.
Layunin ng aktibidad na isulong ang kapakanan at kalusugan ng mga mangingisda sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan at suporta na madaling maabot ng mga rehistradong mangingisda sa Lungsod ng Paraรฑaque. Nakiisa rin ang Philippine National Police ng Paraรฑaque City sa nasabing aktibidad.
Hinikayat naman ni RFD Jose Cabanza Jr. ang kanyang kapwa mangingisda na aktibong suportahan at makilahok sa mga programa at aktibidad na nagtataguyod ng kanilang kapakanan dahil ang pagkakaisa at kooperasyon sa gitna ng mga mangingisda at pamahalaan ay susi tungo sa mas maunlad na sektor ng pangisdaan sa rehiyon.
Binigyang diin ni BFAR-NCR Regional Director Noemi SB Lanzuela ang pauloy na pangako ng tanggapan sa tunay na pag-aaruga at pagsuporta sa kapakanan ng mga komunidad ng mangingisda. Ibinahagi rin niya ang ibaโt ibang programa at interbensyon ng BFAR-NCR na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mangingisda, mapabuti ang kanilang kabuhayan, at mapalakas ang mga serbisyong suporta sa National Capital Region.
Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi rin ng mga Information, Education, and Communication (IEC) materials at nagsagawa ng oryentasyon tungkol sa Fisheries Scholarship Program upang mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa mga oportunidad sa edukasyon para sa mga mangingisda at kanilang mga pamilya.
Nagkaroon din ng libreng legal consultation sa pamamagitan ni Atty. Arnulfo Balace, na tumugon sa mga suliranin ng mga mangingisda at nagbigay ng legal na gabay at tulong.
Upang higit pang maisulong ang wellness at self-care, nakipagpartner ang BFAR-NCR sa TESDA-NCR, sa pamamagitan ng Paraรฑaque Livelihood Resource Management Office, sa pagbibigay ng libreng wellness at grooming services tulad ng masahe, manicure-pedicure, at haircut para sa mga kalahok na mangingisda.
โ๐๐ข๐ญ๐ข๐ฌ๐ช๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฐ ๐ช๐ต๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ด๐ช ๐ฌ๐ข๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฏ๐จ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ด๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐จ๐ช๐ด๐ฅ๐ข ๐ฅ๐ช๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐๐ข๐ณ๐ขรฑ๐ข๐ฒ๐ถ๐ฆ. ๐๐ข๐ณ๐ข๐ฎ๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ต ๐ด๐ข ๐๐๐๐-๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ฌ๐ข๐ฉ๐ช๐ต ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐บ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ด๐ข ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ, ๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช๐ฃ๐ช๐จ๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐ช๐ฏ๐บ๐ฐ ๐ฌ๐ข๐ฎ๐ช ๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ,โ pahayag ng isa sa mga mangingisda.
Naging positibo ang pagtanggap ng mga mangingisda sa nasabing aktibidad, na sumasalamin sa patuloy na dedikasyon ng BFAR-NCR at ng mga katuwang nitong ahensya sa pagsusulong ng kapakanan, at pagpapaunlad ng mga komunidad ng mangingisda sa Metro Manila. # (JFB)
26/05/2026
Please hit LIKE (๐) to support the NCR's Pride, True Gold Lies Beneath by Ms. Myth Aera Lambot!
-------
The 11 project-covered regions have officially chosen their standout sculptures for the national competition of !
Now, itโs your turn, netizens, to help etch in stone which masterpiece truly stands above the rest.
Which among these 11 remarkable sculptures best embodies the vision of the Project โ promoting food security, ecosystem resilience, and sustainable communities?
Mechanics for voting:
1. Follow the (pls tag the page) BFAR Philippines page
2. Hit the like ๐ button of your favorite artwork
3. Share to hype up your fave!
๐ ๐๐๐๐ (๐) ๐๐๐๐๐๐๐๐ = ๐ ๐๐๐๐
Voting closes on May 27, 2026 | 12MN.
ARTIST: Myth Aera Lambot
TITLE: โTrue Gold Lies Beneathโ
DESCRIPTION: This vertically arranged mixed-media sculpture highlights the hidden significance of marine life and the people who rely on it. This artwork, which is constructed in stacked cube shapes, visually moves from surface to depth, starting above a mangrove and descending into an abundance of aquatic life. In essence, it demonstrates that ecosystems' capacity to renew and sustain future generations is what resilience is all about.
21/05/2026
๐ด๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ผ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐:
๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ ๐๐ฎ๐ป๐๐๐ฒ๐น๐ฎ, ๐ก๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda at bilang suporta sa pagpapatupad ng Mangingisdang Direktor Program, nagsagawa ng makabuluhang immersion activity si BFAR-NCR Regional Director Dr. Noemi SB. Lanzuela kasama ang komunidad ng mga mangingisda sa Lungsod ng Paraรฑaque.
Layunin ng naturang immersion na higit na mapalalim ang pag-unawa ng ahensya sa tunay na kalagayan, pangangailangan, at mga hamong kinahaharap ng sektor ng pangisdaan, partikular ng maliliit na mangingisda sa rehiyon.
Sa kaniyang pagbisita, personal na nakadaupang-palad ni RD Lanzuela ang mga lokal na mangingisda, magtatahong, at mga fish vendor sa kilalang Bulungan sa Paraรฑaque. Dito ay nakinig siya sa mga hinaing, karanasan, at mungkahi ng mga stakeholder hinggil sa kanilang kabuhayan, presyo ng isda, epekto ng pagbabago ng panahon, at iba pang suliraning kinahaharap ng sektor. Kabilang na dito ang pagpapalawak ng istruktura ng fishermenโs wharf upang mas maraming manininda pa sa bulungan ang makinabang.
Kabaliktaran ng pangalan na Bulungan, ramdam na agad sa madaling araw ang ingay at sigla ng lugar, mga sigawan sa bentahan, kalansing ng timbangan, at tawaran ng sariwang huli mula sa dagat. Ngunit sa likod ng masiglang tagpong ito ay naroon ang tahimik na kwento ng sakripisyo at pakikipagsapalaran ng mga taong umaasa sa biyaya ng dagat.
Bukod dito, nagtungo rin si RD Lanzuela sa mga saprahan at tahungan sa Manila Bay upang personal na masaksihan ang aktwal na operasyon at kondisyon ng mga mangingisda sa lungsod. Ayon sa kanila, walang oras at panahon ang kanilang paghahanapbuhay, sinusuong nila ang malamig na tubig at hangin tuwing gabi at madaling-araw o kaya naman tinitiis ang matinding init ng araw upang mangolekta ng tahong at maghango ng huling isda mula sa mga sapra.
Sa kabila ng matinding hirap at panganib na kaakibat ng kanilang trabaho, patuloy silang nagsasakripisyo at nagsusumikap upang may maihain sa hapag-kainan at maitaguyod ang kinabukasan ng kanilang pamilya.
Damang-dama ni RD Lanzuela ang mga hamon na kinahaharap ng mga magtatahong at magsasapra kabilang na ang epekto ng reklamasyon na sanhi ng pagbabago sa kalidad ng tubig at nakaaapekto sa kanilang produksyon at kabuhayan.
Samantala, nakiisa rin si RD Lanzuela sa isinagawang retrieval operation ng invasive species sa Laguna de Bay sa bahagi ng Muntinlupa City. Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Lake Management Office (LMO) at City Fisheries and Aquatic Resources Management Councils (CFARMCs) ng Lungsod ng Muntinlupa sa ilalim ng programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL).
Sa kabuuan, narekober ang 578.5 kilogram ng Janitor Fish at 621.5 kilogram ng Knife Fish na kilalang parehong nakapipinsala sa natural na ecosystem ng Laguna de Bay.
Higit pa sa isang simpleng immersion, naging daan ito upang mas mapalapit ang ahensya sa tunay na kalagayan ng mga mangingisda at makapaglatag ng mas epektibo at sustenableng mga programa at polisiya para sa sektor ng pangisdaan. #
21/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ค๐ข ๐ง๐ ๐ญ๐ข๐ฅ๐๐ฉ๐ข๐ ๐๐ญ ๐ก๐ข๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ช๐ฎ๐๐ฉ๐จ๐ง๐ข๐๐ฌ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐
๐๐-๐๐๐ ๐ง๐จ๐จ๐ง๐ ๐ข๐ค๐-๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐จ ๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐
๐๐-๐๐๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฅ.
Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng Bureau of Jail Management and Penology - National Capital Region (BJMP-NCR) na mabigyan ng kaalaman ang kanilang mga tauhan hinggil sa sustenableng paraan ng pagpapalaki ng isda na maaari nilang maituro sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL), gayundin bilang alternatibong kabuhayan pagdating ng kanilang retirement.
Nagsilbing mga resource speaker sina G. Errol P. Tiburcio at G. Mars D. Matillano ng Fisheries Production Section, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman ukol sa tamang pamamahala ng aquaponics system, pag-aalaga ng tilapia at hito, at mga praktikal na pamamaraan upang mapanatili ang ligtas, episyente, at sustenableng produksyon ng isda at gulay.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinabatid ni JGSUPT Baby Noel P. Montalvo sa BFAR-NCR, sa pamumuno ni Regional Director Noemi SB. Lanzuela, dahil sa suporta at kaalamang ibinahagi ng opisina upang mapalawak ang kakayahan ng mga BJMP-NCR personnel. Umaasa rin silang sa tulong ng mga ganitong pagsasanay, mapapagtibay ang balikatan at ugnayan ng dalawang ahensya para sa pagsusulong ng mga programang pangkabuhayan at pangkaunlaran.
20/05/2026
๐๐๐๐ฅ-๐ก๐๐ฅ, ๐ป๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ ๐๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐ณ๐ฒ๐๐ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ผ๐ฐ๐ผ๐น๐ ๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎรฑ๐ฎ๐พ๐๐ฒ ๐๐ถ๐๐
Mayo 12โ13, 2026 - Nagsagawa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources โ National Capital Region (BFAR-NCR) ng isang komprehensibong pagsasanay ukol sa operational safety protocols para sa mga Bantay Dagat at mga kinatawan ng LGU-Paraรฑaque sa Fisherman Wharf, Paraรฑaque City.
Layunin ng pagsasanay na palalimin ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa mga operational risks, palakasin ang koordinasyon sa mga law enforcement agencies, at tiyaking naipatutupad nang maayos ang mga batas pangisdaan nang may paggalang sa karapatang pantao.
Buong pusong pasasalamat ang ipinaabot ni G. Jose N. Cabanza, Jr., Regional Fisherfolk Director ng BFAR-NCR, sa lahat ng nakilahok at sa tanggapan ng BFAR-NCR sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad. Binigyang-diin niya na malaking tulong ang nasabing pagsasanay upang higit pang mapahusay ang kakayahan ng mga tagapagpatupad ng batas. Hinikayat din niya ang mga kalahok na isaisip at isapuso ang kanilang mga natutunan upang maging mas epektibo at responsableng law enforcers.
Dumalo rin sa nasabing pagsasanay si Regional Director Noemi SB. Lanzuela at nagpahayag ng kanyang buong suporta sa mga Bantay Dagat at LGU-Paraรฑaque na patuloy na ginagampanan ang kanilang mahalagang tungkulin bilang katuwang ng ahensya sa pangangalaga ng ating yamang tubig sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas pangisdaan.
Nagbahagi ng kanilang kaalaman sina G. Ohjee V. Cabilogan, OIC ng Enforcement and Regional Monitoring, Control and Surveillance Operation Center (ERMCSOC), at ang kanyang staff na si Mr. Arman S. Cabanig hinggil sa overview ng fishery laws and regulations, fish examination, at mga wastong hakbang na dapat isagawa sa panahon ng operasyon.
Nagkaroon din ng hands-on fish identification at examination ang mga kalahok upang higit pang mapalalim ang kanilang kaalaman sa pagtukoy ng mga isdang nahuli sa ilegal na pamamaraan. Bumisita rin ang mga kalahok sa bulungan kasama si RD Lanzuela upang obserbahan ang ibaโt ibang uri ng isdang ibinebenta rito at mas maunawaan ang operasyon at sistemang umiiral sa nasabing pamilihan. #
๐๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐ข๐ค!
Ang programang nilahukan ng mga baybaying-komunidad sa buong bansa, aarangkada na rin sa iba pang anyong-katubigan.
๐๐๐๐ง๐ ๐๐ง.
19/05/2026
Shellfish Bulletin No. 11
Series of 2026
16 May 2026
Shellfishes collected and tested from Dumanquillas Bay in Zamboanga del Sur; Tantanang Bay in Zamboanga Sibugay Province; Matarinao Bay in Eastern Samar; Coastal waters of Bolinao and Anda in Pangasinan; and coastal waters of Daram, Samar are ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ for Paralytic Shellfish Poison (PSP) or toxic red tide that is beyond the regulatory limit. Moreover, Panguil Bay in Misamis Occidental and Lanao Del Norte are now positive for red tide toxin.
All types of shellfish and ๐จ๐๐๐๐๐ ๐๐. or alamang gathered from these areas are ๐๐๐ ๐๐๐
๐ for human consumption.
Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking.
19/05/2026
๐๐๐๐ฅ-๐ก๐๐ฅ, ๐๐๐จ-๐ ๐๐ป๐๐ถ๐ป๐น๐๐ฝ๐ฎ, ๐๐๐๐ฅ๐ ๐๐ ๐ป๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐ฝ๐ถ๐น ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ณ๐ถ๐๐ต ๐๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ ๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฒ๐ธ๐ผ๐น๐ผ๐ต๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ฒ ๐๐ฎ๐
Mayo 13-14, 2026 - Matagumpay na naipatupad ang aktibidad na "Purchase and Retrieval of Invasive Fish Species" sa pamamagitan ng pagtutulungan ng BFAR-NCR, Lake Management Office (LMO), at City Fisheries and Aquatic Resources Management Councils (CFARMCs) ng Lungsod ng Muntinlupa sa ilalim ng programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL).
Pinangasiwaan nina Regional Director Noemi SB. Lanzuela at Lorna B. Misa, OIC ng Lake Management Office, ang nasabing ugnayan na naglalayong tiyakin ang pagpapanatili ng balanse na ekolohiya sa Laguna de Bay.
Isinagawa ang aktibidad sa dalawang magkahiwalay na yugto. Una, nagsimula ito sa "Retrieval and Disposal Phase" noong Mayo 13, kung saan ang mga rehistradong mangingisda mula sa lokal na komunidad ang mismong nanguna sa paghuli ng mga mapaminsalang uri ng isda sa lawa. Sa unang araw, kabuuang 1.2 toneladang invasive species ang matagumpay na nakuha na binubuo ng 578.5 kg ng Janitor Fish at 621.5 kg ng Knife Fish.
Upang matiyak na hindi na makabalik at makapinsala pa sa natural na tirahan ng mga isda, agad na ibinaon ang mga Janitor fish sa isang itinalagang lugar. Samantala, dinala naman ang mga nakolektang Knife fish sa National Inland Fisheries Technology Center (NIFTC) sa Tanay, Rizal. Ang mga ito ay opisyal na ipinagkaloob ng BFAR-NCR upang iproseso at gawing kapaki-pakinabang na pakain sa isda (fish feeds).
Ginanap naman nitong Mayo 14 ang ikalawang yugto na nakatutok sa "Disbursement of Funds" para sa mga nakilahok na mangingisda. Ang operasyong pinansyal na ito ay pinamunuan ni Gng. Divina Arlene M. Gillego, OIC ng Cashier Section ng BFAR-NCR. Pangunahing layunin ng bahaging ito na matiyak na ang bawat kalahok ay makatatanggap ng kaukulang insentibong salapi batay sa binitawang timbang ng kanilang huli, na kung saan ay isinabay na rin ang pamamahagi ng bayad para sa programang Cash-for-Work na nagbigay ng direktang suportang pangkabuhayan para sa lokal na komunidad ng mga mangingisda. # (AKP)
15/05/2026
The World Bank, in collaboration with the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), invites you to the webinar, โ๐๐ฅ๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ฌ๐ฌ๐จ๐๐ข๐๐ญ๐๐ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐๐จ๐๐ฌ๐ญ๐๐ฅ ๐
๐ข๐ฌ๐ก๐๐ซ๐ข๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ,โ on 20 May 2026, from 8:30 AM โ 10:00 AM via Microsoft Teams.
The webinar will present key findings and recommendations from the National Baseline Assessment Reports on Marine Plastics Associated with Coastal Fisheries and Mariculture in the Philippines, providing essential data on Abandoned, Lost, or otherwise Discarded Fishing Gear (ALDFG) to support the FishCoRe Projectโs initiatives in addressing plastic pollution.
Topics include:
โข Marine plastic pollution in coastal fisheries and mariculture
โข ALDFG management and mitigation
โข Fisheries management and landing-site interventions
โข Gear retrieval, recycling, and waste management initiatives
โข Opportunities for sustainable fisheries and blue economy development
The session will feature Mr. Milen Dyoulgerov Vollen, World Bank Senior Environmental Specialist, who will share insights on marine debris mitigation and sustainable coastal resource management.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Cubao
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
