Land Transportation Office Region XI

Land Transportation Office Region XI

Share

The official page of LTO Region XI (Davao)

24/06/2026

π‹π“πŽ π‚π‡πˆπ„π…, 𝐍𝐀𝐆-π”π“πŽπ’ 𝐍𝐆 𝐀𝐆𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆 π€πŠπ’π˜πŽπ 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 π•πˆπ‘π€π‹ 𝐍𝐀 𝐄-ππˆπŠπ„ π‘πˆπƒπ„π‘ 𝐒𝐀 𝐄𝐃𝐒𝐀; π‘πˆπƒπ„π‘, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π”πππŽπ„ππ€ πƒπ€π‡πˆπ‹ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐁𝐀𝐆 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐓𝐀𝐒-π“π‘π€ππˆπŠπŽ

Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga iresponsableng motorista at rider na lumalabag sa mga batas-trapiko, muling umaksyon ang Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng pag-isyu ng subpoena laban sa rider ng isang NXT E-Bike na nakuhanan sa isang viral video habang bumibiyahe sa EDSA nang walang suot na standard protective helmet, walang side mirrors, walang nakikitang plaka, at gumagamit pa ng handheld gadget habang nagmamaneho.

Matapos makarating sa LTO ang video ng naturang insidente na in-upload sa page na β€œWEKI,” agad na ipinag-utos ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang beripikasyon at imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng rider at mapanagot ito sa mga posibleng paglabag sa umiiral na mga batas at regulasyon ng ahensya.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Intelligence and Investigation Division (IID), makikita sa video footage na ang rider ay nagpapatakbo ng naturang NXT E-Bike sa kahabaan ng EDSA nang walang suot na standard protective helmet. Napag-alaman din na ang sasakyan ay walang nakakabit na side mirrors, isang mahalagang kagamitang nakatutulong upang matiyak ang ligtas na pagmamanman sa paligid habang nasa kalsada.

Bukod dito, habang umaandar ang sasakyan ay gumagamit ang rider ng handheld gadget upang magrekord ng video, dahilan upang isang kamay lamang ang nakahawak sa manibela. Ang naturang gawain ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng rider na makontrol nang maayos ang sasakyan at magdulot ng panganib hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati sa ibang gumagamit ng kalsada.

Sa karagdagang beripikasyon, natukoy rin na ang naturang e-bike ay ginagamit sa pampublikong lansangan nang walang nakikitang plaka, na maaaring paglabag sa mga umiiral na regulasyon hinggil sa pagpaparehistro at wastong pagkakakilanlan ng mga sasakyang pinahihintulutang bumiyahe sa mga pangunahing lansangan.

Dahil dito, agad na inisyuhan ng LTO ng subpoena ang naturang rider at inaatasan na humarap sa tanggapan ng IID ng LTO at magsumite ng sinumpaang salaysay o paliwanag sa itinakdang pagdinig upang sagutin ang mga posibleng paglabag kaugnay ng insidente. Inatasan din ang rider na magdala ng mga kaukulang dokumento na may kaugnayan sa rehistro ng naturang sasakyan.

β€œAng pagmamaneho ay may kaakibat na pananagutan. Hindi sapat na marunong magmaneho, mahalaga ring marunong sumunod sa batas at magpakita ng disiplina sa kalsada. Ang sinumang hayagang magwawalang-bahala sa ating mga umiiral na batas at regulasyon ay pananagutin ng LTO,” pahayag ni Assistant Secretary Lacanilao.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng insidente ng iresponsableng pagmamaneho, nananawagan ang ahensya ng mas mataas na antas ng disiplina at malasakit mula sa bawat motorista. Ang kalsada ay hindi lugar para sa eksperimento o kapabayaan. Patuloy na paiigtingin ng LTO ang pagpapatupad ng mga batas-trapiko upang matiyak na ang bawat paglalakbay sa lansangan ay ligtas at may disiplina.

https://www.facebook.com/share/p/1F7xkStfob/

πƒπ‘π€π˜ππ„π‘ 𝐀𝐓 π‘π„π‡πˆπ’π“π‘π€πƒπŽππ† πŒπ€π˜-π€π‘πˆ 𝐍𝐆 π’π€π’π€πŠπ˜π€π 𝐍𝐀 ππ€πŒπ€π“π€π€ππ† πŒπ€π˜ ππ€π’π€π‡π„π‘πŽππ† ππ€πŠπ€π’π€πŠπ€π˜ 𝐒𝐀 π‘πŽπŽπ… π‘π€π‚πŠ, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Sa pangunguna ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, pinatawan ng Show Cause Order (SCO) ang drayber at rehistradong may-ari ng isang sasakyan kaugnay ng kumakalat na viral video kung saan makikitang may mga pasaherong nakasakay sa ibabaw o roof rack ng naturang sasakyan habang bumibiyahe sa kalsada.

Batay sa video, makikita ang isang sasakyan na binabaybay ang kahabaan ng kalsada habang may sakay na dalawang pasahero sa mismong roof rack nito, isang malinaw na paglabag na naglalagay sa panganib hindi lamang sa mga sakay kundi maging sa iba pang mga motorista at road users.

Matapos ang isinagawang beripikasyon, agad na naglabas ang LTO ng SCO laban sa drayber at rehistradong may-ari ng sasakyan upang pagpaliwanagin sila hinggil sa nasabing insidente at sa mga posibleng paglabag sa umiiral na batas at regulasyon sa lansangan.

β€œHindi natin papayagan ang anumang sitwasyon sa kalsada na maaaring magdulot ng trahedya sa ating mga motorista at pasahero. Sa abot ng ating makakaya, kikilos ang LTO upang mapigilan ang ganitong uri ng delikadong gawain at mapanagot ang mga lumalabag sa batas,” pahayag ni Assistant Secretary Lacanilao.

Ayon sa LTO, inatasan na ang Intelligence and Investigation Division (IID) na harapin ang mga sangkot sa insidente at obligahin ang mga ito na magsumite ng sinumpaang salaysay kaugnay ng mga reklamong kinahaharap nila. Kabilang sa mga paglabag na kanilang sasagutin ay ang Reckless Driving, Hitching o pagsasakay sa ibabaw ng sasakyan, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, iniutos din ng LTO ang agarang pagsuko ng lisensya ng sangkot na drayber at isasailalim ito sa siyamnapung (90) araw na preventive suspension. Samantala, inilagay rin sa alarm status ang naturang sasakyan upang hindi ito makapagsagawa ng anumang transaksyon sa LTO habang dinidinig ang kaso.

Muling binigyang-diin ng LTO na mahigpit nitong ipatutupad ang lahat ng umiiral na batas trapiko at mga regulasyong may kinalaman sa kaligtasan sa lansangan. Paalala ng ahensya, ang bawat motorista ay may pananagutang sumunod sa batas, at ang anumang iresponsableng gawain sa kalsada ay may kaakibat na kaparusahan. Ang pangunahing layunin ng LTO ay mapangalagaan ang buhay, kaligtasan, at kapakanan ng bawat Pilipinong gumagamit ng kalsada.

https://www.facebook.com/share/p/19CQob56Ei/

Photos from Land Transportation Office - Philippines's post 24/06/2026

π‹π“πŽ, ππ€πŠπˆππ€π‡π€π†πˆ 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐁 π…πŽπ‘ 𝐀𝐋𝐋 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍; πˆπ“πˆππ€πŒππŽπŠ 𝐀𝐍𝐆 π‹π“πŽ 𝐎𝐍 𝐖𝐇𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐔𝐏𝐀𝐍𝐆 πˆπ‹π€ππˆπ“ 𝐀𝐍𝐆 πŒπ†π€ π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Nakibahagi ang Land Transportation Office (LTO) sa isinagawang LAB for All Caravan sa Makati Coliseum nitong Hunyo 23, 2026, bilang suporta sa layunin ng pamahalaan na mailapit ang mahahalagang serbisyo sa mas maraming mamamayan.

Pinangunahan ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang pakikiisa ng ahensya sa programa, na isang inisyatibo ni First Lady Louise Araneta-Marcos na naglalayong maghatid ng iba’t ibang serbisyong pampubliko sa mga komunidad sa buong bansa.

Bilang bahagi ng caravan, itinampok ng LTO ang LTO On Wheels (E-Patrol), isang mobile service facility na nagdadala ng mga pangunahing serbisyo ng ahensya nang direkta sa mga mamamayan. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang renewal ng driver's license, aplikasyon at renewal ng student permit, motor vehicle registration-related transactions, insurance services, at pagbibigay ng impormasyon at pagtugon sa mga katanungan ng publiko kaugnay ng mga programa at serbisyo ng LTO.

Nagbigay rin ang LTO ng libreng medical examination sa mga dumalo at nagsagawa ng pagpaparehistro para sa libreng Theoretical Driving Course (TDC) upang mas mapadali ang pagkuha ng kinakailangang kaalaman at dokumento para sa ligtas at responsableng pagmamaneho.

Ayon kay Assistant Secretary Lacanilao, bahagi ng mandato ng LTO ang tiyaking mas marami pang mamamayan ang naaabot ng mga serbisyo ng ahensya sa pamamagitan ng mga programang direktang inilalapit sa komunidad.

"Layunin nating ilapit ang serbisyo ng LTO sa publiko. Sa pamamagitan ng LTO On Wheels, mas marami tayong naaabot na mamamayan at nabibigyan ng agarang serbisyo saanman sila naroroon. Bahagi ito ng ating patuloy na pagsisikap na gawing mas efficient, mas maginhawa, at mas madaling ma-access ang mga serbisyo ng pamahalaan," ani Lacanilao.

Kaagapay ng layunin ng LAB for All Caravan, patuloy na isinusulong ng LTO ang mga inisyatibang naglalapit ng serbisyo sa mamamayan, alinsunod sa adhikain ng administrasyon na gawing mas mabilis at mas madaling maabot ng bawat Pilipino ang mga serbisyong pampamahalaan.

https://www.facebook.com/share/p/175LvDdiAT/

24/06/2026

π‹π“πŽ, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐀𝐍𝐆 π”ππˆπ…πŽπ‘πŒπ„πƒ ππ„π‘π’πŽπππ„π‹ 𝐍𝐀 πŒπ€π˜-π€π‘πˆ 𝐍𝐆 πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽππ† πŒπ€π˜ π€ππ†πŠπ€π’ 𝐍𝐀 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 π‡π„π‹πŒπ„π“ 𝐀𝐓 π‹π”πŒπ€ππ€π† 𝐒𝐀 𝐑𝐄𝐃 π‹πˆπ†π‡π“; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, πŒπŽπ“πŽπ‘π’πˆπŠπ‹πŽ πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Sa ilalim ng pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, agad na ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) ang paglalabas ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng isang Yamaha Fazzio, matapos makitang bumiyahe sa Yuseco Street sa Maynila kasama ang isang batang angkas na walang suot na helmet at lumabag pa sa red traffic light.

Sa kumalat na video sa social media, makikitang bumibiyahe ang naturang motorsiklo na pagmamay-ari ng isang uniformed personnel habang may angkas na bata na walang suot na helmet.

Matapos ang isinagawang paunang beripikasyon, agad na naglabas ang LTO ng SCO laban sa rehistradong may-ari at drayber ng motorsiklo upang pagpaliwanagin kaugnay ng insidente at sa mga posibleng paglabag sa umiiral na batas at regulasyon ng ahensya.

β€œHindi natin palalampasin ang mga iresponsableng gawain sa kalsada, lalo na kung malinaw na nalalagay sa panganib ang buhay ng isang bata. Ang pagpapatakbo ng motorsiklo nang may angkas na walang suot na helmet at ang paglabag sa red traffic light ay malinaw na paglabag sa batas at banta sa kaligtasan ng publiko. Kaya agad tayong kumilos upang mapanagot ang may pananagutan,” pahayag ni Assistant Secretary Lacanilao.

Inaatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at ang drayber na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) at magsumite ng kanilang sinumpaang paliwanag kaugnay ng hindi pagsusuot ng Standard Protective Motorcycle Helmet ng angkas, Reckless Driving, at Disregarding Traffic Signs dahil sa pagdaan sa red light. Pinagpapaliwanag din kung bakit hindi dapat ipataw ang revocation ng lisensya ng drayber.

Inaatasan din ang uniformed personnel na drayber na ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat patawan ng karagdagang parusa, kabilang ang suspensyon o pagbawi ng kaniyang lisensya, dahil sa pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, iniutos ng LTO ang agarang pagsuko ng lisensya ng sangkot na drayber at isinailalim ito sa siyamnapung (90) araw na preventive suspension. Samantala, inilagay rin sa alarm status ang Yamaha Fazzio upang hindi ito makapagsagawa ng anumang transaksyon sa LTO habang dinidinig ang kaso.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang publiko na mahigpit na sumunod sa mga batas-trapiko at tiyaking nasusunod ang mga panuntunan sa kaligtasan sa pagmomotorsiklo, lalo na ang pagsusuot ng helmet ng parehong rider at angkas, gayundin ang mahigpit na pagsunod sa traffic signals. Patuloy na paiigtingin ng ahensya ang pagpapatupad ng batas laban sa mga iresponsableng motorista bilang bahagi ng layunin nitong maisulong ang mas ligtas, mas disiplinado, at mas maayos na mga kalsada para sa lahat.

https://www.facebook.com/share/p/18vczvmZQb/

Photos from LTO Calinan's post 23/06/2026
22/06/2026

πŸ“’πŸš— LTO TAGUM DISTRICT OFFICE & LTO DLRO TAGUM (GMALL)

‼️BACK-TO-BACK SERVICES‼️

Join us at the P.A.S.A.D.A. Project and enjoy convenient access to essential LTO services right in your community!

πŸ“ VENUE: Ground Flr, East Wing, Gmall of Tagum
πŸ“… DATE: June 27, 2026 (Saturday)
⏰ TIME: 8:00 AM onwards

🩺WITH ON SITE LTO-ACCREDITED MEDICAL CLINICβœ…βœ…βœ…βœ…

⚠️ LIMITED TO 400 SLOTS ONLY!
β€œFirst come, first serve basis”

βœ… SERVICES AVAILABLE:

πŸ†“ FREE Theoretical Driving Course (TDC) Seminar
πŸ“ Student Permit Application
🚘 Driver’s License Renewal
πŸš— Motor Vehicle Registration Renewal

⚠️ Reminder: Transact only with authorized LTO personnel.

βΈ»

πŸ“‹ STUDENT PERMIT REQUIREMENTS

βœ” PSA Birth Certificate (Authenticated) / National ID / Valid Passport
βœ” PSA Marriage Certificate (for married applicants)
βœ” Parental/Guardian Consent (for ages 16–17)
βœ” Any Government-Issued Valid ID
βœ” Medical Certificate from an LTO-Accredited Clinic (ON SITE)

πŸš— MOTOR VEHICLE REGISTRATION RENEWAL REQUIREMENTS

βœ” Original & Photocopy of OR/CR
βœ” Valid Insurance (TPL minimum)
βœ” Emission Test / PMVIC Result
βœ” Vehicle Inspection

🀝 In Partnership with GMall of Tagum

πŸ“± Text Hotline: 0977-723-6503 LTO TAGUM
0992-844-6892 LTO DLRO TAGUM
πŸ“§ Email: [email protected]
[email protected]

Don’t miss this opportunity to avail of LTO services closer to you. We encourage everyone to prepare the required documents beforehand for a faster and more convenient transaction.

See you!

22/06/2026

π‹π“πŽ, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‚πŽ 𝐀𝐍𝐆 πˆπ’π€ππ† ππ€π’π€π–π€π˜ 𝐍𝐀 πŒπŽπ“πŽπ‘πˆπ’π“π€ 𝐍𝐀 πƒπ”πŒπ€π€π 𝐒𝐀 ππˆπ‚π˜π‚π‹π„ 𝐋𝐀𝐍𝐄 𝐀𝐓 ππ€πŠπˆππ€π†π“π€π‹πŽ 𝐒𝐀 π’πˆπŠπ‹πˆπ’π“π€; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ; π’π€π’π€πŠπ˜π€π, πˆππ€π‹π€π‘πŒπ€

Naglabas ang Land Transportation Office (LTO), sa pamamagitan ng Intelligence and Investigation Division (IID) ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari at driver ng isang Toyota Corolla matapos itong makuhanan ng video na umano’y ginagamit ang bicycle lane at nakipagdiskusyon sa isang siklista sa pampublikong lansangan.

Batay sa viral video na kumakalat sa social media, makikita ang naturang sasakyan na umano’y bumabaybay at sumasakop sa bicycle lane. Makikita rin sa video na ang sangkot na driver ay huminto, bumaba ng sasakyan, at lumapit sa isang siklista habang nasa kalsada.

Dahil dito, inatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at ang driver na humarap sa IID sa itinakdang pagdinig upang magsumite ng kanilang sinumpaang salaysay at iba pang kaukulang dokumento bilang tugon sa mga alegasyong inihain laban sa kanila.

Kabilang sa mga posibleng paglabag na sinisiyasat ng LTO ang Disregarding Traffic Signs at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle alinsunod sa Republic Act No. 4136. Ang mga naturang paglabag ay maaaring magresulta sa suspensyon o pagbawi ng lisensya sa pagmamaneho, bukod pa sa iba pang paglabag na maaaring matukoy sa patuloy na imbestigasyon.

Samantala, inatasan ng LTO ang driver na agad na isuko ang kanyang driver's license, na isasailalim sa 90-araw na preventive suspension habang isinasagawa ang imbestigasyon. Ang naturang sasakyan ay inilagay rin sa alarm status upang matiyak ang pagsunod sa mga kautusan ng ahensya.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, mananatiling mahigpit ang pagpapatupad ng batas-trapiko upang mapangalagaan ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada.

β€œAng mga bicycle lane ay ginawa upang maprotektahan ang ating mga siklista at matiyak ang kanilang ligtas na paglalakbay. Hindi natin kukunsintihin ang anumang paglabag na naglalagay sa panganib sa kaligtasan ng ibang road users. Patuloy nating pananagutin ang mga motorista na lumalabag sa batas at hindi nagpapakita ng responsableng pagmamaneho,” ani Lacanilao.

Patuloy na hinihikayat ng LTO ang publiko na maging responsable at sumunod sa mga batas-trapiko bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap na mapanatiling ligtas, maayos, at disiplinado ang paggamit ng mga kalsada sa buong bansa.

https://www.facebook.com/share/p/14f5MfHGTaq/

Photos from Land Transportation Office Region XI's post 22/06/2026

Repost.

Photos from LTO XI Samal District Office's post 22/06/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in Davao City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address

Quimpo Boulevard, Barangay 40-D
Davao City
8000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm