23/06/2026
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Sa gitna ng patuloy na pagtugon sa epekto ng lindol, personal na nakipagkita si DSWD Field Office XI Regional Director Rhuelo D. Aradanas sa Mobile Clinic Augmentation Team habang bumibiyahe ito sa kahabaan ng Sta. Cruz, Davao del Sur patungong Brgy. Nuing, Jose Abad Santos, Davao Occidental.
Binubuo ng mga nurses, radiologic technologists, at volunteer medical personnel ang Mobile Clinic Team na maghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga apektadong komunidad. Kabilang din sa grupo ang matagal nang kaibigan ni RD Aradanas at volunteer physician na si Dr. Allen Salvatierra. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng iba’t ibang ahensya at mga boluntaryo, mas napapalakas ang agarang pag-abot ng tulong at serbisyong kinakailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
🫰🏼
23/06/2026
𝗦𝗨𝗖𝗖𝗘𝗦𝗦𝗜𝗩𝗘 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡 𝗦𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗜
Mula Davao Occidental, agad nagtungo sa Glan, Sarangani sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, RD Rhuelo D. Aradanas, at iba pang opisyal ng DSWD upang ipagpatuloy ang monitoring ng relief operations at Emergency Cash Transfer (ECT) payout para sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol.
Matapos ang serye ng pagbisita at pagmomonitor, nakisabay si RD Aradanas sa team bago tuluyang bumalik sa Davao City, bitbit ang patuloy na commitment sa mabilis at maayos na serbisyo para sa mga apektadong komunidad.
🫰🏼
23/06/2026
𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗕𝗔𝗟𝗨𝗧 𝗧𝗢 𝗝𝗢𝗦𝗘 𝗔𝗕𝗔𝗗 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗢𝗦
Matapos ang kanilang monitoring visit sa Balut Island, nagtungo naman sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DSWD XI RD Rhuelo D. Aradanas, at iba pang opisyal ng DSWD sa mainland ng Jose Abad Santos, Davao Occidental upang ipagpatuloy ang pagmomonitor sa relief operations at Emergency Cash Transfer (ECT) payout para sa mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang lindol.
Patuloy na umiikot ang DSWD leadership upang tiyakin na agarang naihahatid ang kinakailangang tulong at suporta sa mga apektadong komunidad.
🫰🏼
23/06/2026
𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗔𝗥𝗥𝗜𝗩𝗘𝗦 𝗜𝗡 𝗕𝗔𝗟𝗨𝗧 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗡𝗗
Dumating sa Balut Island, Davao Occidental sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, RD Rhuelo D. Aradanas, at iba pang opisyal ng DSWD at sinalubong sila ni Sarangani Mayor Adelan de Arce upang personal na subaybayan ang Emergency Cash Transfer (ECT) payout at relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang lindol sa Mindanao.
Patuloy na tinitiyak ng DSWD na mabilis at maayos na naihahatid ang tulong sa mga komunidad na nangangailangan.
🫰🏼
23/06/2026
𝗡𝗢𝗪 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗠𝗢𝗩𝗘 | Kasalukuyang nasa Malita, Davao Occidental ang Payout Team para sa Balut Island sa pangunguna ni DRMD Division Chief Dahlia Padillo upang mag-refuel bago tumulak patungong Balut Island.
Sa kabila ng mga hamon sa biyahe at lokasyon, nananatiling handa at determinado ang DSWD Field Office XI na maihatid ang kinakailangang ayuda at serbisyo sa mga benepisyaryo. Tuloy-tuloy ang pagkilos para masigurong walang maiiwan sa panahon ng pangangailangan.
🫰🏼
22/06/2026
𝐍𝐎𝐖 𝐇𝐀𝐏𝐏𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 Nakipagpulong ngayong gabi si DSWD Field Office XI Regional Director Rhuelo D. Aradanas kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, Assistant Secretary for Special Concerns Irene Dumlao, at DSWD Field Office XII Regional Director Loreto Cabaya Jr. sa General Santos City upang talakayin ang kasalukuyang relief operations at mga susunod na hakbang ng DSWD kaugnay ng kamakailang lindol sa Mindanao.
Layunin ng pagpupulong na matiyak ang mabilis, maayos, at episyenteng paghahatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng sakuna.
🫰🏼
22/06/2026
DSWD PRESS RELEASE: DSWD to start emergency cash transfer payout for Mindanao quake-hit families on June 23
The Department of Social Welfare and Development (DSWD) is set to begin the rollout of its Emergency Cash Transfer (ECT) program on June 23 to aid families affected by the magnitude 7.8 earthquake in Davao Occidental, Sarangani, and General Santos City.
Based on initial data, more than 139,000 affected families from Region 11 (Davao Region) and Region 12 (SOCCSKSARGEN) are expected to receive DSWD’s ECT cash aid, with an estimated budgetary allocation of more than Php799.59 million, starting this week. (AKDL)
See comment section for full story.
❤️