Sulong - UPM

Sulong - UPM

Share

SULONG UPM is a progressive party-alliance of individuals and organizations in UP Manila. TPM!

Photos from Sulong - UPM's post 23/06/2026

TIGNAN | Dumalo ang Sulong UP Manila sa ginanap na face-to-face convocations sa UP Manila College of Nursing at College of Public Health.

Isinabuhay ng Sulong UPM ang katagang tunay, palaban, at makabayan sa pagsagot ng katanungan ng sangkaestudyantehan, patunay na lamang sa pagtindig at pagsulong para sa mas mataas na badyet sa edukasyon, ang pagpapatigil at pagrerepaso ng RSA, ang pagpapataas ng tunay na representasyon ng sangkaestudyantehan, at ang pagpapanagot sa kila Marcos Jr. at Duterte.

Lubos na ikinagagalak ng Sulong UP Manila at ang lahat ng mga miyembrong organisasyon nito ang pagdaraos ng mga CEB ng face-to-face convocations upang mapataas ang partisipasyon ng Iskolar ng Bayan. Gayundin, hinahamon ng partido-alyansa na kagyat nang ipatupad ang pro-estudyanteng iskedyul ng Student Council Election sa loob ng regular na semestre at hindi na sa midyear.

Iskolar ng Bayan, lumikha ng kasaysayan! โœŠ


Photos from Sulong - UPM's post 23/06/2026

Paano natin isasabuhay ang pagiging Iskolar ng Bayan? Para kay Isabella Badon โœŠ, ang ating People's Struggles Councilor, ang susing hakbang ay ang pagbuwag sa pader na naghihiwalay sa unibersidad at sa mamamayan.

Para kay Guianna Kabiling ๐Ÿฉต, ang tungkulin ng isang lider-estudyante ay hindi lamang kumatawan kundi manindigan at maging KASANGGUI ng sangkaestudyantehan. Sa harap ng mga pagtatangkang patahimikin ang kritikal na tinig at pigilan ang demokratikong paglahok, mahalagang ipaglaban ang karapatan ng bawat estudyante na magpahayag, mag-organisa, at kumilos.

Para kay Isabella Badon, ang pasaning kinakaharap natin sa loob ng campus, mula sa mabibigat na polisiya hanggang sa panunupil sa ating mga karapatan, ay karugtong ng mas malawak na krisis na ating nararanasan. Layunin ng kaniyang mga inisyatiba na imulat at pakilusin ang sangkaestudyantehan upang bitbitin hindi lamang ang ating mga lokal na hiling, kundi pati na rin ang panawagan ng mga magsasaka, drayber, at mga komunidad ng urban poor.

Bitbit naman ni Guianna Kabiling ang adbokasiya para sa Students' Rights, Welfare, and Basic Services, para sa isang konsehong nakaugat sa pangangailangan ng masa at handang tumindig sa gitna ng mga hamon.

โœŠ Halinaโ€™t makialam at makibaka. Ang lakas ng estudyante ay nasa kaniyang kolektibong pagkilos.











Photos from Sulong - UPM's post 23/06/2026

Halinaโ€™t balikan ang kasagutan ng ating na Councilor for Health candidate JUDESON CABULISAN ๐Ÿฉบ, tampok ang kaniyang pagbibigay-linaw sa mga katanungan ng sangka-estudyantehan.

Sa bawat tanong, duda, o pag-aalala, siguradong mayroon laging kaAKbay ang sangkaestudyantehan kay AK DELOS SANTOS โšง๏ธ.

Kay Judeson Cabulisan, binibigyang-diin ang mga isyung pangkalusugan sa loob ng pamantasanโ€”mula sa accessibility ng services hanggang sa mga programang tunay na tumutugon sa kapakanan ng bawat mag-aaral.

Partikular naman sa mga usapang LGBTQIA+, sining, at kultura, balikan ang sagot ng ating susunod na GCA councilor na AK Delos Santos sa kung paano makatutulong ang mga programang inilahad sa bawat lavarn ng sangkaestudyantehan ng UP Manila.











22/06/2026

TIGNAN | Pahayag ni Jyca Santos sa iglap-protestang inilunsad ng Sulong UP Manila sa pagtatapos ng UP College of Nursing Convocation

Pinagpugayan ni Jyca Santos ang sangkaestudyantehan sa pagwawagi nito ngayong taon, patunay na lamang ang mas maraming kandidato para sa University Student Council. Tinuligsa rin niya ang nagpapatuloy na mababang badyet na inilalaan sa UP System at sektor ng edukasyon at kalusugan, gayong pataas nang pataas ang pondo para sa pamamasismo at bayad-utang. Gayundin, pinalitaw ang kampanya para panagutin si Sara Duterte at ang paniningil kay Marcos Jr. para sa korapsyon at katiwaliang pinalala nila sa kanilang termino.

Bilang panghuli, hinamon ng Sulong UPM ang buong sangkaestudyantehan ng UP Manila na kumilos at magpakilos, lumahok at magpalahok, at buong-pusong lumikha ng kasaysayan.

UP MANILA, HOLD THE LINE! DARE TO STRUGGLE! REVERSE THE TIDE! ๐Ÿ”ฅโค๏ธ๐Ÿ’›


Photos from Sulong - UPM's post 22/06/2026

TIGNAN | PAHAYAG NI SULONG UPM CHAIRPERSON CANDIDATE JYCA SANTOS AT SULONG UPM VICE CHAIRPERSON CANDIDATE IAN MARBIBI SA SHS WIDE CONVOCATION

Iginiit nila ang kahalagahan ng boses ng sangkaestudyantehan sa pamantasan at nararapat lamang itong pakinggan, kilalanin, at ipaglaban. Hindi lang bosesโ€”kundi paninindigan para sa bawat estudyante.

Kilalanin sina CHRYZTIANE JYCA โ€œJYCAโ€ SANTOS at IAN MARBIBI โ€” mga lider-estudyanteng handang makinig, manindigan, at makibaka kasama ang mga Iskolar ng Bayan.

G ka na? JYCA na! ๐Ÿ”ฅโœŠ๐Ÿผ IAN ang Choice. IAN ang Boses ng Estudyante. โœจ





Photos from Sulong - UPM's post 21/06/2026

Sa bawat lavarn ng buhay, si AK iyong kaAKbay!

Sa dami ng problema sa gender, culture, at arts, siguradong mapapatanong ka talaga ng โ€œSaan Magsisimula?โ€ Buti nalang at andito na si AK upang ibigay ang solusyong TatAK Delos Santos!

1๏ธโƒฃ Ang pagtatag muli ng GENERAL ASSEMBLY FOR GENDER ADVOCATES upang mas mabigyan ng plataporma ang mga problemang ukol sa kasarian. Sa GAGA, GAGAwin nating mas malakas ang boses ng bawat isa

2๏ธโƒฃ Ang pagdaraos ng UPM PRIDE! Ito ay para mabigyan ng sapat na representasyon at ekspresyon ang bawat isa sa kanilang kasarian nang walang manghuhusga o diskriminasyon sa pamamagitan ng mAKulay at palabang Pride March!

3๏ธโƒฃ Ang pagtatatag ng GENDER HELP DESK upang mabilis na maipaabot ang mga hinaing patungkol sa gender-based aggressions o violence. Sabay-sabay nating labanan ang macho-pyudal na kultura, one step at a time!

4๏ธโƒฃ Ang pagbabalik ng UPM Fiesta upang buhayin ang tatak UPM na sining at mabigyan ng entablado ang mga Artista ng Bayan! MAKasining na salubong para sa talentong UPM!

Kaya huwag nang mag-atubili. Sa sining, kultura, at kasarian, saan ka pa? Kay AK ka na!









Photos from Sulong - UPM's post 21/06/2026

๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—ก? ๐—ฆ๐—œ ๐—–๐—”๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก! ๐ŸŽถ๐Ÿ”ฅ
๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ๐—”๐—ก๐—ง๐—˜? ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—๐˜‚๐—ฑ๐—ฒ! ๐ŸฉบโœŠ
๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—•๐—ข๐—ง-๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ฌ, ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”๐—ช, ๐—”๐—ง ๐—ฅ๐—”๐— ๐——๐—”๐— ? ๐—๐—จ๐——๐—˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—๐—จ๐——๐—˜!
โšก
JUDESON CABULISAN PARA SA KALUSUGAN NG BAWAT ISKOLAR NG BAYAN!
Sa gitna ng mga kakulangan sa ating healthcare system ๐ŸŒช๏ธ, sa mga serbisyong hindi pa ganap na abot ng bawat iskolar ng bayan ๐ŸŽ“, at sa mga karapatang pangkalusugan na dapat sanaโ€™y walang hadlang๐Ÿฉบ๐Ÿ”ฅ

Hindi lang para sa iilan. Hindi lang para sa pansamantala. Kundi para sa sistemang tunay na nag-aalaga ๐Ÿค, serbisyong preventive ๐Ÿง , at serbisyong makatao โš™๏ธโ€”hindi reactive, hindi pahirapan, at hindi kailanman nakakalimutan.

๐—๐—จ๐——๐—˜๐—ฆ๐—ข๐—ก ๐—–๐—”๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก โ€” ๐—จ๐—ฆ๐—– ๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น๐—ผ๐—ฟ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต.

Tumitindig para sa kalusugan ๐ŸŽ“
Tumitindig para sa karapatan โœŠ
Tumitindig para sa bawat iskolar ng bayan ๐Ÿฉบ๐Ÿ”ฅ






Photos from Sulong - UPM's post 21/06/2026

SA LABAN PARA SA ATING KARAPATAN, TAYOโ€™Y MAGKA-ISA! โœŠโš–๏ธ

ISABELLA LOUISE BADON PARA SA KAPAKANAN NG SANGKAESTUDYANTEHAN AT NG MASA!

Sa pilit na sinusupil ang ating malayang pag-iisip at tahasang binabantaan ang ating mga karapatan, hindi tayo maaaring magkibit-balikat na lamang. Kapag ang kaligtasan at kapakanan ng Iskolar ng Bayan ang nakataya, makakaasa kang may ISAng hindi aatras! โœŠ๐Ÿ”ฅ

Ang paninindigan natin ay hindi pampalipas-oras o para lang sa iilan. Dala natin ay isang kilusang walang-kompromisong magtatanggol sa ating hanay at tunay na naglilingkod sa masa, laban, hindi nagpapatinag, at kailanman ay hindi yuyuko sa pang-aabuso.

Kaya sa lider na handang magsakripisyo para sa batayang sektor, sa lider na laging kasama sa bawat piket at pagkilos.

ISABELLA LOUISE BADON โ€” USC Councilor for People's Struggles!

ISAsakatuparan ang ating kaligtasan! โœŠ
ISAsusulong ang makamasang edukasyon! ๐ŸŽ“
Makiki-ISA sa masa at sa buong sambayanang Pilipino! ๐ŸŒพ









Want your business to be the top-listed Government Service in Ermita?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Ermita