09/02/2026
Together with members of the clergy led by Fr. B**g Sarabia and Fr. Joel Saballa, and lawyers led by Atty. Amando Ligutan, we once again endorsed an impeachment complaint against VP Sara Duterte.
Ang mga grounds na inilatag sa pangatlong impeachment complaint na ito ay hindi nalalayo sa una nating inendorso. Hindi rin ito nalalayo sa grounds ng complaint na inaprubahan ng more than 1/3 of the House of Representatives at isinumite sa Senado noong nakaraang taon. Naniniwala po tayo na sufficient in form and substance ito at nararapat na umusad sa House Justice Committee para magsagawa ng evidentiary hearing.
It is the moral obligation of the members of Congress to perform our constitutional duty to scrutinize serious corruption allegations against the Vice President and to evaluate the evidence.
Sa impeachment, kailangang tukuyin kung ano ang totoo at ang pananagutan ng mga naglustay sa kaban ng bayan at umabuso sa kanyang mandato, gaano man kataas ang kapangyarihan. Noong nakaraang taon pa dapat nilitis si VP Sara, kung hindi lang na-dismiss ng Korte Suprema ang impeachment complaint laban sa kanya dahil sa teknikalidad. Hindi pwedeng sagutin o ilihis ang mabibigat na alegasyong bilang “pamomolitika” lang.
