18/06/2026
𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿! 💙❤️
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng bumibili at tumatangkilik sa ating Pasalubong Center. 🙇🤗
Sa bawat produktong inyong pinipili, sama-sama nating pinapalakas ang mga lokal na kooperatiba, Negosyo, at Kabuhayan sa ating komunidad. 🫶🏾💪🏾
Bumisita sa Pasalubong Center – Municipal na matatagpuan sa Alunan, Quezon, Isabela, harap ng ating Munisipyo. 🏢😘
Suportahan ang lokal. Piliin ang produktong Quezon! 🛒✨
18/06/2026
𝗣𝗛𝗜𝗟𝗠𝗔𝗖𝗢 𝗕𝗼𝗼𝘁𝗵 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗴𝗼𝗮𝗻 𝗙𝗲𝘀𝘁𝗶𝘃𝗮𝗹, 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗱𝗶𝗻𝘂𝗱𝘂𝗺𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗺𝗶𝗺𝗶𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗯𝘂𝗸 𝗖𝗶𝘁𝘆
Patuloy na dinarayo ng mga mamimili at festival-goers ang Philippine Markets Agriculture Cooperative (PHILMACO) Booth sa ginaganap na Matagoan Festival Trade Fair sa Dagupan, Tabuk City, Kalinga, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-19 na Cityhood Anniversary ng lungsod. Tampok sa Booth 20 ang iba't ibang produktong agrikultural at processed food products na gawa ng mga magsasaka at kooperatiba mula sa Quezon, Isabela, na patuloy na tinatangkilik ng mga bumibisita sa trade fair.
Ang paglahok ng PHILMACO sa nasabing aktibidad ay naglalayong mapalawak ang merkado ng mga lokal na produkto at maipakilala ang kalidad ng mga produktong gawang Pilipino sa mas maraming mamimili. Inaanyayahan ang ating mga kapatid sa Kalinga at Tabuk na bisitahin ang Booth 20 at suportahan ang mga produktong hatid ng PHILMACO. Gawang magsasaka, galing sa magsasaka! Sa bawat pagbili, direktang natutulungan ang ating mga magsasaka at napapalakas ang kanilang kabuhayan. 🌾🛒🇵🇭
18/06/2026
𝗔𝗿𝗶𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗻𝗮𝗴𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗗𝗧𝗜 𝗞𝗠𝗠𝗘 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺
Matagumpay na nagtapos si Ariel Manangat, Cooperative Development Specialist Designate ng Municipal Cooperatives Office (MCO) ng Quezon, sa Kapatid Mentor ME (KMME) Program ng Department of Trade and Industry (DTI). Idinaos ang graduation ceremony ngayong araw sa SM City Tuguegarao, kung saan kinilala ang mga kalahok na matagumpay na nakatapos ng serye ng mentorship at entrepreneurial development sessions na layuning palakasin ang kakayahan ng mga negosyante at mga tagapagtaguyod ng lokal na kaunlaran.
Dinaluhan ang programa ng mga opisyal ng DTI Region 2 sa pangunguna ni Regional Director Ma. Sofia Narag, na nagbigay ng mensahe sa mga nagsipagtapos at nagbigay-diin sa kahalagahan ng patuloy na paglinang ng kaalaman at kasanayan sa pagnenegosyo. Ang pagtatapos ni Manangat sa KMME Program ay inaasahang higit pang magpapalakas sa mga programang pangkabuhayan, market linkage, at pagpapaunlad ng mga kooperatiba at MSMEs na isinusulong ng Municipal Cooperatives Office sa Bayan ng Quezon.
18/06/2026
𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗣𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝘁𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗮𝗻𝗮𝗯𝗮 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝘀 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗰𝗼𝗻𝘀𝗶𝗴𝗻𝗼𝗿
Mas lalo pang pinalalawak ng Quezon Pasalubong Center ang hanay ng mga lokal na produktong iniaalok nito matapos pormal na tanggapin ang Ganaba Food Products bilang isa sa mga bagong consignor ng pasalubong center. Ngayong araw, bumisita ang may-ari ng Ganaba Food Products upang magtanong ukol sa consignment program at kalaunan ay nagkasundo na ipasok ang kanilang mga produkto para maipagbili sa pasalubong center.
Kilala ang Ganaba Food Products sa kanilang mga produktong gawa sa sampalok at mani, na paborito ng maraming mamimili sa bayan. Sa pamamagitan ng kasunduang ito, mas magiging accessible ang kanilang mga produkto sa mga residente at mga bumibisita sa bayan ng Quezon. Patuloy na hinihikayat ng Quezon Pasalubong Center ang mga lokal na micro, small, and medium enterprises (MSMEs) at mga kooperatiba na makiisa sa kanilang consignment program upang mas mapalawak ang merkado ng mga produktong gawang lokal at maitaguyod ang pag-unlad ng lokal na ekonomiya.
18/06/2026
𝗧𝗔𝗠𝗣𝗖𝗢 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗕𝗿𝗮𝗻𝗰𝗵, 𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 𝗣𝗹𝘂𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻
Bilang pakikiisa sa paghahanda para sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral, nagbigay ng tulong materyal ang TAMPCO Quezon Branch sa isinagawang Brigada Eskwela Plus ng Abut Elementary School at Quezon National High School. Kabilang sa kanilang ipinagkaloob ang mga pintura, paint rollers, at iba pang kagamitang kinakailangan para sa pagkukumpuni at pagpapaganda ng mga pasilidad ng paaralan.
Pinangunahan ni Marissa Pimentel, Branch Manager ng TAMPCO Quezon Branch, ang nasabing gawain bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng kooperatiba sa pagsuporta sa edukasyon at pagpapaunlad ng komunidad. Lubos namang nagpasalamat ang pamunuan ng mga paaralan sa ipinakitang malasakit at pakikipagtulungan ng TAMPCO, na inaasahang makatutulong upang makapagbigay ng mas maayos, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran sa pagkatuto para sa mga mag-aaral ngayong pasukan.
18/06/2026
𝗤𝗜𝗧𝗙𝗔𝗥𝗠𝗖𝗢, 𝘀𝗶𝗻𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗱𝗶𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼 𝘀𝗮 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻, 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮
Opisyal nang sinimulan ng Quezon Isabela To***co Farmers Multipurpose Cooperative (QITFARMCO) ngayong araw ang operasyon ng kanilang Kadiwa ng Pangulo Pop-Up Store sa Turod, Quezon, Isabela. Layunin ng programa na magbigay ng abot-kaya, sariwa, at de-kalidad na mga produktong agrikultural direkta mula sa mga magsasaka at lokal na prodyuser para sa mga mamimili sa komunidad. Maaaring mabili sa tindahan ang iba't ibang gulay, prutas, karne, at mga rekado na kailangan sa pang-araw-araw na pagluluto.
Naging posible ang pagsisimula ng Kadiwa ng Pangulo Pop-Up Store sa pamamagitan ng tulong at suporta ng Department of Agriculture – Agribusiness and Marketing Assistance Division (DA-AMAD) Region 2, na patuloy na nagsusulong ng mga programang nag-uugnay sa mga magsasaka at mamimili. Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, inaasahang mapapalakas ang kita ng mga lokal na magsasaka habang natitiyak naman ang mas murang presyo ng mga produktong agrikultural para sa publiko. Inaanyayahan ng QITFARMCO ang lahat na bisitahin ang kanilang opisina at pop-up store sa Turod upang suportahan ang mga lokal na produkto at kabuhayan ng mga magsasaka.
18/06/2026
🌾🛍️ 𝗖𝗔𝗟𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗟 𝗖𝗢𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘𝗦 & 𝗠𝗦𝗠𝗘𝘀! 🛍️🌾
Have products you're proud to share with the world?
The Quezon Pasalubong Center is now accepting quality food and non-food products for display and sale on a consignment basis — with NO display fee, NO shelf fee, and NO rental fee!
This is your opportunity to showcase local products, expand your market reach, increase sales potential, and be part of promoting the best of Quezon to residents, travelers, and visitors alike.
✅ Open to Cooperatives with a valid Certificate of Compliance (COC) from CDA
✅ Open to MSMEs with a valid and updated Business Permit
✅ Food products must have a shelf life of at least six (6) months and be properly packaged and labeled
Join us in strengthening local enterprises and bringing Quezon-made products to more customers.
Visit the Quezon Pasalubong Center, Alunan, Quezon, Isabela or contact us at 0967 149 0833 for more information.
Your Products. Our Pride. Quezon Wide. 💙💛
16/06/2026
𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿! 💙❤️
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng bumibili at tumatangkilik sa ating Pasalubong Center. 🙇🤗
Sa bawat produktong inyong pinipili, sama-sama nating pinapalakas ang mga lokal na kooperatiba, Negosyo, at Kabuhayan sa ating komunidad. 🫶🏾💪🏾
Bumisita sa Pasalubong Center – Municipal na matatagpuan sa Alunan, Quezon, Isabela, harap ng ating Munisipyo. 🏢😘
Suportahan ang lokal. Piliin ang produktong Quezon! 🛒✨
16/06/2026
𝗗𝗧𝗜 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗕𝘂𝗺𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗠𝗖𝗢-𝗣𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗡𝗮𝗴𝗽𝗮𝗮𝗯𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗟𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗸𝘁𝗼
Bumisita ang Department of Trade and Industry (DTI) Isabela Provincial Office sa Municipal Cooperatives Office (MCO) sa bagong Quezon Pasalubong Center upang palakasin ang ugnayan at talakayin ang mga programang makatutulong sa pagpapaunlad ng mga kooperatiba at MSMEs sa bayan. Pinangunahan ni STIDS Ma. Corazon Mamuri kasama ang iba pang kinatawan ng DTI Isabela Provincial Office ang naturang pagbisita, kung saan ipinahayag nila ang kanilang kahandaang magbigay ng technical assistance sa product branding at labeling upang higit na mapahusay ang kalidad at marketability ng mga produktong lokal.
Nagpaabot din ang DTI ng imbitasyon sa mga nalalapit na trade fairs sa National Capital Region (NCR), na magbibigay ng pagkakataon sa mga kooperatiba at MSMEs ng Quezon na maipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado. Lubos namang nagpasalamat ang Municipal Cooperatives Office sa DTI para sa kanilang pagbisita at patuloy na suporta, na nagsisilbing mahalagang tulong sa pagsusulong ng lokal na entrepreneurship at pagpapalawak ng mga oportunidad para sa mga produktong gawa ng mga Quezonian.