Pilar Health Center

Pilar Health Center

Share

The official page of the Pilar Health Center, Las Piñas City. "SERBISYONG PANG-KALUSUGAN PARA SA MGA PILAREÑOS"

Photos from Pilar Health Center's post 24/06/2026

MAGING MAPANURI AT SENSITIBO, ALAMIN MUNA ANG BUONG PANGYAYARI AT HUWAG LAMANG SA AMIN ANG LAGING PAGKAKAMALI‼️

Una po sa lahat, Anonymous account po kayo paano namin kayo ma reach out upang pag usapan kung ano ang naging problema na naranasan nyo sa aming tanggapan pero isa lang po ang alam namin na nag walk-out sa araw na yon bandang mag 11 ng umaga, Mga ganong oras na rin po kayo dumating sa mga na unang araw na kayo ay pumunta sa health center kaya maaasahan mo po talaga na marami na mauuna sa inyo at hindi na kayo mapagbibigyan na ma i admit. HUWAG NAMAN PO maging mapanira kung sa part din po ninyo ang dahilan na kayo ay magka problema, sinabihan din po kayo na bumalik ng araw ng huwebes ng mas maaga pero kayo po ay biglang nag walk-out nalang.

HUWAG NAMAN DIN PO ninyo idamay ang aming propesyunal at magaling na lalaking midwife sa comment section dahil alam nyo po ba na sya po ay isang buwan na wala na po sa ating health center dahil sya po ay promoted na at mas pinalawak na po ang kanyang bibigyan ng serbisyong pangkalusugan sa propesyon at larangan bilang license Midwife.

Lagi po kaming handa na magbigay ng serbisyong pang kalusugan sa lahat ng aming nasasakupan pero kung nasa sa inyo po ang dahilan para hindi po namin kayo ma accomodate hindi po para kami ang mag adjust ng aming mga schedule dahil sa tanghali na kayo dumating at gusto ay unahin kayo namin.

KAMI PO ay nakikipag ugnayan na sa ating Barangay Pilar Village, Las Piñas upang kami ay matulungan na ma locate at maipatawag kayo para pag usapan ang nasabing problema, Bukas po ang aming tanggapan para sa inyong hinanaing kung nais nyo naman po na itago ang inyong pagka kilanlan para sa inyong reklamo maari po kayong personal na mag mensahe dito sa aming page o sa aming email address makakasiguro po kayo na agad namin aaksyunan ang inyong reklamo para sa patuloy na pagbibigay ng serbisyong pang kalusugan sa mga pilarenos.
Maraming Salamat po.


22/06/2026

ANUNSYO PUBLIKO ❗️❗️❗️
📣📣📣📣📣
PARA SA MGA BENEFICIARIES ng PhilHealth YAKAP GAMOT PROGRAM. 👇👇👇👇👇👇👇





20/06/2026
Photos from Pilar Health Center's post 20/06/2026

ANNOUNCEMENT: 📣📣📣

Narito po ang listahan ng ating mga available na GAMOT na maaari nyo po mahingi ng Libre sa ating Pilar Health Center. 👇👇👇👇

PAALALA! lamang po na mangyari dalhin ang mga sumusunod:

- Updated na Reseta 🩺
- Index Card (para sa kumukuha ng monthly maintenance medicine) 💊

- PHILHEALTH ID o PhilHealth YAKAP Registration confirmation Slip ( nakasaad na ang inyong YAKAP Facility ay ang Pilar Health Center ). 🥼

⚠️⚠️⚠️⚠️

SAMANTALA,❗
Sa mga may katanungan o nais maiparating ang inyong hinaing o reklamo, ang amin pong tanggapan sa pangunguna ng aming butihing Rural Health Physician at mga Staff ay bukas para mapag usapan, maipaliwanag, at bigyan kayo ng tamang impormasyon para sa inyong concern , katanungan o reklamo. Malugod po namin kayong tatanggapin na may pag galang para sa patuloy na pagbibigay namin ng serbisyong pang kalusugan para sa lahat ng pilarenos. Maraming Salamat po.

Want your business to be the top-listed Government Service in Las Piñas?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Aguirre Road
Las Piñas
1700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm