18/06/2026
MAGANDANG ARAW MGA KA SINGKO!
TARA NA AT SABAY SABAY MAGING HEALTHY SA PANIBAGONG SEGMENT NG ATING ZUMBA SERYE ANG ZUMBA IKOT SERYE!
Sa mas inimprove na segment ng ating zumba tayo po ay iikot sa ibat-ibang lugar sa Talon Singko Upang isagawa ang ating Zumba ikot serye! upang mas lalong mapalapit at magkaroon ng participation ang bawat mamamayan sa ating komunidad sa ating programang nagtataguyod sa Healthy Community sa pamamagitan ng zumba narito ang ilang schedule ng ating zumba ikot serye! basahin sa ibaba.
Get ready to dance, sweat, and stay fit as we bring Zumba closer to your community! Join us in our FREE Zumba workshops and sessions at different community in Talon Singko.
📍 ZSL
🗓 June 20, 2026 (Saturday)
⏰ 7:30 PM – 8:30 PM
📌 Veraville Classic Covered Court
📍 Zumbanatics
🗓 June 26, 2026 (Friday)
⏰ 7:30 AM – 8:30 AM
📌 Emmaus Covered Court
📍 VMOMS
🗓 July 4, 2026 (Saturday)
⏰ 6:00 AM – 7:00 AM
📌 Villa Pangarap Covered Court
🎉 Open to all residents!
💪 Stay active. Stay healthy. Build a stronger community through fitness.
sa mga may gustong magpa-schedule ng kanilang zumba maaring mag message lang page Kagawad Paula Lim at para sa iba pang detalye!
06/06/2026
𝙎𝒂𝙮𝒂𝐰, 𝙎𝒂𝙮𝒂, 𝒂𝙩 𝙆𝒂𝙡𝙪𝙨𝙪𝙜𝒂𝙣 𝙨𝒂 𝙏𝒂𝙡𝙤𝙣 𝙎𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤! ✨💃
Muling naging masigla ang ating komunidad sa Talon Singko Zumba Serye noong Mayo 8, 2026, sa pangunguna ng Supermoms Club sa ilalim ng pamumuno ni Tita Fhem Fernandez.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! Patuloy tayong gumalaw para sa mas malusog at mas masayang Barangay Talon Singko. 💙
06/06/2026
𝙎𝙩𝙧𝙚𝙣𝙜𝙩𝙝𝙚𝙣𝙞𝙣𝙜 𝘽𝒂𝙧𝒂𝙣𝙜𝒂𝙮 𝙉𝙪𝙩𝙧𝙞𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙛𝙤𝙧 𝒂 𝙃𝙚𝒂𝙡𝙩𝙝𝙞𝙚𝙧 𝘾𝙤𝙢𝙢𝙪𝙣𝙞𝙩𝙮 🍎🌱
May 7, 2026
Bilang Barangay Nutrition Action Officer (BNAO) ng Barangay Talon Singko at Treasurer ng Las Piñas Federation of BNAOs, ako po ay nakilahok sa forum on Strengthening the Barangay Nutrition Program, isang inisyatibo ng National Nutrition Council na naglalayong higit pang paigtingin ang pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa antas ng barangay.
Sa pamamagitan ng forum na ito, nabigyang-diin ang mahalagang papel ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Nutrition Committees, at mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mas malusog at mas maayos na pamumuhay para sa bawat pamilya.
“Programang Pangnutrisyon sa Barangay, Gawing Mahusay!” 💚
06/06/2026
𝘼 𝙉𝙚𝐰 𝘾𝙝𝒂𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙤𝙛 𝙎𝙚𝙧𝙫𝙞𝙘𝙚: 𝙊𝒂𝙩𝙝 𝙏𝒂𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙤𝙛 𝘾𝙝𝙧𝙞𝙨𝙩𝙞𝒂𝙣𝙫𝙞𝙡𝙡𝙚 𝙎𝙚𝙣𝙞𝙤𝙧 𝘾𝙞𝙩𝙞𝙯𝙚𝙣𝙨 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙚𝙧𝙨 📸💕
Isang group photo bago ang isinagawang Oath Taking Ceremony ng mga opisyal ng Christianville Senior Citizens kay Kapitana Josefina Bumanlag.
Nawa’y maging gabay ang pagkakaisa, dedikasyon, at malasakit sa kanilang panunungkulan upang lalo pang mapalakas ang serbisyo para sa ating mga senior citizens.
Congratulations at mabuhay ang bagong hanay ng mga opisyal! 🤍👏
06/06/2026
𝓗𝓪𝓹𝓹𝔂 𝓑𝓲𝓻𝓽𝓱𝓭𝓪𝔂, 𝓝𝓾𝓻𝓼𝓮 𝓔𝓶𝓶𝓪!
Noong Mayo 4, 2026, masaya nating ipinagdiwang ang kaarawan ng isa sa mga haligi ng serbisyo sa ating komunidad, ang ating Moonwalk Health Center Nurse na si Ma’am Emma Salvador. 🎉🎂
Ang mga taong naglilingkod nang may puso ay nag-iiwan ng magandang marka sa buhay ng bawat taong kanilang natutulungan. Maraming salamat po sa inyong malasakit at dedikasyon.
Maligayang Kaarawan pong muli, Ma’am Emma! 🎈
06/06/2026
𝓕𝓲𝓻𝓼𝓽 𝓜𝓸𝓷𝓭𝓪𝔂 𝓸𝓯 𝓜𝓪𝔂! 😍
Sa isinagawang Flag Ceremony ngayong unang Lunes ng Mayo, ating kinilala at ginawaran ang ating mga masisipag na Tanod, Drivers, VAWC Team, at Emergency Response Team para sa kanilang natatanging serbisyo at mga nagawa noong buwan ng Abril.
Pinarangalan din ang BDRRM Talon Singko at ang ating mga kababaihan para sa kanilang mga natamong parangal at aktibong pakikilahok sa pagdiriwang ng 𝑭𝒊𝒓𝒆 𝑷𝒓𝒆𝒗𝒆𝒏𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉
𝑾𝒐𝒎𝒆𝒏’𝒔 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉.
Maraming salamat sa inyong dedikasyon, sipag, at malasakit sa ating komunidad. Patuloy nating itaguyod ang serbisyong may puso para sa Talon Singko! 🤍🏆👏
*Incomplete Photo Documentation*
06/06/2026
𝓟𝓾𝓫𝓵𝓲𝓬 𝓑𝓾𝓭𝓰𝓮𝓽 𝓗𝓮𝓪𝓻𝓲𝓷𝓰 2026
Balikan ang matagumpay na Public Budget Hearing ng Barangay Talon Singko noong Abril 29, 2026.
Sa maayos at mabilis na pagdinig, naipasa ang budget ng ating barangay para sa taong ito. Buong suporta rin ang ipinahayag ng ating City Council sa mga programang at proyektong nakalatag para sa patuloy na pag-unlad ng Talon Singko.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng mahalagang hakbang na ito para sa ating komunidad. Sama-sama para sa mas maunlad na Talon Singko! 🤍
28/05/2026
💗 Take a Step for Your Health!💗
📍Talon Singko Health Center
🗓 TOMORROW | May 29, 2026
⏰8:00 AM – 5:00 PM
Ladies, don’t miss this chance to take care of your health! 💕
Avail FREE Cervical Cancer Screening (VIA) – a simple and safe way to detect early signs and protect your future.
👩⚕️Who should go?
Women ages 20–49 years old, especially those who have not been screened yet.
✨ Early detection saves lives!
✨ Quick, simple, and reliable
👉Don’t wait. Get screened. Stay healthy.