Nfa Albay Branch

Nfa Albay Branch

Share

'Tiyak na Bigas, Panatag ang Bukas!"

Photos from Nfa Albay Branch's post 17/06/2026

Hunyo 16, 2026

๐๐ˆ๐†๐€๐’ ๐’๐ˆ๐Œ๐๐Ž๐‹๐Ž ๐๐† ๐๐€๐†๐Š๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐€ ๐€๐“ ๐๐€๐†-๐€๐’๐€ ๐๐† ๐๐€๐–๐€๐“ ๐๐€๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐€ ๐’๐€ ๐Ž๐€๐’, ๐€๐‹๐๐€๐˜

Sa panahon ng hindi tiyak na sitwasyon, ang maagap na aksyon ang nagsisilbing sandigan ng bawat komunidad.

Bilang bahagi ng pagtugon ng Lokal na Pamahalaan ng Oas sa epekto ng energy at fuel crisis, isinagawa ang rice withdrawal mula sa Legazpi Warehouse ng NFA Albay upang matiyak na may sapat na suplay ng pagkain ang mga mamamayan sa oras ng pangangailangan.

Ito ay ipapamahagi sa bawat pamilya sa lahat ng barangay ng Oas ay inaasahang makatanggap ng 10 kilos ng bigas upang mabawasan ang pangamba at matiyak na may pagkain sa bawat hapag sa gitna ng mga hamong na dulot ng krisis sa enerhiya at suplay ng gasolina.







๐Ÿ“ธJohn Paul C. Molato

16/06/2026

๐๐Ÿ๐ŸŽ ๐๐„๐๐“๐„๐๐† ๐๐ˆ๐†๐€๐’, ๐†๐ˆ๐๐‡๐€๐–๐€๐๐† ๐‡๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐†๐ˆ๐“ ๐๐€ ๐Ÿ๐Ÿ,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐„๐๐„๐๐ˆ๐’๐˜๐€๐‘๐˜๐Ž!

Patuloy na nararamdaman ng mga mamamayan ang layunin ng pamahalaan na makapaghatid ng dekalidad at abot-kayang bigas sa pamamagitan ng P20 rice program.

Mula Hunyo 8 hanggang Hunyo 14, umabot sa 12,275 beneficiaries ang nakaavail ng P20 kada kilo ng bigas sa ibaโ€™t ibang FTI outlets na kasalukuyang nasa loob ng NFA Albay premises sa Albay at Catanduanes. Kabilang dito ang 2,500 beneficiaries sa Catanduanes, 2,000 sa Tabaco City, at 7,775 sa Legazpi Gid.

Sa parehong panahon, 2,455 sako ng bigas ang na-withdraw mula sa NFA Albay upang masuportahan and implementasyon ng programa ng mga katuwang na ahensya tulad ng FTI, Lokal na Pamahalaan (LGU), at Department of Labor and Employment (DOLE), upang matiyak na mas maraming pamilya ang magkakaroon ng access sa murang ngunit dekalidad na bigas.





15/06/2026

๐Œ๐€๐‡๐ˆ๐†๐ˆ๐“ ๐€๐๐ˆ๐Œ ๐๐€ ๐‹๐ˆ๐๐Ž๐๐† ๐’๐€๐Š๐Ž ๐๐† ๐๐€๐‹๐€๐˜, ๐๐€๐“๐”๐๐€๐˜ ๐๐† ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐“๐ˆ๐–๐€๐‹๐€ ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€!

Nakapagtala ng kabuang 6,008 sako ng palay na nabili, katumbas ng 74.17% accomplishment mula sa buwan ng Hunyo. Sa loob lamang ng Hunyo 8 hanggang 14, umabot sa 1,673 sako ng palay ang naiprocure ng sangay habang matagumpay na napagkalooban ng serbisyo ang 97 indibidwal na magsasaka at mga kooperatiba sa ibaโ€™t-ibang bodega ng NFA.





Photos from Nfa Albay Branch's post 15/06/2026
Photos from Nfa Albay Branch's post 08/06/2026

๐‡๐€๐๐€๐๐† ๐”๐’๐€๐๐€๐๐† ๐’๐‡๐€๐‘๐Œ๐€๐ˆ๐๐„, ๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐’๐„๐‘๐๐ˆ๐’๐˜๐Ž ๐’๐€ ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€!

โ€œOrangeโ€ ka pa rin ba?

โ€œSharmaineโ€ man ang gusto mong itawag sa sarili mo, ang mahalaga ay may sapat na bigas sa hapag bawat pamilyang Pilipino.

Habang abala ang social media sa paghahanap ng bagong pangalan para kay Orange, patuloy namang abala ang NFA Albay sa pagbili ng palay mula sa ating mga magsasaka, pagpapanatili ng buffer stocks at paghahanda ng sapat na suplay ng bigas para sa mga Albayano at Catanduganos

Mula Hunyo 1 hanggang 7, nakapagtala ang NFA Albay ng kabuuang 4,645 sako ng play na nabili mula sa mga magsasaka at kooperatiba sa ibaโ€™t ibang bahagi ng Albay at Catanduanes, patunay na patuloy na pagtitiwala sa programa ng pamahalaan.

Dahil anuman ang pangalan mo, Sharmaine, Vanessa, Melanie, o Orange, mas masarap pa rin ang usapan kapag may sapat at abot-kayang bigas sa mesa. At sa NFA Albay, tuloy-tuloy ang pagtatrabaho upang matiyak na may bigas na darating sa bawat hapag ng pamilya ng probinsya ng Albay at Catanduanes.





02/06/2026

๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐‹๐€๐Œ๐€๐๐† ๐“๐€๐‘๐†๐„๐“, ๐Š๐”๐๐ƒ๐ˆ ๐Š๐€๐๐€๐Š๐€๐๐€๐ ๐๐† ๐Œ๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐Š๐€ ๐€๐๐† ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐๐€ ๐๐ˆ๐๐€๐‡๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€๐‡๐€๐

Patuloy na umaarangkada ang program ng palay procurement ng NFA Albay habang dumarami ang mga magsasakang pinipiling ipagbili ang kanilang ani sa ahensya. Bunga ng patuloy na pagtitiwala at walang sawang serbisyo ng mga kawani, nakapagtala ang sangay ng 67,895 kabuuang sako ng palay na nabili, katumbas ng 209.55% accomplishment mula sa target na 32,400 sako para sa buwan ng Mayo 2026.

Sa loob lamang ng Mayo 25 hanggang Mayo 31, umabot sa 6,782 sako ng palay ang nabili ng sangay mula sa 842 na indibidwal na magsasaka at mga kooperatiba na napagkalooban ng serbisyo sa ibaโ€™t ibang bodega ng NFA Albay. Ang mga bilang na ito ay hindi lamang sumasalamin sa tagumpay ng procurement program kundi sa patiloy na pagtugon ng ahensya sa pangangailangan ng mga magsasakang naghahangad ng patas na presyo at maasahang pamilihan para sa kanilang ani.

๐™Ž๐™– #๐˜ฝ๐™–๐™œ๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™‹๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™จ
#๐™ฉ๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™จ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™—๐™ช๐™ ๐™–๐™จ
๐˜ผ๐™ฃ๐™œ #๐™‰๐™š๐™ฌ๐™‰๐™๐˜ผ
#๐™ˆ๐™–๐™ฎ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ๐™ˆ๐™–๐™–๐™–๐™จ๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™๐™ช๐™ข๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™œ๐™ค๐™ฃ
๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™™๐™ค๐™œ ๐™–๐™ฎ #๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฉ #๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™‹๐™–๐™ฉ๐™–๐™จ

Photos from Nfa Albay Branch's post 02/06/2026

๐“๐ˆ๐˜๐€๐Š ๐๐€ ๐ˆ๐Œ๐๐„๐๐“๐€๐‘๐˜๐Ž, ๐“๐ˆ๐˜๐€๐Š ๐๐€ ๐’๐”๐๐‹๐€๐˜!

โ€‹Mula Mayo 22 hanggang 28, matagumpay na isinagawa ng NFA Albay ang Semi-Annual Physical Inventory ng mga buffer stocks ng palay at bigas sa mga bodega nito. Ito ay bahagi ng patuloy na pagtitiyak sa integridad, kalidad, at wastong bilang ng mga nakaimbak na suplay ng pagkain.

โ€‹Sa pamamagitan ng masusing pagbilang, pagsusuri, at beripikasyon ng mga stock, tinitiyak ng ahensya ang katumpakan ng mga rekord. Layunin nitong masiguro ang kahandaan ng mga reserbang pagkain na magsisilbing sandigan ng pamahalaan sa panahon ng pangangailangan, sakuna, at iba pang kalamidad.

โ€‹Nakiisa rin sa naturang aktibidad ang mga kinatawan mula sa Commission on Audit (COA), Bicol Regional Office, at mga miyembro ng Inventory Committee ng sangay. Ang kanilang presensya ay patunay ng transparency upang matiyak na ang bawat sako ng palay at bigas na ipinagkatiwala sa ahensya ay maayos na naitala, ligtas, at napangangalagaan.

๐™Ž๐™– #๐˜ฝ๐™–๐™œ๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™‹๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™จ
#๐™ฉ๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™จ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™—๐™ช๐™ ๐™–๐™จ
๐˜ผ๐™ฃ๐™œ #๐™‰๐™š๐™ฌ๐™‰๐™๐˜ผ
#๐™ˆ๐™–๐™ฎ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ๐™ˆ๐™–๐™–๐™–๐™จ๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™๐™ช๐™ข๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™œ๐™ค๐™ฃ
๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™™๐™ค๐™œ ๐™–๐™ฎ #๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฉ #๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™‹๐™–๐™ฉ๐™–๐™จ

๐Ÿ“ธ Florante Reason; Charmaine Tato; Vevencio Balaori

Photos from Nfa Albay Branch's post 31/05/2026

๐“๐”๐‹๐Ž๐˜-๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐„๐Œ๐„๐‘๐†๐„๐๐‚๐˜ ๐Œ๐ˆ๐‹๐‹๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Š๐€๐‘๐€๐†๐ƒ๐€๐†๐€๐๐† ๐’๐”๐๐‹๐€๐˜ ๐๐† ๐๐ˆ๐†๐€๐’ ๐’๐€ ๐๐‘๐Ž๐๐ˆ๐๐’๐˜๐€ ๐๐† ๐€๐‹๐๐€๐˜

Tuloy-tuloy ang emergency milling operations ng sangay na sinimulan noong Mayo 29, nananatiling abala ang pamunuan at milling supervisors ng NFA Albay sa pangangasiwa ng paggiling ng mga na-withdraw na palay upang matiyak ang maagap na suplay ng bigas para sa mga lalawigan ng Albay at Catanduanes.

Sa kabila ng araw ng linggo, patuloy na binabantayan at sinusubaybayan ng mga kawani ang bawat yugto ng milling process upang masiguro ang kalidad ng bigas at napapanahong pagdagdag ng suplay ng bigas para sa P20 rice program at relief operations sa patuloy na pagaalburuto ng Bulkang Mayon at sakaling matinding panahon, o iba pang hindi inaasahang kalamidad sa rehiyon.

๐™Ž๐™– #๐˜ฝ๐™–๐™œ๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™‹๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™จ
#๐™ฉ๐™ž๐™ฎ๐™–๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™จ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™—๐™ช๐™ ๐™–๐™จ
๐˜ผ๐™ฃ๐™œ #๐™‰๐™š๐™ฌ๐™‰๐™๐˜ผ
#๐™ˆ๐™–๐™ฎ๐™ˆ๐™–๐™ก๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ๐™ˆ๐™–๐™–๐™–๐™จ๐™–๐™๐™–๐™ฃ๐™๐™ช๐™ข๐™ช๐™ฉ๐™ช๐™œ๐™ค๐™ฃ
๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™™๐™ค๐™œ ๐™–๐™ฎ #๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ฉ #๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ๐™‹๐™–๐™ฉ๐™–๐™จ

Want your business to be the top-listed Government Service in Legazpi?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Pier Site
Legazpi
4500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm