NFA Bicol

NFA Bicol

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from NFA Bicol, Public & Government Service, Barangay Dinagaan, Pier Site, Legazpi.

Photos from NFA Bicol's post 19/06/2026

𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗢𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗘𝗠𝗣𝗟𝗘𝗬𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗡𝗙𝗔 𝗕𝗜𝗖𝗢𝗟 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Upang matiyak ang maayos na integrasyon ng mga bagong hirang na empleyado sa organisasyon at mabigyan sila ng sapat na kaalaman hinggil sa mga polisiya, alituntunin, regulasyon, etika sa trabaho, at mga operasyonal na pamamaraan ng ahensya, nagsagawa ang National Food Athority Bicol Region ng dalawang araw na oryentasyon noong Hunyo 16–17, 2026 sa NFA Conference Room, Legazpi City.

Kabuuang labinsiyam (19) na bagong hirang na empleyado mula sa iba’t ibang sangay ng rehiyon ang lumahok at sumailalim sa naturang aktibidad bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa ahensya.
Kabuuang ulat sa comment section.




Kabuuang ulat sa comment section.

Photos from NFA Bicol's post 18/06/2026

𝟮𝗡𝗗 𝗤𝗨𝗔𝗥𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗪𝗜𝗗𝗘 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗧𝗔𝗡𝗘𝗢𝗨𝗦 𝗘𝗔𝗥𝗧𝗛𝗤𝗨𝗔𝗞𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗟𝗟 (𝗡𝗦𝗘𝗗)

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng ahensya sa harap ng mga sakuna at iba pang emergency na sitwasyon, aktibong nakilahok ang mga empleyado ng National Food Authority Bicol Region sa isinagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong ika-18 ng Hunyo 2026.

Sa pagsisimula ng drill, agad na isinagawa ng mga empleyado ang wastong “Duck, Cover, and Hold” procedure bilang paunang pagtugon sa senaryo ng lindol. Matapos ang itinakdang oras, maayos at sistematikong lumikas ang mga kawani patungo sa mga nakatalagang area habang sinusunod ang mga itinakdang safety protocol. Kasabay nito, nagsagawa ng inspeksyon at pagsusuri ang mga itinalagang personnel upang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasilidad at matukoy ang mga posibleng panganib.



Photos from Nfa Albay Branch's post 17/06/2026
17/06/2026

𝐏𝟐𝟎 𝐁𝐄𝐍𝐓𝐄𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒, 𝐆𝐈𝐍𝐇𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝟏𝟐,𝟎𝟎𝟎 𝐁𝐄𝐍𝐄𝐏𝐈𝐒𝐘𝐀𝐑𝐘𝐎!

Patuloy na nararamdaman ng mga mamamayan ang layunin ng pamahalaan na makapaghatid ng dekalidad at abot-kayang bigas sa pamamagitan ng P20 rice program.

Mula Hunyo 8 hanggang Hunyo 14, umabot sa 12,275 beneficiaries ang nakaavail ng P20 kada kilo ng bigas sa iba’t ibang FTI outlets na kasalukuyang nasa loob ng NFA Albay premises sa Albay at Catanduanes. Kabilang dito ang 2,500 beneficiaries sa Catanduanes, 2,000 sa Tabaco City, at 7,775 sa Legazpi Gid.

Sa parehong panahon, 2,455 sako ng bigas ang na-withdraw mula sa NFA Albay upang masuportahan and implementasyon ng programa ng mga katuwang na ahensya tulad ng FTI, Lokal na Pamahalaan (LGU), at Department of Labor and Employment (DOLE), upang matiyak na mas maraming pamilya ang magkakaroon ng access sa murang ngunit dekalidad na bigas.





Photos from NFA Bicol's post 16/06/2026

𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗡𝗙𝗔 𝗠𝗢𝗗𝗘𝗥𝗡𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡, 𝗔𝗟𝗕𝗔𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗜 𝗗𝗘𝗣𝗨𝗧𝗬 𝗔𝗗𝗠𝗜𝗡𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥 𝗛𝗘𝗥𝗠𝗔𝗡𝗢

Bilang bahagi ng patuloy na pagsubaybay sa pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura ng National Food Authority, personal na ininspeksyon ni Deputy Administrator John Robert R. Hermano ang mga proyektong sa ilalim ng NFA Modernization Program sa Libon, Albay.

Kasunod ng inspeksyon, nagsagawa rin ng pagpupulong si Deputy Administrator Hermano kasama ang mga kinatawan ng Grains Innovation and Solutions Co Incorporated at SBR Center Builders Incorporated. Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng mga proyekto, mga hamong kinakaharap sa implementasyon, at mga estratehiyang kinakailangan upang matiyak ang matagumpay na pagtatapos ng mga ito.

Bukod dito, pinag-usapan din ang proposed Site Development Plan para sa lupang ipinagkaloob ng South Luzon Federation of Cooperatives (SIDECO) sa Irosin, Sorsogon. Ang nasabing plano ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng NFA na palawakin at palakasin ang mga pasilidad na susuporta sa modernisasyon ng sektor ng agrikultura at sa pagpapahusay ng mga serbisyo para sa mga magsasaka.


16/06/2026

📣

Photos from Nfa Albay Branch's post 16/06/2026

𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗕𝗨𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗕𝗨𝗟𝗟𝗘𝗧𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗙𝗔 𝗔𝗟𝗕𝗔𝗬 𝗕𝗥𝗔𝗡𝗖𝗛 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 (𝗝𝗨𝗡𝗘 𝟭𝟱 - 𝟮𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲)

Photos from NFA Bicol's post 15/06/2026

𝗣𝗔𝗡𝗨𝗡𝗨𝗠𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗨𝗡𝗚𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗡𝗙𝗔 𝗘𝗔 𝗕𝗜𝗖𝗢𝗟 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡

Pormal na nanumpa sa kanilang katungkulan ang mga bagong halal na opisyal ng National Food Authority Employees Association (NFA EA) – Bicol Region noong Hunyo 10, 2026 sa NFA Conference Room, Legazpi City para sa terminong 2026–2029.

Pinangunahan ng pamunuan ng NFA Bicol Region ang seremonya ng panunumpa bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa organisasyon at sa mahalagang papel nito sa pagtataguyod ng kapakanan, pagkakaisa, at propesyonal na pag-unlad ng mga kawani ng ahensya.

Kabuuang ulat sa comment section.


15/06/2026

𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗕𝗨𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗕𝗨𝗟𝗟𝗘𝗧𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗙𝗔 𝗦𝗢𝗥𝗦𝗢𝗚𝗢𝗡 𝗕𝗥𝗔𝗡𝗖𝗛 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 (𝗝𝗨𝗡𝗘 𝟭𝟱-𝟮𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲)

📣

15/06/2026

𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗕𝗨𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗕𝗨𝗟𝗟𝗘𝗧𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗙𝗔 𝗖𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗘𝗡𝗦 𝗦𝗨𝗥 𝗕𝗥𝗔𝗡𝗖𝗛 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 (𝗝𝗨𝗡𝗘 𝟭𝟱-𝟮𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲)

Want your business to be the top-listed Government Service in Legazpi?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Barangay Dinagaan, Pier Site
Legazpi
4500