KAP Layson

KAP Layson

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from KAP Layson, Government Organization, Dela Cruz Lim Subd Brgy San Francisco, Mabalacat.

21/06/2026
Photos from KAP Layson's post 19/06/2026

🩸 π†πŽπŽπƒ 𝐍𝐄𝐖𝐒! 🩸

πŒπŽπ€ π’πˆπ†ππˆππ† π…πŽπ‘ ππ‹πŽπŽπƒ πƒπŽππ€π“πˆπŽπ πƒπ‘πˆπ•π„

Masayang ibinabalita ng Barangay San Francisco na tayo ay nakipagkasundo at lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Sacred Heart Hospital para sa pagsasagawa ng isang Blood Donation Drive Program para sa ating komunidad.

Layunin ng programang ito na makalikom ng dugo mula sa mga boluntaryong donor at maipon ito sa Blood Bank ng Sacred Heart Hospital. Sa ilalim ng ating kasunduan, magkakaroon ng 60/40 blood sharing arrangement na magbibigay ng malaking benepisyo sa mga residente ng Barangay San Francisco.

Sa oras na may residenteng mangailangan ng dugo, maaari tayong humingi ng tulong mula sa Sacred Heart Hospital at magkaroon ng access sa dugo nang LIBRE, alinsunod sa mga patakaran ng programa.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas magiging madali at mabilis ang pagkuha ng dugo para sa ating mga kababayan sa oras ng pangangailangan, anuman ang blood type, nang hindi na kinakailangang maghanap pa sa iba't ibang lugar.

Inaanyayahan at hinihikayat namin ang lahat ng kwalipikadong residente na maging blood donor at makiisa sa programang ito. Ang isang simpleng donasyon ay maaaring makapagligtas ng buhay.

❀️ Magbigay ng dugo. Magbigay ng pag-asa. Magligtas ng buhay.





10/06/2026

𝗕𝗨π—ͺπ—”π—‘π—”π—‘π—š π—£π—”π— π—”π— π—”π—›π—”π—šπ—œ π—‘π—š π— π—”π—œπ—‘π—§π—˜π—‘π—”π—‘π—–π—˜ π— π—˜π——π—œπ—–π—œπ—‘π—˜π—¦ πŸ’Šβ€οΈ

Ngayong June 10, 2026, matagumpay na muling nagsagawa ang Barangay San Francisco ng buwanang pamamahagi ng maintenance medicines para sa ating mga residente.

Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 485 residente ang regular na nakatatanggap ng kanilang buwanang maintenance na gamot sa pamamagitan ng programang ito.

Patuloy nating isinusulong ang mga programang pangkalusugan upang makatulong sa ating mga kabarangay at mapangalagaan ang kanilang kalusugan.

Maraming salamat kay Punong Barangay Robert Layson, sa mga kagawad, Barangay Health Workers, at sa lahat ng tumutulong upang maging matagumpay ang programang ito.

09/06/2026

πŸ“’ π‘π„πŒπˆππƒπ„π‘ | πƒπˆπ’π“π‘πˆππ”π“πˆπŽπ πŽπ… πŒπ„πƒπˆπ‚πˆππ„π’

Mga ka-barangay, magkakaroon po ng Distribution of Medicines sa:

πŸ“… June 10, 2026 (Wednesday)
⏰ 8:00 AM – 12:00 PM
πŸ“ Brgy Hall

βœ… Huwag kalimutang dalhin ang inyong Medical Card upang maayos at mabilis ang pagkuha ng gamot.

Maraming salamat po at manatiling malusog! πŸ’™πŸ’Š

04/06/2026

πŸŽ¨πŸ“š ππ‘πˆπ†π€πƒπ€ π„π’πŠπ–π„π‹π€ πŸπŸŽπŸπŸ”

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng School Year 2026–2027, nagkaloob ng pintura ang Barangay San Francisco sa San Francisco Elementary School bilang suporta sa programa ng Brigada Eskwela.

Kasama ang ating mga kagawad, barangay workers, at mga boluntaryo, sama-sama nating pininturahan at inayos ang mga silid-aralan upang maging mas maayos, malinis, at kaaya-ayang lugar para sa ating mga mag-aaral.

Ang gawaing ito ay patunay na sa pamamagitan ng bayanihan at pagtutulungan ng komunidad, mas napaghahandaan natin ang kinabukasan ng ating mga kabataan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong para sa matagumpay na Brigada Eskwela 2026!

Photos from KAP Layson's post 02/06/2026
26/05/2026

πŸ“š π‹πˆππ‘π„ππ† ππŽπ“π„ππŽπŽπŠ πƒπˆπ’π“π‘πˆππ”π“πˆπŽπ ✨

β€œHindi hadlang ang kakulangan kung may komunidad na handang tumulong. ❀️

Mahigit 1,900 na estudyante mula elementary hanggang high school ang nabigyan ng libreng notebook ng Barangay San Francisco bilang suporta sa kanilang pag-aaral ngayong pasukan.

Simpleng notebook man para sa iba, ngunit para sa maraming kabataan, isa itong dagdag inspirasyon upang ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.

Patunay na kapag nagkakaisa ang komunidad para sa edukasyon, mas maraming kabataan ang mabibigyan ng pag-asa para sa mas magandang kinabukasan. ✨

24/05/2026

βœ‚οΈ π‹πˆππ‘π„ππ† πŽππ„π‘π€π“πˆπŽπ π“π”π‹πˆ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ

Matagumpay pong naisagawa ang 1st at 2nd Batch ng Libreng Operation Tuli ng Barangay San Francisco kung saan umabot sa kabuuang 350 kabataan ang nabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi at tumulong upang maging matagumpay ang programang ito.

Maraming salamat po sa:
β€’ Mga Barangay Workers
β€’ Midwives from RHU
β€’ Philippine Air Force
β€’ Acciona EEI
β€’ Eagles Club Lakan Maharlika II

Gayundin sa lahat ng volunteers, medical team, at mga magulang na nakiisa sa programa.

Patuloy po nating pagkaisahan ang mga programang naglalayong makatulong at makapaghatid ng serbisyong may malasakit para sa ating komunidad

Photos from KAP Layson's post 22/05/2026

πŸŒ™ Time check: 10:02PM
Busy ang lahat sa pagbalot ng mga notebook para sa distribution bukas para sa ating mga mag-aaral na residente ng Brgy. San Francisco. πŸ“šβ€οΈ

Maraming salamat sa lahat ng tumutulong at sumusuporta para mapasaya ang ating mga kabataan. Kita-kits bukas! πŸ™Œβœ¨

20/05/2026

πŸ“’ π—₯π—˜π— π—œπ—‘π——π—˜π—₯ 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—§π—”π—šπ—” 𝗣𝗨π—₯π—’π—ž 𝟰, 𝟱 & 𝟲

Bukas na po ang inyong schedule para sa pag-claim ng Stub sa Notebook πŸ“
⏰ 8:00 AM – 12:00 PM ONLY

πŸ“Œ Huwag kalimutang dalhin ang:
βœ”οΈ Last School Year I.D
βœ”οΈ Proof of Enrollment

Maraming salamat po at pakisabihan na rin ang iba. 😊

Want your business to be the top-listed Government Service in Mabalacat?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Dela Cruz Lim Subd Brgy San Francisco
Mabalacat
2010

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm