22/06/2026
PANUNUMPA NG MGA OPISYAL NG RAINBOW TIGERS
Pinangunahan ni Mayor Menchie Abalos ang panunumpa ng mga opisyal ng Rainbow Tigers mula sa iba't ibang barangay sa lungsod sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, kaugnay sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo.
Patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang suporta nito sa LGBTQIA+ community at ang pagsusulong ng isang inklusibo at mapagkalingang lungsod para sa bawat Mandaleño.
22/06/2026
OPISYAL NA PAGLULUNSAD AT TURN-OVER NG MANDALUYONG SA RIGHT TO CARE (RTC) CARD
Isang makabuluhan at makasaysayang hakbang tungo sa mas inklusibo at makataong paglilingkod ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, Sangguniang Panlungsod, at ng Gender and Development Department sa pamamagitan ng opisyal na paglulunsad at turn-over ng Right to Care (RTC) Card, alinsunod sa City Ordinance No. 1048, s. 2026 o ang “Mandaluyong City Health Care Proxy Ordinance of 2026”.
Layon ng programang ito na kilalanin at pangalagaan ang karapatan ng mga LGBTQIA+ partners at common-law spouses sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang magpasya at kumatawan sa isa’t isa sa mga usaping medikal at pangkalusugan.
MAHALAGANG PAALALA: Hinihikayat ang publiko na umantabay at hintayin ang opisyal na anunsyo hinggil sa iskedyul at proseso ng pagpaparehistro para sa Right to Care (RTC) Card..
22/06/2026
OPISYAL NA PAGLULUNSAD NG RIGHT TO CARE CARD NG MANDALUYONG
Ganyan ang isa sa mga inklusibong hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, katuwang ang Gender and Development Department, sa paglunsad ang Right to Care Card ngayong Lunes, Hunyo 22, 2026, bilang pakikiisa sa paggunita ng Pride Month ngayong Hunyo.
Ang Right to Care (RTC) Card ay alinsunod sa City Ordinance No. 1048, S-2026 o ang “Mandaluyong City Health Care Proxy Ordinance of 2026,” na naglalayong bigyan ng karapatan ang mga LGBTQIA+ partners at common-law spouses na magdesisyon at kumatawan sa isa’t isa sa usaping medikal at pangkalusugan, kabilang ang pagpayag sa medical treatment, pag-access sa impormasyon ng pasyente, at iba pang kaugnay na serbisyong pangkalusugan.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang adbokasiya nito para sa pagkakapantay-pantay, dignidad, at inklusibong serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng Mandaleño.
MAHALAGANG PAALALA: Umantabay at hintayin ang opisyal na araw ng pagpapa-register para sa RTC Card.
🌈LOVE HAS NO GENDER🌈
21/06/2026
MANDALUYONG CITY FLOOD UPDATE
As of JUNE 21, 2026
Time: 7:40pm
CODE B - NOT PASSABLE TO ALL LIGHT VEHICLES
Brgy. New Zaniga
- Boni F. Ortigas
21/06/2026
MANDALUYONG CITY FLOOD UPDATE
As of JUNE 21, 2026
Time: 7:23 pm
CODE A - MADADAANAN NG SASAKYAN
Brgy.Barangka Drive (infront of Bonifaci Javier School)
CODE A - MADADAANAN NG SASAKYAN
Brgy.New Zaniga
-P.cruz cor Ilopez
-P.Cruz cor Blaseteros
-Boni cor. F. Ortigas
CODE A - MADADAANAN NG SASAKYAN
Brgy.Addition Hills
-Acacia Lane
CODE A - MADADAANAN NG SASAKYAN
Brgy.Hagdan Bato Libis
-M.Yulo - Code A
CODE A - MADADAANAN NG SASAKYAN
Brgy. Bagong Silang
-Shaw Blvd (infront of Max)
CODE A - MADADAANAN NG SASAKYAN
Brgy. Daang Bakal
-Haig St.
Brgy. Old Zaniga
-J Vicencio
21/06/2026
FATHER'S DAY 2026
Tinuturing haligi ng tahanan, ngunit ang mga ama ay higit pang mas matibay sa isang pader na nananatiling matatag at matibay upang protektahan at gabayan ang kanilang pamilya sa gitna ng anumang hamon.
Sa paggunita ng , bigyang-pugay at pasalamatan natin ang lahat ng mga tatay na buong pusong nagtataguyod, gumagabay, at responsableng nag-aaruga sa kanilang mga anak at minamahal sa buhay. Sa kanilang walang sawang pagsisikap at pagmamahal, patuloy silang nagsisilbing inspirasyon at sandigan ng bawat pamilyang Pilipino.
20/06/2026
UTILITY CABLES GROOMING SA MANDALUYONG
Nagsagawa ng grooming ng utility cables sa BARANGAY PLAINVIEW:
- BULALAKAW ST.
- KISLAP ST.
Ito ay bahagi ng Phase 1 ng Integrated Underground Wiring and Utilities Structure (IUWUS) Plan ng Mandaluyong na patuloy na isinasagawa ng pamahalaang lungsod sa pamumuno nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva at Sangguniang Panlungsod.
Ang mga susunod na hakbang sa IUWUS Plan ay ilipat ang mga kawad ng kuryente at utility cables sa ilalim ng lupa upang masiguro ang kaligtasan, kalinisan at kaayusan ng kapaligiran sa Mandaluyong.
20/06/2026
SERVICE ADVISORY - MANDALUYONG: EMERGENCY leak repair at Don Bosco Kalentong, Mandaluyong, from 10:00 PM
of June 20, 2026 to 4:00 AM of June 21, 2026, causing temporary water interruption in parts of Brgy. Pag-asa.
19/06/2026
MANDALUYONG CITY FLOOD UPDATE
As of JUNE 19, 2026
Time: 3:15 PM
CODE A- MADADAANAN NG SASAKYAN
Barangay Hagdan Bato Libis
- Shaw Acacia lane
Barangay New Zaniga
-Ballesteros
- F. Ortigas