22/06/2026
Iwasan ang pagtatapon ng basura kung saan-saan. Ito ang isa sa mga pangunahing sanhi ng pagbabara ng mga drainage, kanal, creek, at ilog na nagdudulot ng pagbaha lalo na ngayong tag-ulan.
Makibahagi sa lingguhang paglilinis ng ating barangay sa mga kanal. Tuwing Sabado ay may Clean-up Drive na isinasagawa sa bawat barangay. Sama-sama nating pangalagaan ang kalinisan ng ating kapaligiran para sa isang ligtas at maayos na komunidad. 🌿♻️🌧️
17/06/2026
Nakipagpulong ang Hepe ng Mandaluyong Solid Waste Management Office na si Ms. Corazon L. Salcedo kay Kap. Jaja Jose ng Barangay Hulo Official upang talakayin at ayusin ang mga kinakailangang proseso para magamit na ang bioreactor na ipinagkaloob ng DOST. Kasama rin sa pulong si Sir Sherwin Nahial ng Cemd Mandaluyong upang magbigay ng paliwanag at gabay hinggil sa mga kinakailangang pagsasaayos ng pasilidad ng Materials Recovery Facility (MRF) ng Barangay Hulo para sa maayos at epektibong operasyon ng nasabing bioreactor.
17/06/2026
Nagkaroon ng Information, Education, and Communication (IEC) Campaign ang Mandaluyong Solid Waste Management Office na pinamumunuan ni Ms. Corazon L. Salcedo sa Barangay San Jose sa pangunguna ni Kap. Joan Batan. Ang pangunahing paksa ng aktibidad ay ang composting na itinuro ng mga MRF Staff ng Solid Waste. Nagkaroon din ng demonstrasyon hinggil sa tamang proseso ng paggawa ng Takakura Composting at Lasagna Composting upang higit na maunawaan ng mga residente ang wastong pamamahala at pagproseso ng biodegradable na basura.
12/06/2026
“𝑴𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔, 𝑳𝒖𝒏𝒕𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏.”
11/06/2026
The Mandaluyong Solid Waste Management Office participated in the 2nd Quarter Unified WQMA Governing Board Meeting and presented the Solid Waste Cluster's data and accomplishments for the quarterly report.
09/06/2026
A Ceremonial Signing of the Memorandum of Agreement (MOA) was held for the turnover of the system operations of the Mobile Material Recovery Facility (MMRF) under the “Recyclables Mo, Palit Groceries Ko” Project.
The event was attended by Ms. Corazon L. Salcedo, Head of the Mandaluyong Solid Waste Management Office, to formally mark the implementation of the project in Barangay Old Zaniga. This initiative was made possible through the support and assistance of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
The project aims to promote proper waste segregation and recycling while encouraging community participation in sustainable solid waste management practices.
05/06/2026
🌍💚 WORLD ENVIRONMENT DAY | June 5
Sa simpleng pagkilos, nagsisimula ang malaking pagbabago. Sama-sama nating pangalagaan ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng wastong paghihiwalay ng basura, pagbabawas ng paggamit ng single-use plastics, pagre-recycle, at pagpapanatiling malinis ng ating komunidad.
Ngayong World Environment Day, ating ipakita na ang bawat isa ay may mahalagang papel sa pagprotekta sa kalikasan para sa susunod na henerasyon.
🌱 Maliit na hakbang ngayon, mas luntiang kinabukasan bukas.