IKAW NA BA ANG SUSUNOD NA ARNIS CHAMPION?
Inaanyayahan ang lahat ng mga Batang Balagtas na interesadong sumali sa ating Arnis Tryout. Ito ay gaganapin sa Bulwagang Balagtas (Social Hall) sa June 16 para sa mga batang lalake at June 17 para sa mga batang babae sa ganap na 1:30 nang hapon. Maghanda ng 1 minutong hiphop dance.
Hanapin lamang si Ma'am Jean E. Villanueva para sa karagdagang impormasyon.
Francisco Balagtas Elementary School
Official page
FBES since 1916
#tatakBalagtas
Where Excellence Begins
09/06/2026
PARENTS' ORIENTATION, ISINAGAWA
Bilang bahagi ng Opening Block ng school year 2026-2027, nagsagawa ng Parents' Orientation ang Paaralan. PInangunahan ito ng pamunuan ng Paaralan sa pangunguna nila Mr. Benedick A. Verona, Master Teacher II, at nang mga tagapagtaguyod ng guidance education na sina Mrs. Estrella B. Estrella, Master Teacher I at Mrs. Mary Ann E. Macavinta, Guidance Advocate para sa Key Stage 1. Dinaluhan ito ng mga magulang, tagapangalaga at mga stakeholders.
Matapos nito ay dumalo naman sa homeroom orientation at eleksyon ng homeroom PTA officers ang mga magulang at tagapangalaga upang mas maunawaan ang mga pagbabagong bitbit ng panibagong taon nang panuruan.
08/06/2026
WELCOME BACK, MGA BATANG BALAGTAS!
Kamusta naman ang first day of classes ninyo? Nawa ay ipagpatuloy nyo ang sipag sa pagpasok araw-araw at siguradong marami kayong matututunan sa loob at labas ng ating Paaralan!
Maraming salamat po sa mga magulang na matiyagang gumising nang maaga upang maihanda ang mga pangangailangan ng kanilang mga Batang Balagtas na nagbabalik-paaralan.
Salamat din po sa ating mga community stakeholders, gaya ng ating mga barangay officials at mga kawani ng Manila Police District - Alvarez P*P para sa inyong assistance sa ating mga Batang Balagtas!
07/06/2026
ORAS AT GATE NG PASUKAN AT LABASAN
Sa mga minamahal naming mga magulang at tagapangalaga, nais po naming ipabatid sa inyo ang opisyal na Oras at Gate para sa Pasukan at Labasan ng mga Batang Balagtas.
Makatutulong po ito upang malaman ninyo ang tamang oras ng kanilang pagpasok at pag uwi sa ating Paaralan.
07/06/2026
WELCOME BACK TO SCHOOL MGA BATANG BALAGTAS!
Handa na ba kayong pumasok, mga Batang Balagtas?
Ihanda na ang mga gamit sa eskwela, bagong uniporme at syempre, ang inyong sarili!
Matulog nang maaga at iwasan na ang pagpupuyat.
Magkita kita tayo bukas sa ating paaralan.
Sa ganap na 6:00 nang umaga
Ang mga batang Grade One, Two, at Three ay mag-a-assembly sa Alvarez Street
Ang mga batang Grade Four, Five, at Six ay mag-a-assembly sa ating Covered School Grounds
Hanapin lamang ang inyong mga bagong g**o at ipakilala ang inyong sarili.
Kita-kits bukas, mga Batang Balagtas!
07/06/2026
📣 Paalala sa Lahat ng Magulang at Tagapag-alaga
Malugod po naming inaanyayahan ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na makiisa sa pagbubukas ng klase. Ang inyong presensya at suporta ay mahalaga sa matagumpay na panibagong taong panuruan ng ating mga mag-aaral.
Sama-sama po nating simulan ang ligtas, maayos, at makabuluhang pag-aaral para sa ating mga anak.
Maraming salamat po!
03/06/2026
HAPPENING NOW:
Dr. Reynaldo S. Pineda, Jr., Rhain Pineda PSDS-in-charge presides the directional meeting of Master Teachers together with Mrs. Rosemarie Bonillo Ponce, Principal IV of Francisco Balagtas Elementary School.
These series of meetings are done to ensure the smooth opening of classes for the school
year 2026-2027.
02/06/2026
With grateful hearts, we extend our sincerest appreciation to our beloved alumni and sponsors for your generous support and assistance during our Brigada Eskwela. Your kindness, time, effort, and donations truly made a big difference in helping prepare our school for another meaningful school year.
Thank you for being one with us in the spirit of bayanihan. May God bless you abundantly for your generosity and good hearts.
Medel Laña
Batch 1994 headed by Anya Ayna
Susana Delos Santos
Reynaldo Kadano
02/06/2026
HAPPENING NOW:
As part of the preparations for the upcoming Opening of Classes for the School Year 2026-2027, Mrs. Rosemarie Bonillo Ponce, Principal IV of Francisco Balagtas Elementary School leads the directional meeting together with Master Teachers and Administrative Personnel.
29/05/2026
ENROLLMENT NA!
​Patuloy pa po ang pagpapatala sa Francisco Balagtas Elementary School (FBaES) para sa School Year 2026-2027! Narito ang mahahalagang detalye para sa ating mga mag-aaral sa Kindergarten.
Ikaw na lang ang kulang, mag-enroll na sa FBaES!
See you there, future Batang Balagtas! 💚✨
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Alvarez Street , Sta. Cruz
Manila
1003
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |
