15/05/2026
๐๐๐๐ฆ๐จ๐ฅ๐ ๐๐ก๐ ๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐๐จ๐๐จ๐ ๐๐ง ๐๐ฆ๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐ก๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐, ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก๐ง๐๐ฃ๐๐๐ข ๐๐ง ๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐จ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก!
๐๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ฉ๐ข๐บ๐ข๐จ ๐ฏ๐จ ๐๐ฆ๐ง๐ฆ๐ฏ๐ฅ ๐๐ ๐๐ญ๐ญ๐ช๐ข๐ฏ๐ค๐ฆ โ ๐๐ฐ๐ถ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ณ๐ฏ ๐๐ข๐จ๐ข๐ญ๐ฐ๐จ
Kami, ang nagkakaisang hanay ng mga estudyante, g**o, mananaliksik, manggagawang pang-akademiya at mamamayan ng Timog Katagalugan, ay naghahayag ng mariing pagkundena at pagtutol sa Reframed General Education (GE) Curriculum na ipinipilit ng Commission on Higher Education (CHED). Habang nakalubog sa krisis ang sektor ng edukasyonโmatagal nang kakulangan sa silid-aralan, pagkait ng nakasasapat na badyet sa mga pampublikong paaralan, komodipikasyon sa iskema ng matrikula, at kabi-kabilang pag-atake sa akademikong kalayaanโinuuna pa ng CHED ang ibayong neoliberalisasyon sa sistemang edukasyon.
Ito ay malinaw na garapalang pagpapabansot sa sistemang edukasyon at tuwirang pagtaliwas sa konstitusyonal na gampanin nito na palakasin ang pagkamakabayan, kritikal na pagsusuri, pananagutan at kamulatang panlipunan na itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987.
Hindi mapasusubalian na ang oryentasyon ng Reframed GE Curriculum ay pagtugon sa kahingian ng malalaki at dayuhang mga kapitalista sa murang lakas-paggawa. Makikita ito sa: (1) pag-iimbento ng mga pilit na kursong may hungkag na pagsasanay at kumikitil sa malayang pag-iisip; (2) dispalinghadong โpaglalapatโ ng etika, pilosopiya at araling Pilipino; (3) tahasang pagtatanggal o pagpapalabnaw sa humanidades, kasaysayan, agham panlipunan, matematika at edukasyong pangkatawan, mga larang na humuhubog sa pag-unawa natin sa ating sarili, kapwa at lipunan; (4) pagbansot sa 'syensya' mula sa mapagpalaya at transpormatibong oryentasyon nito tungo sa paglikha ng kimi at masunuring mga empleyado; at (5) kawalan ng oportunidad na makilala ang sariling wika, panitikan at kultura alang-alang sa baluktot na konsepsyon ng โGlobal Citizenshipโ.
Matatandaang inalis ang mga kursong Filipino at Panitikan bilang core subjects sa kolehiyo sa bisa ng CHED Memorandum Order No. 20, series of 2013. Hindi nito pinahahalagahan ang ating wika't panitikan na mga di-masasaid na balon ng ating pagkakakilanlan. Itinutuloy rin ng Reframed GE Curriculum ang matagal nang padron mula pa noong panahon ng Amerikano at sa ilalim ng neoliberalismo: Sa halip na palayain ang kaisipan at baguhin ang lipunan, ang siyensya ay ginagawa lamang instrumento sa teknikal na pagsasanay ng mura at sunod-sunurang lakas-paggawa. Ang Reframed GE Curriculum, sa madaling salita, ay hindi na bago โ isang nanunumbalik na multo na nag-iiba lang ng balatkayo.
Hindi lamang payak na โcurriculum reformโ ang Reframed GE Curriculum na nagpapaunti ng units at nagpapaikli ng mga taon sa kolehiyo. Ito ay banta sa kabuhayan ng mahigit-kumulang na 60,000 hanggang 90,000 kaguruan. Nakaamba na naman ang paglobo ng kaso ng kontraktwalisasyon, reassignment, misalignment ng trabaho at kawalan ng kasiguraduhan sa trabaho tulad noong kasagsagan ng implementasyon ng K to 12 Curriculum at CHED Memorandum no. 20, s. 2013. Daragdag ang mga g**ong ito sa milyon-milyong walang trabaho sa bansa.
Batay sa Philippine Statistics Authority, may mahigit 2.58 milyong unemployed at 6.03 milyong underemployed na mga Pilipino nitong Marso. Ayon naman sa IBON Foundation, umaabot sa 7.2 milyon ang walang trabaho kung isasama ang mga nakatagong kawalang-empleyo.
Sa kabila ng ilang ulit na mga โreporma sa edukasyon,โ ipinapakita ng malubhang kawalan at kakulangan sa empleyo na hindi totoong 'kakapusan sa kasanayan' ang problema. Ang tunay na suliranin ay isang ekonomiyang nakasalig sa pag-import ng mga produkto, nakatuon sa pag-export ng labor, at nasa kontrol ng dayuhan. Ang Reframed GE Curriculum ay hindi tugon kundi siya mismong kasangkapan ng ganitong kaayusan: ginagawa nitong mga pabrika ang mga paaralan upang magluwas ng mura at masunuring manggagawang magiging ruweda sa makinarya ng monopolyong kapital.
Ang kamakailan na postponement ng CHED sa "pilot testing" ng Reframed GE Curriculum ay hindi tanda ng tapat na pakikinig sa mga kritiko. Ginagamit lang ng ahensya ang pagkaantala upang higit na mapadulas ang pagpapatupad nito. Sa halip na komprehensibong balik-aralan ang GE at makipagkaisa sa mga stakeholder, nagkukumahog ang CHED na "ihanda" o brasuhin ang mga institusyon para sa puspusan at tuluyang implementasyon nito.
Naninindigan ang Defend GE Alliance - Southern Tagalog na ang GE Curriculum ay hindi lamang kalipunan ng mga required course. Kailanman, hindi dapat na ituring ito bilang 'employability essential kits' lamang. Ang mga unibersidad ay kanlungan ng holistikong pagbabanyuhay, himpilan ng radikal at malikhaing pagpapahayag, tanggulan ng mga demokratikong karapatan at kuta ng kalayaan at mga mithiin.
Kaya naman, taas-kamao kaming nananawagan at kagyat na nagtutulak sa Commission on Higher Education na:
1. Iurong at ibasura ang Reframed General Education Curriculum;
2. Buwagin ang kasalukuyang Technical Panel for General Education (TPGE) at bumuo ng tunay, inklusibo at prinsipyadong kahalili nito na magrerepaso at magpapaunlad sa GE Curriculum;
3. Panatilihin at palakasin ang Humanities at Social Sciences bilang bahagi ng GE Curriculum;
4. Ibalik bilang GE core courses ang tinanggal na mga kurso sa Filipino, Panitikan at Araling Pilipino;
5. Itaguyod ang agham para sa tunay na pambansang kaunlaran at pagbabago;
6. Igalang at isulong ang kalayaang akademiko at palagiang kumonsulta sa lahat ng stakeholders ng sektor ng edukasyon; at
7. Itaguyod ang interes ng sambayanang Pilipino at isulong ang pambansa, siyentipiko at pangmasang tipo ng GE at edukasyon sa kabuoan na tutugon sa hamon ng panahon.
Ang edukasyon ay marapat na tagapaglingkod ng mamamayan, daan tungo sa kamulatan, sandata laban sa kaapihan, tagapangalaga ng kalayaan at pag-aangkin sa ating kinabukasan!
๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐๐จ๐๐จ๐ , ๐๐๐๐ฆ๐จ๐ฅ๐!
๐๐ฆ๐จ๐๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ก๐ฆ๐, ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก๐ง๐๐ฃ๐๐๐ข ๐๐ง ๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐จ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก!
๐ฆ๐๐ฅ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ฆ๐ ๐ง๐๐ข, ๐๐จ๐ช๐๐ ๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐ก๐๐๐ข๐ฆ๐ฌ๐ข!