Kagawad Gayle Ocampo

Kagawad Gayle Ocampo

Share

Sama-sama tayo sa Garantisado at Oganisadong pagkamit ng umaagos na pag-unlad sa kinabukasan! ☝🏻

12/06/2026

𝐌𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬!

Ngayong Araw ng Kasarinlan, ating gunitain at bigyang-pugay ang tapang, sakripisyo, at pagkakaisa ng mga bayaning nagbigay sa atin ng kalayaan. Patuloy nating itaguyod ang isang maunlad, nagkakaisa, at malayang kinabukasan para sa bawat Pilipino.

Isang makabuluhang Araw ng Kalayaan sa ating lahat!

08/06/2026

Ang lindol ay maaaring mangyari anumang oras, kaya mahalagang maging handa upang mapanatiling ligtas ang ating sarili at pamilya.

Alamin ang mga ligtas na lugar sa inyong tahanan.

Maghanda ng emergency o go bag na may tubig, pagkain, flashlight, first aid kit, at mahahalagang dokumento.

Magkaroon ng family emergency plan.

Makinig at sumunod sa mga abiso ng barangay at mga kinauukulan.

Kapag lumindol, tandaan ang:
DUCK – Yumuko
COVER – Magtago sa ilalim ng matibay na mesa o bagay
HOLD – Kumapit hanggang tumigil ang pagyanig

Ang kahandaan ngayon ay kaligtasan bukas. Sama-sama tayong maging alerto, handa, at responsable para sa mas ligtas na komunidad.

Ligtas ang may alam!

Paalala mula kay:
Kagawad Gayle Ocampo




Photos from Kagawad Gayle Ocampo's post 06/06/2026

𝐁𝐈𝐘𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐆𝐀𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐈 𝐍𝐆 𝐉𝐂𝐒𝐕!

Isang mapagpalang araw sa inyong lahat!

Bigyang-pugay at pasalamatan ang walang-pagod na serbisyo ng ating mga masisipag na Guards at Parking Attendants sa Dambanang Biyaya, Jaime Cardinal Sin Village (JCSV), Punta, Sta. Ana, Manila. Kayo ang nagsisilbing bantay at gabay para mapanatiling ligtas at maayos ang ating Parokya at Village.

Bilang pagkilala at pasasalamat sa inyong dedikasyon, naghatid po ng munting pamamahagi ng biyayang bigas ang inyong lingkod, Kagawad Gayle Ocampo.

Ang munting pasasalamat na ito ay simbolo ng ating pagkakaisa at pagpapahalaga sa inyong sipag. Patuloy po tayong magtutulungan para sa mas ligtas, maayos, at mapagpalang komunidad!

Maraming salamat po sa inyong serbisyo at pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal!

𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐀𝐘 𝐁𝐈𝐘𝐀𝐘𝐀!




Photos from Parokya ng Ina ng Laging Saklolo, Jaime Cardinal Sin Village, Punta's post 30/05/2026
29/05/2026

Happy Birthday, Former Kagawad Ga***rd Ocampo! 🎉

Nawa’y pagpalain ka ng Panginoon ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at patuloy na tagumpay sa iyong buhay.

Maraming salamat sa iyong patuloy na paglilingkod at malasakit sa komunidad.

Hangad namin ang iyong kasiyahan sa espesyal na araw na ito kasama ang pamilya at iyong mga mahal sa buhay. Nawa’y mas marami ka pang biyayang matanggap at inspirasyong maibahagi sa iba.

𝑩𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓 𝑷𝒍𝒂𝒏
𝑩𝒆𝒕𝒕𝒆𝒓 𝑭𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆!

28/05/2026

SAFETY REMINDER DURING SCATTERED THUNDERSTORMS ⚠️

As scattered thunderstorms continue to affect our area, everyone is advised to stay alert and prioritize safety at all times.

🌧️ Remember to:
✔️ Stay indoors during heavy rain and lightning
✔️ Avoid flooded areas and unnecessary travel
✔️ Unplug electrical appliances when not in use
✔️ Keep updated with weather advisories from official sources

Your safety and the safety of your family should always come first. Let us work together to keep our community safe and prepared during inclement weather.

Stay safe!

A Reminder from:
Kagawad Gayle Ocampo




25/05/2026

📢 LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION PARA SA INYONG MGA ALAGA! 🐾

Mga ka-Barangay! Protektahan natin ang ating mga pamilya at komunidad sa pamamagitan ng pagiging responsableng pet owners.

Inaanyayahan po namin kayo sa gaganaping Libreng Bakuna laban sa Rabies para sa inyong mga alagang a*o at pusa, handog ng ating Konsehal Joel Elmer Par, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, at ng Veterinary Inspection Board (VIB).

📅 DETALYE NG AKTIBIDAD:
• Araw: Huwebes, Mayo 28, 2026
• Oras: 8:00 AM hanggang 12:00 NN
• Lugar: Along F. Roxas St. infront of Kagawad Atoy’s Store

📝 MAHALAGANG PAALALA AT DIREKSYON:

• Pagkuha ng Form: Maaari na pong kumuha ng registration form nang maaga sa ating Barangay Hall o kay Kagawad Gayle Ocampo.

• Bilang ng Alaga: Sa bawat isang (1) form, maaari nang isama at ilista ang hanggang apat (4) na alagang a*o o pusa.

• Kaligtasan ng Lahat: Hangga't maaari, pakilagyan po ng busal (muzzle) o tali ang inyong mga alaga upang maiwasan ang untoward incidents at hindi makapahamak ng iba sa pila.

• Kalusugan ng Alaga: Siguraduhin po na ang dadalhing a*o o pusa ay walang sakit at hindi buntis upang maging ligtas ang pagbabakuna sa kanila.

Ang malusog na alaga ay ligtas na pamilya. Magkita-kita po tayo ngayong darating na Huwebes!

Maraming Salamat po!

15/05/2026

PARA SA LAHAT NG KABARANGAY NG 892

Inaanyayahan po namin kayong dumalo sa aming programa ngayong darating na Sabado. Layunin po naming maghatid ng serbisyo para sa inyo.

Kailan: May 16, 2026 (Sabado)
Saan: 3190 F. Roxas St. (Cornes Compound)
Oras: 9:30am

Narito ang mga libreng serbisyong naghihintay sa inyo:
• Libreng Gupit
• Libreng Gamot (Maintenance)
• Libreng Almusal
• Libreng Meryenda

Ang programa na ito ay hatid sa inyo ng Garantisado at Organisado!

Kita-kits po tayo para sa mas magandang kinabukasan!

Better Plan, Better Future!

14/05/2026

Happy Birthday, Kagawad Gayle Ocampo!

Wishing you a day filled with joy and a year of continued success in your service to the community. Thank you for your hard work and dedication. May you have many more years of good health and happiness!

14/05/2026

✨ A Celebration of Unity and Faith ✨

The F. Roxas Youth Organization cordially invites you to join us in a spiritual homecoming as we celebrate our annual community milestone.

In the spirit of the Santacruzan, we gather to offer our deepest gratitude for the blessings of the past year and to pray for continued unity and strength within our community.

• WHAT: Thanksgiving Mass
• WHEN: May 16, 2026 (Saturday)
• TIME: 8:00 AM
• WHERE: 3190 F. Roxas St., Sta. Ana, Manila

Why We Gather?

This mass serves as the heart of our Santacruzan festivities. It is a time for us to reflect on our shared heritage, celebrate and come together as one community under the guidance of faith.

"Coming together is a beginning; keeping together is progress; working together is success."



Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Barangay 892
Manila
1009