Metro Manila Daily News

Metro Manila Daily News

Share

Philippine Trending News

Photos from Metro Manila Daily News's post 21/06/2026

PRIDE RUN 🏳️‍🌈

Nagsama-sama ang mga running enthusiast, LGBTQIA+ members at allies sa Manila leg ng Pride Run sa Mall of Asia Complex.

17/06/2026

SPECIAL NON-WORKING DAY SA MAYNILA

Idineklara ng Malacañang ang Hunyo 24, 2026 bilang special non-working day sa Lungsod ng Maynila kaugnay ng pagdiriwang ng ika-455 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

Ayon sa proklamasyong nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga Manileño na makiisa at makalahok sa mga aktibidad para sa naturang pagdiriwang.

Kasabay nito, nakatakdang ihatid ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang State of the City Address sa Quirino Grandstand sa nasabing araw.

Photos from Metro Manila Daily News's post 11/06/2026

CONGRATS, GRADUATES! 🎓🌈

The Quezon City government holds its third graduation rites for the members of the LGBTQIA+ community on Thursday.

Quezon City Mayor Joy Belmonte said that more individuals joined this year as they finally marched in their gender-affirming attire.

Photos from Metro Manila Daily News's post 11/06/2026

Ang Chinese actress na si Zhang Yingfei, na kilala sa viral role bilang “Linda Walker” sa micro-drama series The Heiress Who Won With Brains, bumisita sa Quezon City High School nitong Martes, June 9.

Sa kanyang pagbisita, nagbigay siya ng inspirasyonal na talumpati sa mga kabataan bilang bahagi ng kampanyang “Education for a Better Future” ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII), na layuning itaguyod ang kahalagahan ng edukasyon.

Mainit siyang tinanggap ni Joy Belmonte kasama ang mga opisyal ng paaralan at mga estudyanteng dumalo sa programa.

📸 Quezon City Government

Photos from Metro Manila Daily News's post 05/06/2026

BALIK-BANSA NA 🇵🇭

Ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ang 15 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) na inilikas mula sa Israel kasunod ng pagpapatupad ng ceasefire.

Sila ang ikalawang batch ng mga OFW na na-repatriate matapos muling magbalik sa normal ang operasyon ng Ben Gurion International Airport.

📸: Department of Migrant Workers

Photos from Metro Manila Daily News's post 04/06/2026

Senator Jinggoy Estrada, together with three of his co-accused, appeared before the Sandiganbayan in Quezon City on Thursday for the arraignment of their plunder case involving the alleged P573 million in kickbacks from flood control projects.

03/06/2026

Sa kaniyang Facebook live, nanindigan si Sen. Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang lehitimong Senate president. Ito'y matapos mahalal bilang Senate president pro tempore si Sen. Sherwin Gatchalian.

Photos from Metro Manila Daily News's post 30/05/2026

SUNOG SA BASECO COMPOUND

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Gasangan, Baseco Compound sa Port Area, Manila ngayong Sabado, Mayo 30.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas na sa ikatlong alarma ang sunog bandang 11:34 a.m. habang patuloy ang pagresponde ng mga bumbero sa lugar.

📸: Philippine Red Cross/Facebook

29/05/2026

LOOK: Senator Jinggoy Estrada arrives at the Sandiganbayan with members of his family and legal counsel on Friday, May 29, 2026, to post bail in connection with his graft case.

Photos from Metro Manila Daily News's post 25/05/2026

VP Sara Duterte, bumisita sa Our Lady of Fatima Parish Church sa Quezon City

Nagbahagi si Vice President Sara Duterte ng ilang larawan sa social media matapos ang kanyang pagbisita sa Our Lady of Fatima Parish Church sa Quezon City noong Marso.

“Buong puso ang ating pasasalamat sa pagkakataong mabisita ang Our Lady of Fatima Parish Church sa Quezon City noong Marso. Ipinagdasal natin ang kapayapaan ng ating mga komunidad at ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa, lalo na sa gitna ng krisis na ating hinaharap bunsod ng kaguluhan sa Gitnang Silangan,” ani Duterte.

“Patuloy tayong maging matatag sa gitna ng mga pagsubok at hamon sa buhay,” dagdag pa niya.

Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Manila
1007