Development Studies Society

Development Studies Society

Share

est. 1997 โ€ข Ang Opisyal na Pang-Akademikong Organisasyon ng Araling Pangkaunlaran ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila

The Development Studies Society is an organization based in the University of the Philippines Manila which aims to recognize and promote the welfare of the Development Studies students, protect and uphold the rights of the student body, and commit the organization to the ideals of academic excellence, human rights, social justice and nationalism. Ang teoryang hindi tinatambalan ng praktika ay baog. Ang praktikang hindi ginagabayan ng teorya ay bulag.

Photos from Development Studies Society's post 19/06/2026

๐Œ๐€๐๐€๐ˆ๐“ ๐€๐“ ๐Œ๐€๐๐”๐‹๐€ ๐€๐๐† ๐€๐๐ˆ ๐๐† ๐€๐’๐”๐Š๐€๐‹ ๐’๐€ ๐๐„๐†๐‘๐Ž๐’

Kilala ang Negros bilang โ€œsugar bowlโ€ dahil sa mga tanim nitong tubo. Itinatanim at inaani ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa Negros ang asukal na nagpatatamis sa ating mga kinakain at iniinom. Ngunit para sa kanila, ang asukal na ito ay mapait at mapula dahil kaakibat nito ang dugo na inialay para ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa at kabuhayan. Ang puwersa ng berdugo at pasistang militar sa isla ng Negros ay nagpapakita ng pagprotekta sa mga panginoong maylupa at malalaking burgesya komprador na patuloy na nagpapahirap sa mga magsasaka at manggagawang bukid. Dahil sa walang habas na pamamaslang ng militar, tinaguriang โ€œmassacre capitalโ€ ang isla ng Negros.

Nanatiling mahirap ang mga mamamayan ng Negros dahil sa pyudal at malapyudal na pananamantala. Marami ang inaalam ang kahirapan na dinaranas ng mga mamamayan kaya sila ay nakipapamuhay. Hindi kailanman naging mali ang paglubog sa komunidad ng mga batayang sektor, dahil higit kailanman, kinakailangan nila ng tulong at suporta mula sa mas malawak pang hanay ng masa. Kamakailan lamang, pinaslang ng berdugong militar ang kapwa iskolar ng bayan na sina Maureen Santuyo at Alyssa Alano, na ang tanging layunin ay makipamuhay sa mga magsasaka at alamin ang kanilang danas. Malinaw na ito ay paglabag sa International Humanitarian Law, kaya nararapat na pagbayarin ang pasistang estado at berdugong militar para sa mga buhay na kinitil nila.

Dahil sa patuloy na pamamasista at pangangamkam sa lupa ng mga magsasaka, hindi nakapagtataka kung bakit patuloy ang pag-aklas ng sambayanan sa lipunang malakolonyal at malapyudal. Ang pananamantala na ito ay ang nag-uudyok sa sambayanan na tumangan sa hindi pangkaraniwang landas upang ipaglaban ang kanilang karapatan, kabuhayan, at upang tunay na mapalaya ang sambayanan.

Sa patuloy nating laban para sa tunay na reporma sa lupa, alalahanin natin ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay. Patuloy nating singilin ang rehimeng US-Marcos-Duterte na patuloy na naghahari-harian sa kanilang mga puwesto, habang ang mga magsasaka ay naghihirap at dumadanak ng dugo para sa kanilang kabuhayan.

๐ˆ๐๐”๐“๐€๐๐† ๐๐€ ๐ƒ๐”๐†๐Ž ๐๐† ๐๐€๐’๐ˆ๐’๐“๐€๐๐† ๐‘๐„๐‡๐ˆ๐Œ๐„๐, ๐’๐ˆ๐๐†๐ˆ๐‹๐ˆ๐, ๐๐€๐†๐๐€๐˜๐€๐‘๐ˆ๐!
๐Œ๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐€๐‘ ๐’๐€ ๐Š๐€๐๐€๐˜๐”๐๐€๐, ๐๐€๐‹๐€๐˜๐€๐’๐ˆ๐!
๐“๐”๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐‘๐„๐๐Ž๐‘๐Œ๐€ ๐’๐€ ๐‹๐”๐๐€, ๐ˆ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐!


12/06/2026

Mahigit isang siglo na ang nakalipas nang iwinagayway ng sambayanang Pilipino ang watawat ng kalayaan matapos ang matagumpay na pakikibaka laban sa kolonyalismong Espanyol. Bunga ito ng dugo, pawis, at buhay na inialay ng mga rebolusyonaryong Pilipino upang ipagtanggol ang bayan at itaguyod ang isang malaya at nagsasariling bansa.

Sa paggunita ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, binibigyang-pugay natin ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kasarinlan ng bansa. Ngunit nananatiling hungkag ang pagdiriwang kung ang kalayaang ipinagdiriwang ay hindi ganap na nararanasan ng mamamayan. Bagamat matagal nang nagwakas ang tuwirang kolonyal na paghahari, nananatili ang iba't ibang anyo ng dayuhang kontrol sa bansa sa pamamagitan ng mga kasunduang militar, dominasyon sa ekonomiya, at pakikialam sa mga usaping pampulitika, partikular ng imperyalistang US.

Sa ilalim ng sistemang malakolonyal at malapyudal, nananatiling atrasado ang ekonomiya, walang lupa ang milyun-milyong magsasaka, mababa ang sahod ng mga manggagawa, at pinagkakaitan ng disenteng kinabukasan ang kabataan. Habang patuloy na binubuksan ang likas na yaman at mga estratehikong industriya sa dayuhang kapital, lalo namang lumalalim ang kahirapan at nananatiling mailap ang tunay na pambansang industriyalisasyon.

Ang patuloy na panghihimasok ng imperyalistang US sa ating bansa ay isang banta sa ating soberanya. Malinaw na manipestasyon niyo ay ang Balikatan Exercises, mga taunang ehersisyong militar na ginagamit upang higit pang patatagin ang presensyang militar ng US sa bansa; EDCA Bases, na nagsisilbing tuntungan ng mga tropang dayuhan sa loob ng ating teritoryo; at Pax Silica Initiative, isa pang mekanismo ng pagpapalalim ng dominasyon ng US sa ating ekonomiya at teknolohiya. Ang lahat ng ito ay banta sa kaligtasan ng ating bansa at komunidad. Sa halip na ilaan ang pondo para sa batayang serbisyo, ay inilalaan pa ito upang patuloy na magdulot ng panganib sa ating bansa.

Hindi maihihiwalay sa kalagayang ito ang papel ng mga naghaharing-uri at mga opisyal na nagsisilbi sa interes ng dayuhan sa halip na ng sambayanan. Kabalintunaan ang kawalang-respeto ng ilang halal na opisyal sa diwa ng Konstitusyon at demokratikong pananagutan sa gitna ng laganap na korapsyon, pag-abuso sa kapangyarihan, at pagtalikod sa tungkulin sa bayan. Ang kanilang pagkikibit-balikat sa pandarambong sa kaban ng bayan ay hindi lamang paglabag sa tiwala ng mamamayan kundi paglapastangan din sa sakripisyo ng mga bayaning Pilipinong nag-alay ng buhay para sa kalayaan.

Libu-libong buhay at danak ng dugo ang itinaya upang makamit ang kalayaan, ngunit ngayon ay nakawan sa kaban ng bayan, pang-aabuso sa kapangyarihan, at pagsupil sa demokratikong karapatan ang ipinangangalandakan ng mga dapat sana'y tagapagtanggol ng pambansang kasarinlan. Makikita nating kasing-hirap labanan ang mga makasariling kababayang nagsisilbi sa interes ng dayuhan gaya ng paglaban sa mga dayuhang mananakop mismo.

Tayo man ay pormal nang nakalaya mula sa kolonyal na paghahari, patuloy pa rin tayong humaharap sa iba't ibang anyo ng pananakopโ€”hindi lamang mula sa mga imperyalistang dayuhan kundi maging mula sa mga Pilipinong nagsisilbing tagapagtaguyod ng dayuhang interes sa ating sariling bayan. Hangga't nananatiling nakatali ang ekonomiya, pulitika, at militar ng bansa sa imperyalismong US at sa interes ng iilang naghaharing-uri, hindi pa ganap na malaya ang Pilipinas.

Ang pinakamataas na pagpupugay sa mga bayani ng bansa ay hindi lamang paggunita sa kanilang kabayanihan kundi ang pagpapatuloy sa kanilang sinimulang laban. Sa ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, nananawagan tayo sa sambayanang Pilipino na ipagpatuloy ang pakikibaka para sa tunay na pambansang kasarinlan, demokrasya, at katarungang panlipunan. Ang kalayaan ay hindi lamang ginugunitaโ€”ito ay patuloy na ipinaglalaban.

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†-๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—จ๐—ฆ, ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ฎ, ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด-๐˜‚๐—ฟ๐—ถ. ๐—œ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜†-๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ถ๐—น.

๐—œ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ป!
๐—ช๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ!
๐—ž๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ!
๐—จ๐—ฆ ๐—ง๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ฝ๐˜€, ๐—ข๐˜‚๐˜ ๐—ก๐—ผ๐˜„!


Photos from Development Studies Society's post 05/06/2026

๐ค๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ง๐ข๐ฒ๐จ ๐ฉ๐จ ๐›๐š ๐ฌ๐ข ๐ฌ๐ก๐š๐ซ๐ฆ๐š๐ข๐ง๐ž? ๐ŸŠ

hindi namin kilala si sharmaine PERO๐Ÿ‘€ kilala namin ang mga natatanging ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐€๐œ๐ก๐ข๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐ซ๐š๐ง na napagtagumpayan ang ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐’๐ž๐ฆ๐ž๐ฌ๐ญ๐ซ๐ž ng ๐€.๐˜. ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”! ๐ŸŒป

Aming pinagpupugayan ang inyong pagpapamalas ng kahusayan at tapang para harapin ang mga hamon ng nakaraang semestre. Ang inyong tagumpay nawa ay maging paalala sa tungkulin ninyo bilang mga iskolar ng kaunlaran. Ang pag-aaral ng mga teorya ay hindi dapat nalilimita sa mga pader ng ating pamantasan. Ito dapat ay isinasapraktika sa patuloy na pakikibaka ng masaโ€”mula sa welga ng mga manggagawa hanggang sa sakahan ng mga magsasaka sa kanayunan. Patuloy ninyong i-alay ang husay at talino para paglingkuran ang sambayanan tungo sa ganap na kalayaan at kaunlaran!

Padayon, DevStud! ๐Ÿ”ป



Pub by: Krishna Cuyugan, Marco Macalintal, Marla Frange

03/06/2026

KABATAAN, MAKIISA SA LABAN NG MASA!

Dama ng mamamayang Pilipino ang krisis sa ilalim ng rehimeng US-Marcos na patuloy ang paggamit ng whole-of-nation approach para sugpuin ang mamamayang lumalaban. Nakikita ang tumitinding militarisasyon sa kanayunan tulad ng nangyaring pamamaslang ng berdugong AFP sa Toboso 19. Ang ganitong represyon ay dama rin ng mga estudyante sa kalunsuran. Lumalala ang red-tagging ng NTF-ELCAC sa mga kabataang-aktibista at ang mga represibong polisiya sa mga unibersidad na yumuyurak sa kalayaang pang-akademiko ng mga estudyante.

Tumataas ang matrikula, lumalala ang kawalan ng katiyakan sa kinabukasan, at lumalayo ang neoliberal na edukasyon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan. Sa ganitong kalagayan, maraming estudyante ang nagsisimulang magtanong at magalit, bakit ganito ang sistema at sino ang tunay na nakikinabang dito? Saan ang kinalalagyan ng estudyante sa laban ng masa?

Sumama sa ating Educational Discussion ngayong Biyernes, Hunyo 5 (1-4 PM), sa pagtalakay sa papel ng kapangyarihang estudyante sa malawak na pakikibaka ng masa. Sama-sama nating suriin kung paano nahuhubog ang kamalayang estudyante sa gitna ng krisis, bakit mahalaga ang konkretong pag-unawa sa kalagayan ng masa, at kung bakit walang tunay na kapangyarihang estudyante kung hiwalay ito sa masa.

Susundan ito ng pagkilos at cultural night.
๐Ÿ”ป 4:00 PM - Assembly @ CAS Tambayan
๐Ÿ”ป 4:30 PM - Protest Action @ CAS Gate
๐Ÿ”ป 6:00 PM - Cultural Night @ CAS Oblation

Makilahok at makiisa sa laban para sa ating karapatan!



Photos from Development Studies Society's post 29/05/2026

๐“๐ก๐จ๐ฎ๐ฌ๐š๐ง๐๐ฌ ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐จ๐ฎ๐ฌ๐š๐ง๐๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐ฆ๐š๐ซ๐ญ๐ฒ๐ซ๐ฌ ๐ก๐š๐ฏ๐ž ๐ก๐ž๐ซ๐จ๐ข๐œ๐š๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐ฅ๐š๐ข๐ ๐๐จ๐ฐ๐ง ๐ญ๐ก๐ž๐ข๐ซ ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฉ๐ž๐จ๐ฉ๐ฅ๐ž; ๐ฅ๐ž๐ญ ๐ฎ๐ฌ ๐ก๐จ๐ฅ๐ ๐ญ๐ก๐ž๐ข๐ซ ๐›๐š๐ง๐ง๐ž๐ซ ๐ก๐ข๐ ๐ก ๐š๐ง๐ ๐ฆ๐š๐ซ๐œ๐ก ๐š๐ก๐ž๐š๐ ๐š๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐ฉ๐š๐ญ๐ก ๐œ๐ซ๐ข๐ฆ๐ฌ๐จ๐ง ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ญ๐ก๐ž๐ข๐ซ ๐›๐ฅ๐จ๐จ๐! - ๐Œ๐š๐จ ๐™๐ž๐๐จ๐ง๐ 

As time moves forward, we must continue to carry on the struggle of our fallen comrades. The world will not stop turning, and the fascist attacks against the people will persist. We must carry our grief with us and transform it into fuel that further ignites our militant spirit.

The struggle of the masses will continue, and the legacy of Maureen Keil Santuyo, Errol Wendel, and the Negros 19 will continue to haunt the reactionary government through the collective action of the people fighting for justice, for the defense of human rights, and for genuine national development and sovereignty.

JUSTICE FOR MAUREEN SANTUYO AND ERROL WENDEL! JUSTICE FOR NEGROS 19!



24/05/2026

Neoliberal education has confined development research within the halls of the academe, for the sole purpose of meeting publication requirements and keeping them out of reach from the masses it claimed to inquire about. Knowledge monopolies restrict the creation and dissemination of knowledge within elite platforms through costly paywalls and bureaucratic publication processes, rather than sparking collective and critical dialogue.

Development research must, first and foremost, be shaped by the experiences and struggles of marginalized communities. As development scholars, we must actively dismantle the colonial, elitist, and bureaucratic research structure that has shielded vital knowledge away from the masses. Research must be co-created with communities as a form of collective resistance against the status quo.

The Development Studies Program - UP Manila and Development Studies Society invite everyone to this year's thesis colloquium, ๐Š๐‘๐ˆ๐“๐ˆ๐Š๐€๐”๐’๐–๐€๐†๐€๐: ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐‘๐ž๐ฌ๐ž๐š๐ซ๐œ๐ก ๐๐ซ๐š๐ฑ๐ข๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”. Witness the effort undertaken by Development Studies students as they integrate theory with practice in empowering communities, amplifying their struggles, and championing social transformation.

๐Ÿ“… ๐Œ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
โฐ ๐Ÿ–:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ - ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ
๐Ÿ“ ๐†๐ฎ๐ฌ๐š๐ฅ๐ข๐ง๐  ๐€๐ง๐๐ซ๐ž๐ฌ ๐๐จ๐ง๐ข๐Ÿ๐š๐œ๐ข๐จ ๐‘๐ฆ. ๐Ÿ‘๐ŸŽ๐Ÿ‘

Interested participants may register through the link below:
๐Ÿ”— https://bit.ly/Kritikauswagan2026
๐Ÿ”— https://bit.ly/Kritikauswagan2026
๐Ÿ”— https://bit.ly/Kritikauswagan2026

12/05/2026

DUTERTE, PANAGUTIN! PASISTANG REHIMEN, IBAGSAK!

Sa lilim ng nagbabanggaang trapoโ€™t dinastiya, muling umalingawngaw ang kabulukan ng naghaharing uri. Habang nilulunod sa gutom, mababang sahod, at kawalan ng kabuhayan ang sambayanan, abala naman ang mga warlord ng kapangyarihan sa Senado sa pag-ukit ng panibagong alyansa upang iligtas ang isaโ€™t isa sa bingit ng pananagutan. Muling sumulpot si Bato dela Rosa, anino ng madugong gera kontra maralita, kasabay ng maniobrang nagluklok kay Cayetano sa trono ng Senado habang umiigting ang usapin ng impeachment ni Sara Duterte. Hindi ito simpleng โ€œpulitikaโ€; isa itong maruming sayaw ng mga naghaharing paksyon upang protektahan ang kanilang dinastikong imperyo at pigilan ang pag-usad ng hustisya.

Habang nag-aagawan sila sa kapangyarihan, lalong ibinabaon sa kahirapan ang masa. Ang Senado ay hindi tahanan ng serbisyo publiko kundi pugad ng mga pasistang berdugo, kroni, at mga tagapangalaga ng bulok na kaayusang pinaghaharian ng mga Duterte at Marcos, mga pamilyang paulit-ulit na nagpapalit lamang ng mukha ng paghahari ngunit iisa ang layunin: panatilihin ang kontrol sa yaman at estado habang dinudurog ang mamamayan. Ang kanilang mga alyansa ay hindi para sa bayan kundi para sa sariling kaligtasan laban sa lumalakas na sigaw para sa hustisya.

Ngunit hindi habambuhay malilinlang ang sambayanan. Habang ang mga elitistaโ€™y nagkukubli sa likod ng mga engrandeng talumpati at drama sa Senado, patuloy namang lumalakas ang galit ng mamamayan laban sa pasismo, korapsyon, at paghaharing dinastiko. Hindi sapat ang pagpapalit ng mga mukha sa poder kung nananatili ang sistemang alipin ng imperyalismo at naghaharing-uri. Ang tunay na pagbabago ay hindi magmumula sa bulok na bulwagan ng Senado kundi sa sama-samang pagkilos ng mamamayan, sa lansangan, pabrika, paaralan, at komunidad. Panagutin ang mga berdugo. Durugin ang kultura ng impunidad. Ibagsak ang naghaharing dinastiyaโ€™t elitistang naghuhumiyaw sa kapangyarihan habang nilulunod sa dusa ang bayan!

Panagutin ang mga magnanakaw at mamamatay-tao! SUMAMA SA PAGKILOS BUKAS!
๐Ÿ—“๏ธ May 13, 2026
โฐ 10 AM
๐Ÿ“ Senate Building

Photos from Development Studies Society's post 04/05/2026

๐’๐€๐’๐€๐๐‹๐€๐˜? ๐’๐€๐’๐€๐๐‹๐€๐˜ ๐๐€ ๐˜๐€๐! ๐ŸŒป

Introducing our brand new ๐„๐๐€๐Œ๐„๐‹ ๐๐ˆ๐๐’โ€”just in time for Sablay szn! Wear with pride, for only ๐๐ก๐ฉ ๐Ÿ๐Ÿ๐ŸŽ.

The new enamel pins show the official Development Studies Society logo, adorned with the Sablayโ€”signifying the role of DevStud students in serving the masses beyond their academic journey and outside the classrooms.

Buy yours through the link below:
๐Ÿ”— https://bit.ly/3OENMiT
๐Ÿ”— https://bit.ly/3OENMiT
๐Ÿ”— https://bit.ly/3OENMiT

(practice muna๐Ÿ˜‰) Padayon, DevStud!

03/05/2026

Ngayong , kaisa ang Development Studies Society (DevSoc) sa panawagang hustisya para kay RJ Ledesma, community journalist na pinaslang ng estado sa Negros, at agarang pagpapalaya kay Frenchie Mae Cumpio, kasama si Marielle Domequil, na ikinulong gamit ang mga gawa-gawang kaso sa Tacloban City.

Sa kabila ng mahalagang gampanin ng mga mamamahayag sa usapin ng katotohanan at impormasyon, patuloy silang kumakaharap ng pananakot, ibaโ€™t ibang porma ng intimidasyon, at panunupil. Ayon sa 2026 World Press Freedom Index, bumaba mula 49.57 patungong 46.79 ang press freedom score ng Pilipinas, isang indikasyon na malapit nang maabot ng bansa ang โ€˜very seriousโ€™ red zone ng kabuuang panunupil sa midya.

Tinatala ng Reporters Without Borders na isa ang Pilipinas sa mga bansang pinakadelikado sa buong mundo para sa mga mamamahayag. Sa Pilipinas, ang mga katulad nila RJ at Frenchie Mae ay tinitignan bilang mga kaaway ng estado dahil sa kanilang pakikiisa sa mga batayang sektor ng lipunan, pagkwestyon sa kawalan ng katarungan, at paghatid ng mga tunay na impormasyong maglilingkod sa masa.

Hindi naman nalalayo ang kalagayang ito sa mga mamamahayag sa ibang bansa katulad ng Gaza at Iran, na kumakaharap din ng malaking banta sa kanilang kaligtasan at kalayaan dahil sa kanilang pagbabalita tungkol sa henosidyo at gyerang agresyon sa kanilang lugar. Sa ganitong usapin, hindi lamang ang karapatan sa malayang pamamahayag ang kinikitil ng estado. Pinagkakaitan din nito ang mga mamamayan ng kaalaman sa gitna ng samot-saring panlilinlang dulot ng malalaking makinarya ng disimpormasyon.

๐—ž๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐—ฑ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฏ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฆ๐—ผ๐—ฐ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด. ๐—œ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ-๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ผ ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—ฐ๐—น๐—ผ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐Ÿฑ! ๐—›๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ฅ๐— ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ถ๐—ธ๐˜๐—ถ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ง๐—ผ๐—ฏ๐—ผ๐˜€๐—ผ, ๐—ก๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ผ๐˜€ ๐—ข๐—ฐ๐—ฐ๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น!

Ang laban para sa malayang pamamahayag ay laban din ng mas malawak na hanay ng sambayanang Pilipino para sa tunay na kaunlaran at demokrasya. Hanggaโ€™t hindi napapanagot ang estado sa karahasan nito, magpapatuloy ang laban ng mamamayan para sa panlipunang hustisya.




30/04/2026

๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™ ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ช, ๐™š๐™ง๐™ง๐™ค๐™ก, ๐™ง๐™Ÿ, ๐™–๐™ก๐™ฎ๐™จ๐™จ๐™–, ๐™–๐™ฉ ๐™จ๐™– ๐™ž๐™—๐™– ๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ž๐™ง ๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ.

๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ, ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฑ๐˜ข ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ด๐˜ช๐˜ฌ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ช๐˜ฎ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ด๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ด ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ, ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ. ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ข๐˜ญ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ต ๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ต๐˜ข๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฉ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜บ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏโ€”๐˜ช๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ช๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ด๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ.

๐™ก๐™ช๐™—๐™ค๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ข๐™–๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ก,
๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™–๐™œ๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™ ๐™ช๐™ง๐™–๐™ฃ

ยท ยท โ”€ ยท๐Ÿ”ปยท โ”€ ยท ยท

Ito ang "๐™‹๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ก ๐™–๐™ฉ ๐™†๐™ช๐™ ๐™ค"โ€”ang opisyal na produksyon ng Development Studies sa Socsciyaw 2026, sa ilalim ng direksyon ni Angel Ann Dela Cruz.

๐™Ž๐™„๐™‚๐˜ผ๐™’ ๐™‰๐™‚ ๐™๐˜ผ๐™๐™ˆ๐˜ฝ๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐˜ฝ๐™„๐™†๐™๐™„๐™ˆ๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐™„๐™Ž๐™๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™€๐™Ž๐™๐˜ผ๐˜ฟ๐™Šโ€”๐™ƒ๐™๐™Ž๐™๐™„๐™Ž๐™”๐˜ผ!



Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


College Of Arts And Sciences, P. Faura Street
Manila