Public Recreations Bureau - Manila

Public Recreations Bureau - Manila

Share

The official page of Public Recreations Bureau headed by Alipio S.

Morabe Jr., Officer in Charge under the leadership of Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

14/05/2026

https://www.facebook.com/share/18xuoW23oQ/

JUST IN: “Dito sa Maynila, may gobyerno” — Mayor Isko tiniyak na tuloy ang serbisyo ng lungsod sa gitna ng tensyong pampulitika

Sa kanyang Talk to the People broadcast, programa ng Manila Public Information Office, nanawagan si Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ng panalangin para sa mga lider ng bansa at tiniyak na tuloy-tuloy ang serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga Manileño.

“Manalangin tayo sa Diyos na lumiwanag ang kaisipan ng mga lider ng ating bansa. Sana magkaroon na tayo ng kapanatagan sa pulitika ng ating bansa,” ani Mayor Isko.

Kasabay nito, tiniyak din ng alkalde na tuloy-tuloy lang ang takbo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

"Dito sa Maynila, tuloy ang gobyerno, Dito sa Maynila, may gobyerno, At sa Maynila, we are on track. We will deliver what we have committed to you, no matter what."



E-jhay Clamor Talagtag
City Information Officer


14/05/2026

https://www.facebook.com/share/1CMKVaXMbA/

ADVISORY: Inanunsyo ng Meralco na isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid sa Yellow Alert at Red Alert ngayong Mayo 14, 2026, dahil sa kakulangan ng operating reserves.

Batay sa advisory, ipatutupad ang Yellow Alert mula 3:01 PM hanggang 4:00 PM at muling mula 10:01 PM hanggang 11:00 PM.

Samantala, isasailalim naman sa Red Alert ang Luzon Grid mula 4:01 PM hanggang 10:00 PM.

Pinapayuhan ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente, lalo na sa peak hours, upang makatulong na maibsan ang pressure sa power supply.

Manatiling nakaantabay sa mga susunod na abiso mula sa Meralco, NGCP, at pamahalaan kaugnay ng power supply situation.


27/04/2026

https://www.facebook.com/share/1CbDCTxbYi/

BREAKING: Inatasan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) na magsagawa ng malawakang misting operation sa iba’t ibang bahagi ng lungsod bunsod ng matinding init na nararanasan sa Maynila.

Sa lingguhang City Department Heads Meeting, nagbigay ng direktiba si Mayor Isko kay MCDRRMD Director Arnel Eustacio Angeles na agad isagawa ang naturang operasyon upang makatulong sa pagpapahupa ng init at magbigay-ginhawa sa mga Manileño.

Patuloy na pinaaalalahanan ang publiko na uminom ng sapat na tubig, umiwas sa matagal na pagkakabilad sa araw, at maging alerto sa mga sintomas ng heat exhaustion.


E-jhay Clamor Talagtag
City Information Officer


12/04/2026

https://www.facebook.com/share/18bLsozdfT/

ADVISORY: MAGSUOT NG FACE MASK SA PAGLABAS NG BAHAY 😷

Inaabisuhan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department ang lahat ng Manileño na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay, alinsunod sa patuloy na pagmomonitor sa kalagayan ng kalidad ng hangin sa Kapitolyo ng bansa.

Batay sa Air Quality Index (AQI) mula sa apat na monitoring locations sa ilalim ng Hinga Maynila Program ngayong Abril 11, 2026, alas-5:00 ng hapon, naitalang nasa “Fair” ang Anda Circle, San Sebastian Residences, at Sta. Ana Hospital, habang ang Puregold Tayuman ay nasa antas na “Unhealthy for Sensitive Groups.”

Dahil dito, maaaring makaranas ng hindi magandang epekto sa kalusugan ang mga kabilang sa sensitibong sektor, lalo na ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may iniindang sakit sa baga, puso, o hika. Pinapayuhan ang mga may respiratory illness tulad ng asthma na iwasan o limitahan ang outdoor activities sa mga lugar na apektado ng UFSG level ng hangin.

Ayon sa monitoring, maaaring maiugnay ito sa makapal na usok mula sa nagpapatuloy na sunog sa Navotas Sanitary Landfill, na umaabot sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat, limitahan ang matagal na pananatili sa labas kung hindi kinakailangan, at ugaliing magsuot ng face mask bilang pag-iingat laban sa masamang epekto ng maruming hangin.

Patuloy pong minomonitor ng mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Manileño.


10/04/2026

https://www.facebook.com/share/18YPwjjavh/

Mga Batang Maynila, narito ang schedule ng FREE PUBLIC SWIMMING POOL sa Lungsod ng Maynila!

Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang libreng pasilidad para sa ligtas at masayang pagpapapresko ngayong tag-init.

Para sa kumpletong detalye ng schedule, tingnan ang post sa ibaba.


08/04/2026

https://www.facebook.com/share/1CeYkNVyoA/

WALA MUNANG EXTENSION ANG LIBRENG SAKAY NG MANILA LGU

JUST IN: Inanunsyo ni Manila Mayor Francisco “Isko" Moreno Domagoso na wala munang extension ang Libreng Sakay Program ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila simula bukas, Abril 9, at sa mga susunod na araw.

Ayon kay Mayor Isko, pag-aaralan muna ng pamahalaang lungsod at susuriin ang naging epekto ng programa upang matukoy ang mga susunod na hakbang at matiyak na magiging mas episyente ang implementasyon nito at upang mas marami pa ang makinabang sa programa.

Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang limang araw na Libreng Sakay noong Marso 30, 31, Abril 6, 7, at ngayong huling araw, Abril 8, bilang agarang tugon upang maibsan ang pasanin ng mga commuter at matulungan din ang mga driver at operator sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Tiniyak ng alkalde na patuloy na magsasagawa ng mga hakbang ang pamahalaang lungsod upang maipagpatuloy ang pagtulong sa mga Manileñong apektado ng krisis.



E-jhay Clamor Talagtag
City Information Officer


Want your business to be the top-listed Government Service in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


M. Adriatico Street, Malate
Manila
1004

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm
Friday 7am - 6pm