20/06/2026
✨ MALIGAYANG ARAW NG MGA AMA
taos‑puso kaming bumabati sa lahat ng ama, tatay, lolo, at haligi ng bawat tahanan sa ating pamayanan.
Kayo ang tahimik na bayani — matibay na sandigan, walang sawang nag‑aalaga, at laging handang magsakripisyo para sa kinabukasan ng pamilya. Salamat sa inyong pagmamahal at gabay na nagpapatatag hindi lamang sa inyong tahanan kundi pati sa ating buong barangay.
Nawa’y laging pagpalain kayo ng mabuting kalusugan, kapayapaan, at masayang pagsasama ng inyong mga mahal sa buhay.
Mabuhay ang lahat ng ama! Happy Father’s Day! 💙💛
16/06/2026
🎂 Happy Birthday, Kagawad Delfin Acosta! 🎉
Nawa'y mapuno ng saya, pagmamahal, at biyaya ang inyong espesyal na araw. Maraming salamat sa inyong tapat na paglilingkod. God bless you always! ❤️
13/06/2026
📢✂️🎒 DALAWANG LIBRENG SERBISYO PARA SA MGA RESIDENTE NG BRGY. 387 ZONE 39! 🎒✂️📢
Magandang gabi, mga ka-barangay!
Inaanyayahan namin kayo bukas sa ating mga programang handog para sa komunidad:
🎒 BIDA BALIK SKWELA – School Supplies Distribution ✅ Para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang College
✂️ LIBRENG GUPIT ✅ Para sa mga residente ng Brgy. 387 Zone 39
🤝 Hatid sa inyo ng SK council at mula kina Konsehal Jeff Lau at Konsehal Fa Fugoso bilang suporta sa ating komunidad.
📅 Petsa: June 14, 2026
🕑 Oras: 2:00 PM
📍 Lugar: sa harap Ng Barangay 387 hall
Tara na at samantalahin ang mga libreng serbisyong ito! Magkita-kita tayo bukas!
13/06/2026
🎓📚 HATID AY SERBISYO SCHOLARSHIP PROGRAM 2026–2027
Isang pagkakataon para sa mga kabataang Manileño na makapagpatuloy at makatapos ng kanilang pag-aaral.
✔️ Buong scholarship Grade 7
✔️ Uniform allowance bawat taon
✔️ Suporta para sa mas maliwanag na kinabukasan
Para sa mga kwalipikadong mag-aaral ng Distrito 3, Manila.
https://www.facebook.com/share/18ZUY3Zy2R/
Pampublikong paaralan ngayon, pribadong paaralan bukas? Posible na! 📚 🎓
Magandang balita para sa mga incoming Grade 7 students! Sa tulong ng Scholarship Program ni Congressman Joel Chua katuwang ang The Nazarene Catholic School, may pagkakataon ang mga kwalipikadong mag-aaral na galing sa public schools para makapag-aral sa pribadong paaralan.
I-ready na ang requirements at ipasa sa District Office.
Share this post at i-tag ang mga magulang at estudyanteng maaaring makinabang! 💙
09/06/2026
Bilang pagkilala sa inyong dedikasyon at sakripisyo, inaanyayahan ko po kayo na makilahok sa Bayanihan sa Kalusugan: Alaga sa Manggagawa Program – FREE MEDICAL CHECK UP. Ito po ay isang pagkakataon upang mabigyan ng libreng serbisyong medikal ang ating mga manggagawant nag trabaho sa pribado kompanya .
Ang malusog na manggagawa ay pundasyon ng isang mas ligtas, mas maayos, at mas maunlad na komunidad.
Kita-kita po tayo sa June 8–12, 2026, mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM sa FFCCCII Ground Floor.
Maraming salamat!
https://www.facebook.com/reel/1723001392310515/
05/06/2026
Tag ulan is waving kaya Isa sa paghahanda ay ang pag papadeclogging/vaccum upang malinisan ang mga Drainage.MARAMING SALAMAT po sa positibong pagtugon ng ating councilor TIMOTHY "TOL" ZARCAL, sa ating request.Malaking tulong po ito para maiwasan ang pagbaha sa ating nasasakupan. MARAMING SALAMAT sa ating butihing Punong Barangay Kap. Maria Luisa Amar at konseho, ganun din kay Ch. Melvin Amar sa pagsama sa ikot,Gayundin po sa mga tiga DEPW na nagsagawa po ng declogging/vacuum. MABUHAY PO SA ATING LAHAT AT MAGIINGAT PO ANG BAWAT ISA, LALO NA SA PAGSAPIT NG TAGULAN.
03/06/2026
On going Booster Vaccination and patak Vitamin A po sa ating barangay hall.Tara na po para protektado ang ating kiddos.
02/06/2026
🐶🐱 LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION 🐱🐶
HATID SERBISYO NI
COUNCILOR TIMOTHY OLIVER "TOL" ZARCAL
Katuwang ang Barangay 387
📢 Mga ka-barangay!
Inaanyayahan ang lahat ng pet owners na dalhin ang kanilang mga alagang a*o at pusa para sa LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION.
📅 Petsa: June 8, 2026 (Lunes)
⏰ Oras: 8:00 AM – 11:00 AM
📍 Lugar: Arlegui St., Quiapo, Manila
✅ Libre ang bakuna
✅ Para sa mga a*o at pusa
✅ Proteksyon laban sa rabies
✅ Para sa kaligtasan ng inyong pamilya at komunidad
PAALALA:
• Dalhin ang inyong alagang hayop na may tali o cage.
• Siguraduhing maayos at ligtas ang pagdadala ng alaga.
• Unahin ang kalinisan at kaayusan sa vaccination site.
Protektado ang Alaga, Protektado ang Pamilya!
🐾 Sama-sama nating sugpuin ang rabies sa ating komunidad! 🐾
Hatid ng Tapat na Serbisyo ni Councilor Tol Zarcal
Kasama ang Barangay 387
29/05/2026
A N N O U N C E M E N T!!! BINYAGANG BAYAN handog sa kapistahan ng kapanganakan ni "SAN JUAN BAUTISTA". Magpatala sa CARDINAL SIN BLDG. (8:00AM-5:00PM) Ang Huling pagpapatala/Pagpapalista ay sa Hunyo 17, 2026.( 0-7 YEARS OLD)
HUNYO 20, 2026- SABADO-BINYAGANG BAYAN