02/06/2026
SINAG UPDATES | Officers-Elect from SINAG Party Participate in the Grand Youth Trooping
Officers-Elect from SINAG Party participate in the Grand Youth Trooping organized by Kabataan Partylist in celebration of its 25th Anniversary.
The event serves as a platform for young leaders and advocates to amplify the voices of Filipino youth and support initiatives advancing their rights, welfare, education, employment, and livelihood.
Pubmat by: Alberto Talastas
Caption by: Denzel Baclig
13/05/2026
OFFICIAL STATEMENT OF S1NAG PARTY ON THE SECOND IMPEACHMENT OF SARA DUTERTE
In light of the impeachment of Vice President Sara Duterte by the House of Representatives of the Philippines, where 257 lawmakers voted in favor, 25 voted against, and 9 abstained, we call on the Senate of the Philippines to ensure that the impeachment proceedings are conducted forthwith with fairness, impartiality, and full respect for due process.
Naninindigan ang S1NAG sa pagsusulong ng aktibong pakikilahok, demokratikong pagpapahalaga, at pamamahalang kasama at para sa sambayanang Pilipino.
12/05/2026
Sa bawat patunay ng karanasan, mas lalong nahahayag ang tunay na diwa ng paglilingkod.
β¨π
Hindi lang salita ngunit kita rin sa gawa, narito ang mga salaysay at testimonya mula sa mga taong na saksihan ang husay, dedikasyon, at pusong handang maglingkod ng mga hahalili sa panibagong yugto sa College of Tourism and Hospitality Management Student Ambassador β Ushering Services. Mga salitang patunay sa aksyong may kalidad at katapatan para sa kapwa mag-aral ng pamantasan.
Tulad ng kanilang pag gabay, nawaβy maging daan ang mga testimonyang inilatag para sa pagpili ng tamang lideratong may serbisyong totoo at uunahin ang kaayusan sa kanyang pinaglilingkuran.βοΈ
12/05/2026
Simula sa direksyon, patungo sa aksyon. π§β¨
Inilalatag dito ang General Plan of Action ng College of Tourism and Hospitality Management Student Ambassador β Ushering Services na magsisilbing gabay sa sistematiko, maagap, at propesyonal na pagtugon sa bawat gawain at programa ng kolehiyo.
Sa pamamagitan ng malinaw na layunin at sama-samang pagkilos, pagtitibayin natin ang kultura ng maayos na serbisyo, kahandaan, at pananagutan para sa bawat Nationalian.ππ
12/05/2026
Serbisyong handang umalalay, ngiti at tindig ay kasabay.π
Hindi lamang pagsabay at paggabay ang kayang ipakita ng mga kandidato ng College of Tourism and Hospitality Management Student Ambassador β Ushering Services. Husay sa karanasan at dedikasyon sa bawat aksyon ang kanilang lakas upang magsilbing gabay para sa pamumunong tapat at may kalidad.
Katuwang ng kanilang kakayahan at karanasan, narito ang mga patotoo sa kanilang serbisyong may direksyon at puso sa paglilingkod para sa kaayusan at kapakanan ng bawat Nasyonalyan. πβ¨
12/05/2026
Husay, disiplina, at dedikasyon. Maayos na paglilingkod ang laging aksyon.π«‘π€
Kilalanin ang mga lider-estudyanteng may serbisyong gabayan ang nasyunalyan. Maliwanag ang S1nag ng kanilang hangarin na maglingkod para sa kaayusan ng pamantasan. Bilang mga lider-estudyante, tangan nila ang kakayahang manguna, maglingkod nang may puso, at tiyakin na bawat kilos ay nakatuon sa kapakanan, dignidad, at boses ng komunidad.
Narito at handa nang mag serbisyo ang mga kandidato ng partidong S1nag para sa College of Tourism and Hospitality Management Student Ambassador β Ushering Services.π
12/05/2026
Patunay ng serbisyong may puso at pamumunong may direksyon, handang maging gabay ng mas makabuluhang Tourism Society βοΈπ
Narito ang mga patotoo at testimonya para sa mga kandidatong mula sa Partidong S1NAG para sa NU Manila - Tourism Society mula sa mga taong nakasama at naging saksi sa kanilang dedikasyon, kakayahan, at malasakit sa mga nasyonalyan.
Hindi lamang ito mga salita, kundi repleksyon ng kanilang tunay na paglilingkod, pagiging responsable, at hangaring makapagbigay ng mas maliwanag na kinabukasan para sa organisasyon.
Mula pangarap tungo sa pagkilos, dala ang lideratong may paninindigan at pagkakaisa. β¨
Tanglaw-liwanag, βyan ang S1NAG! π
12/05/2026
PLANO. AKSYON. SERBISYO. πΊοΈβ¨
Inilalahad ng Partidong S1NAG ang General Plan of Action (GPOA) para sa NU Manila - Tourism Society.
Ang aming plano ay hindi lamang listahan ng mga gawain, kundi isang malinaw na gabay upang iangat ang antas ng ating organisasyon. Sa ilalim ng ating pamumuno, tinitiyak namin na ang bawat proyekto ay may saysay at bawat boses ay may puwang. Sama-sama nating tahakin ang landas tungo sa mas maayos na kinabukasan. βοΈβοΈ
12/05/2026
KAHUSAYAN AT KARANASAN: ANG MGA HALIGI NG PARTIDONG S1NAG π βοΈ
Sa ating mithiing itaguyod ang antas ng NU Manila - Tourism Society, tanging ang mga lider na may sapat na kasanayan at malawak na karanasan ang dapat magsilbing gabay. Narito ang mga kredensyal ng mga kandidato ng Tourism Society., isang komprehensibong pagtatala ng kanilang mga naging kontribusyon, karangalan, at paninindigan sa loob ng ating pamantasan.
Ang bawat katungkulan ay aming pinahalagahan upang magsilbing paghahanda sa mas malawak na tungkuling aming tatahakin. Kami ay handang tumindig bilang inyong mga kinatawan, baon ang dunong at malasakit para sa bawat Nasyonalyan. πβ¨
12/05/2026
Higit pa sa pagtanaw, tayo ang magsisilbing liwanag. πβ¨
Sa S1NAG ng ating mga mithiin, kailangan natin ng lideratong may sapat na galing at malasakit na magsilbi nang tapat.
Narito ang mga mukha ng pagbabago para sa NU Manila - Tourism Society. Mga lider na hindi lamang bihasa sa teorya, kundi subok na sa gawaβhandang maging haligi ng isang masigla at nagkakaisang komunidad.
Ang inyong tiwala ang magsisilbing pasaporte sa isang kinabukasang may saysay at tagumpay. βοΈπ