Kap Cate Pabale

Kap Cate Pabale

Share

Official page of Kap. Cate Pabale of Barangay Abangan Sur, Marilao, Bulacan

07/06/2026

Purok Kalusugan 2026

Inaanyayahan ang lahat ng mga taga-Abangan Sur na makiisa sa Purok Kalusugan Program sa June 16, 2026 sa Alejandra Covered Court, alas-8 ng umaga.

Magkakaroon ng iba't ibang medical services at seminar na makatutulong sa kalusugan at kapakanan ng ating mga kabarangay, kabilang ang:

✅ Pneumonia Vaccine para sa mga bagong Senior Citizens (50 slots)
✅ National Immunization Program
✅ Eye Check-up
✅ TB / HIV Awareness
✅ NCD Hypertension and Diabetes
✅ Maternal Health and Family Planning
✅ Breast and Cervical Cancer Awareness
✅ Water, Sanitation and Hygiene
✅ Nutrition
✅ Road Safety

PALALA: Magkakaroon ng pre-registration para sa Pneumonia Vaccine bukas, 1PM - 5PM.

Samantalahin ang pagkakataong ito upang matuto at makakuha ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan para sa inyong pamilya.

Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan para sa mas ligtas at mas malusog na Abangan Sur!


07/06/2026

Ngayong buwan ng Hunyo, ipinagdiriwang natin ang pagmamahal, pagkakapantay-pantay, pagtanggap, at paggalang sa bawat isa anuman ang kanilang pagkakakilanlan.

Maligayang Pride Month sa lahat! Patuloy nating ipagdiwang ang pagkakaiba-iba at pagkakaisa.


31/05/2026

Ang tunay na karunungan ay nagsisimula sa paggalang at pagtitiwala sa Diyos. Kapag Siya ang ating gabay, mas nagiging malinaw ang ating landas at mas matatag ang ating mga desisyon.

Nawa’y patuloy tayong lumakad sa Kanyang kalooban at humingi ng karunungang nagmumula sa Kanya.


27/05/2026

Pagbati ng mapayapang Eid al-Adha sa ating mga kapatid na Muslim🧡

Nawa’y mapuno ang araw na ito ng pananampalataya, pasasalamat, at pagkakaisa.


27/05/2026

Maligayang Kaarawan kay Kap. Cate Pabale! 🧡

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at mas marami pang biyaya upang maipagpatuloy ang inyong tapat na paglilingkod sa ating barangay.

Maraming salamat sa inyong malasakit at pagmamahal sa mga taga-Abangan Sur.

24/05/2026

Kapag ang panalangin ay sinamahan ng pananampalataya, walang imposible sa Diyos.

Manalangin, manalig, at magpatuloy sa paggawa ng mabuti. 🧡


22/05/2026

Congratulations kay Reign Jemina A. Raymundo sa matagumpay na pagtatapos ng Bachelor of Early Childhood Education sa Pambayang Dalubhasaan ng Marilao!


21/05/2026

LIBRENG GUPITAN para kina LOLO, LOLA, at APO!

Inaanyayahan po ang ating mga kabarangay sa Libreng Gupitan na gaganapin sa May 30, 2026 mula 7:00 AM hanggang 12:00 NN sa Alejandra Covered Court.

Isang simpleng handog ng ngiti, malasakit, at pasasalamat para sa ating mga senior citizens.

First come, first served!

Hatid ng Senior Citizens Association ng Abangan Sur.


17/05/2026

Sa gitna ng pagod, problema, at pagsubok sa buhay, tandaan nating hindi tayo nag-iisa. Ipagkatiwala natin sa Diyos ang lahat sa pamamagitan ng panalangin at pasasalamat.


Photos from Kap Cate Pabale's post 15/05/2026

Matagumpay na naisagawa ang Operation Tuli 2026 sa Barangay Health Center ng Abangan Sur, Marilao, Bulacan, kanina, May 15, 2026!

Mahigit 70 kabataan ang nakinabang sa napakagandang proyektong ito na naglalayong makatulong at makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan para sa ating komunidad.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga health workers, medical volunteers, at sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang programang ito. Espesyal ding pagkilala kina Kagawad Quire Fernando, Coulyn Sayo, Ronnie Raymundo, Ching Salazar, Edgar Diaz, pati na rin kina Ali Kwan at Jonar Yanga na personal na nag-asikaso at umalalay sa ating mga kabataan sa buong programa.


Want your business to be the top-listed Government Service in Marilao?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Barangay Abangan Sur
Marilao
3019