28/05/2026
Sa pagdiriwang ng National Flag Days, muli nating binibigyang-pugay ang watawat ng Pilipinas bilang sagisag ng ating kalayaan, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang isang bayan. 🇵🇭
Nawa’y magsilbi itong paalala ng katapangan at pagkakaisa ng bawat Pilipino sa patuloy nating pagsusulong ng mas maayos at mas maunlad na kinabukasan para sa lahat.
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
28/05/2026
Kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa paggunita ng mga Araw ng Pambamsang Watawat at ika-128 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.
Sa pagwagayway ng ating watawat, buhay na ginugunita ang diwa ng katapangan, pagkakaisa at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan.
Nawa’y manatiling nagliliyab sa puso ng bawat mamamayan ang pagiging makabayan at pagpapahalaga sa kalayaan na siyang pundasyon ng isang matatag at maunlad na bansa.
27/05/2026
Eid’l Adha Mubarak!
Nawa’y maging makabuluhan ang pagdiriwang na ito na puno ng pananampalataya, sakripisyo, at pagbibigayan. Mula sa Pamahalaang Bayan ng Marilao, sa pangunguna ni Mayor Jem Sy, taos-pusong pagbati sa ating mga kapatid na Muslim!
26/05/2026
Halina at ating suportahan ang pambato ng ating minamahal na Bayan ng Marilao sa "G*t at Paraluman ng Bulacan 2026"
⚜️ Randanniell Marilag
▪️ Lambakin, Marilao, Bulacan
Randanniell Marilag - Marilao
24/05/2026
Museo de Marileño
Turismo Marileño
Museo de Marileño was originally located in Constantino, Barangay Poblacion II, but it was moved in December 2021 to Liwasang Pangkalikasan ng Marilao in Barangay Prenza I and officially opened in 2024. The museum displays old household items, photographs of leaders and notable personalities from Marilao, as well as other memorabilia and collections that reflect and showcase the municipality's art, history, culture and tourism.
Museo De Marileño is located inside the agricultural park Liwasang Pangkalikasan ng Marilao. Visitors can:
- explore the museum
- stroll through the ornamental area
- purchase freshly picked vegetables
Address: Liwasang Pangkalikasan ng Marilao, Prenza I, Marilao, Bulacan
Open: Monday to Friday | 8:00 am - 5:00 pm
Contact details:
Email: [email protected]
Museum Curator: Ricky Manalo
22/05/2026
𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒 𝐃𝐄 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔 | Malugod na inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga gawain kaugnay ng pagdiriwang ng Flores de Maria sa ating parokya nagsimula noong ika-1 ng Mayo hanggang ika-31 ng Mayo 2026 sa pangangasiwaan ng Congregacion de las Hijas de Maria.
Sa ika-22 hanggang ika-30 ng Mayo ay gaganapin ang nobenaryo tuwing ika-4:30 ng hapon na sisimulan ng pagdarasal ng rosaryo, mga panalangin mula sa Mariquit na Bulaclac, at pag-aalay ng bulaklak. Susundan naman ito ng Banal na Misa sa ika-6:00 ng hapon.
Sa ika-31 ng Mayo, ipagdiriwang natin ang Kapistahan sa karangalan ng Madre de la Divina Gracia, Mahal na Birhen ng mga Bulaklak. Sisimulan ito ng pagdarasal ng rosaryo, mga panalangin mula sa Mariquit na Bulaclac, at pag-aalay ng bulaklak. Ang Banal na Misa ay sa ika-6:00 ng gabi na susundan ng isang prusisyong panapos para sa itinatangging Reyna ng mga bulaklak, ang Madre de la Divina Gracia de Marilao kasama ang mga sagala ng Mahal na Birhen.
Halina't makiisa sa pag-aalay ng bulaklak at manalangin para kay Maria upang mabigyan tayo ng biyaya ng Mahal ng Birheng Maria.
21/05/2026
𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺 𝗼𝗻 𝗛𝗲𝗿𝗶𝘁𝗮𝗴𝗲 𝗕𝘂𝗹𝗮𝗰𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲
Nakiisa ang Pambayang Seksiyon ng Turismo sa pangunguna ng Pambayang Pinuno ng Turismo na si G. Ricardo Manalo, kasama ang kawani na si G. John Paul Dela Cruz at dalawang kabataang Marilenyo na sina G. Christian Labe at Bb. Suzanne Caseñas, sa ginanap na Youth Forum on Heritage Bulacan 2026 na pinangunahan ng Culture and Arts Division ng Provincial History Arts Culture and Tourism Office, katuwang ang Filipino Heritage Festival Inc. at National Commission for Culture and Arts mula ika-19 hanggang ika-21 ng Mayo, 2026 sa Mariano Ponce Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Isa itong makabuluhang pagtitipon na naglalayong palalimin ang kamalayan at pagpapahalaga ng kabataan sa ating mayamang kultura at pamana.
Tinalakay rin ang pagsasagawa ng Cultural Mapping sa bawat lokal na nasasakupan upang matukoy ang mga natatanging pamana ng ating kultura at kasaysayan, mapanatili ang lokal na pagkakakilanlan, at mapigilan ang unti-unting pagkalimot at pagkawala ng ating mga pamanang kultura.